Alaminos City Mayor Bryan Celeste on girlfriend Pauline Mendoza: "Yung pagka-sweet namin may halong asaran."

by Rachelle Siazon
May 15, 2020
Alaminos City Mayor Bryan Celeste on girlfriend Pauline Mendoza: "When I'm with her, parang I feel like yung stress ng politics nawawala. I don't feel like a mayor pag kasama ko siya."
PHOTO/S: Bryan Celeste Facebook / @paulinemendoza Instagram

"Yung pagka-sweet namin may halong asaran."

Ganito inilarawan ni Alaminos City Mayor Bryan Celeste ang relasyon nila ng girlfriend na si Pauline Mendoza.

Si Bryan, 23, ang millennial mayor sa Pangasinan na hinangaan dahil sa maagap na pamimigay ng ayuda sa unang bugso ng community quarantine noong Marso.

Si Pauline, 20, ay Kapuso star na nakilala sa primetime series na Kambal, Karibal. Siya ang gumanap bilang multong kakambal ni Bianca Umali.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ni Mayor Bryan na nobya niya si Pauline.

Ibinahagi ng alkalde na isang common friend ang nagpakilala sa kanila ng aktres noong nakaraang taon.

Nitong taong 2020 sila opisyal na naging magkasintahan.

Nakangiting pag-amin ni Mayor Bryan, "Yeah, bago pa lang kami. We're just like any other couple.

"Yun nga ang masaya, e. When I'm with her, parang I feel like yung stress ng politics, nawawala.

"I don't feel like a mayor pag kasama ko siya."

Continue reading below ↓


LOVE MIXED WITH FRIENDSHIP

Nahulog daw ang loob ng batang mayor kay Pauline dahil swak ang personalidad nila.

Paglalarawan pa ni Mayor Bryan, "Well, nung una kaming nagkakilala, I guess, yung pinakanagustuhan ko sa kanya, halos pareho kami ng ugali.

"Lagi kaming nag-aasaran. Para nga kaming magbarkada.

Continue reading below ↓

"So, lagi kaming naglolokohan.

"It keeps the relationship fun."

Napangiti pa si Mayor Bryan nang ipaabot naming paminsan-minsan ay pabirong inaasar siya ni Pauline sa kanyang Instagram posts.

"We treat each other as if we're best friends.

"Basta yung naglolokohan, lalo na sa Facetime, lagi siyang nagpapatawa."

Continue reading below ↓

HIKING, ISLAND HOPPING

Chill couple lang din sina Mayor Bryan at Pauline.

Nae-enjoy raw nila ang hiking bago ipinatupad ang enforced quarantine.

Iyong litratong ibinahagi ni Pauline sa Instagram, noong March 25, ay kuha raw sa isang lugar malapit sa Quezon City.

"Antipolo na ata yun o Rizal. Basta sa likod lang siya ng Fairview," sabi ng alkalde.

Naipasyal na rin daw niya si Pauline sa Alaminos, na kilala sa tourist destination na Hundred Islands.

"Yeah, she's been here. Before nung mag-lockdown."

Continue reading below ↓

MISSING PAULINE

Tiga-Marikina City si Pauline, habang si Mayor Bryan ay nakabase sa Alaminos City.

Kaya bago pa man ipatupad ang enforced quarantine ay minsan lang din silang magkita.

Noon, kapag may libreng oras siya ng weekend ay saka raw lumuluwas ang batang alkalde sa bahay ng kanyang pamilya sa Manila.

"Kahit hindi naman COVID, I don't consider it as long-distance relationship.

"Kasi Monday to Friday, may work din talaga ako. Siya rin may work.

"So, medyo useless din na nasa Manila ako during those days, because I don't want my work to suffer just for a relationship."

Ani Mayor Bryan, alam nila pareho ni Pauline na top priority ang kani-kanilang trabaho.

Nangingiting sabi pa ng alkalde, "Pero okay naman. Ngayon lang nagtagal na hindi kami nagkita for so long.

"I think it's been almost two months since the last time I saw her.

"So, nakaka-miss din."

ALAMINOS CITY UNDER MODIFIED GCQ STATUS

Sa ngayon, tutok si Mayor Bryan sa paghahandang gagawin ng pamahalaan ng Alaminos City sa ipatutupad na modified general community quarantine sa Pangasinan, simula May 16.

Continue reading below ↓

Kabilang ang Pangasinan sa idineklarang low-risk areas dahil sa mababang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa Alaminos City, ayon kay Mayor Bryan, dalawa lang ang dinapuan ng coronavirus.

Wala raw naitalang local transmission, at ngayon ay isang buwan na raw COVID-free ang kanilang lungsod.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alaminos City Mayor Bryan Celeste on girlfriend Pauline Mendoza: "When I'm with her, parang I feel like yung stress ng politics nawawala. I don't feel like a mayor pag kasama ko siya."
PHOTO/S: Bryan Celeste Facebook / @paulinemendoza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results