Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Maureen Wroblewitz asked if she's pregnant with JK Labajo's child

by Rachelle Siazon
May 17, 2020
Asia's Next Top Model 2017 winner Maureen Wroblewitz confirms relationship with singer-boyfriend JK Labajo. She also quashes rumors that she's pregnant.
PHOTO/S: Maureen Wroblewitz

Isang netizen ang diretsahang nagtanong kay Maureen Wroblewitz kung siya ba ay nagdadalangtao.

Ito ay matapos magbahagi ni Maureen ng litrato nila ng boyfriend niyang si JK Labajo.

Yakap siya ni JK habang sila ay nasa gitna ng isang sandbar.

Kuha raw iyon sa dati nilang beach trip.

Caption ni Maureen, "hope everyone’s safe [heart emoji] never got to post this photo."

Galing ito sa Instagram post niya noong Biyernes, May 15.

Continue reading below ↓

Sa comments section, tanong ng isang netizen: "Are u pregnant?"

Nag-reply ang model na mukha lang malaki ang tiyan niya dala ng suot na flimsy dress.

"its the skirt," simpleng sagot ni Maureen kalakip ng laughing with tears emoji.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Tila mahangin din sa lugar kaya posibleng lumobo ang dress ni Maureen.

Continue reading below ↓

Si Maureen, 21, ay nakilala bilang Asia's Next Top Model Season 5 winner noong 2017.

Ilang buwan din siyang sumalang bilang co-host ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Si JK, 19, ay isa namang singer na unang nakilala sa The Voice Kids Season 1, ang singing competition ng ABS-CBN noong 2014.

IN A RELATIONSHIP

Kinumpirma nina Maureen at JK na sila ay magkasintahan.

Dati-rati ay mailap sila pareho sa tuwing natatanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

April 2019 pa lang ay naiulat na sa PEP Troika ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Pero simula nang ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila ay kapansin-pansing magkasama sina JK at Maureen sa isang tirahan.

Base ito sa kanilang TikTok videos kunsaan makikita ang kulitan nilang magkasintahan.

Continue reading below ↓

March 16 nang ibahagi ni Maureen ang video na nilalagyan niya ng makeup si JK.

Caption ni Maureen, "when your boyfriend falls asleep early and you have nothing else to do, just do this virus-free makeup."

JK MADE THE FIRST MOVE

Gumawa rin sila ng couple video kunsaan sinagot nila ang mga tanong kaugnay ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Ani Maureen, "a lot of people didn't know we're together so here's a video for y'all. #couple"

Si JK daw ang nag-first move kaya sila nagkapalagayan ng loob.

Si Maureen daw ang selosa at siya ring madalas na pumipili ng kakainan nila kapag may date sila sa labas.

Aminado si JK na siya raw ang "childish" sa kanila ni Maureen.

Ipinost ni Maureen ang video na ito sa short-form video app na TikTok noong March 23.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Next Top Model 2017 winner Maureen Wroblewitz confirms relationship with singer-boyfriend JK Labajo. She also quashes rumors that she's pregnant.
PHOTO/S: Maureen Wroblewitz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results