PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda on money: "Yung kaibigan ko naging kaaway ko matapos ko pautangin." 

Vice Ganda: "As much as possible, hindi ako nagpapautang sa kaibigan."
by Rachelle Siazon
Published May 17, 2020
Vice Ganda explains why he avoids lending big amounts of money to a friend: "Kasi habang inuugali mo na pagbigyan sila, dine-develop mo rin yung pag-uugali nila na umutang na lang nang umutang."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram

"As much as possible, hindi ako nagpapautang sa kaibigan."

Ito ang inihayag ni Vice Ganda, 44, nang tanungin siya kung ano ang posisyon niya pagdating sa pagpapautang.

Hindi raw kasi maiwasang magkaroon ng gusot kapag malaking pera ang usapan.

Paliwanag niya, "Dahil maraming pagkakataon sa buhay ko, na yung kaibigan ko naging kaaway ko matapos ko pautangin.

"So hindi ako magpapautang."

Mas gusto pa raw niya ang tumulong kahit kaunti, kaysa yung magpautang ng malaking halaga.

"Maaaring mag-extend ako ng tulong, bigay ko na lang. Pero depende, ha. Kung anong inuutang.

"Kunwari, mangungutang ka sa akin ng malaking pera, 'tapos hindi mo naman mababayaran, 'tapos mag-aaway lang tayo, tutulungan na lang kita."

Gusto raw kasi ni Vice na iwasan yung basta na lang iasa sa kanya ang pagresolba ng isang problema.

"Aabutan na lang kita ng kung anong kaya ko lang. Help ko na lang sa 'yo.

"Yung kulang, bahala ka na dumiskarte sa pamamaraang alam mo .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro minsan sa sobrang awa na rin, at pag kailangang-kailangan talaga, baka magpautang ako."

Inihayag ito ni Vice sa kanyang Facebook Live kasama ng kaibigan niyang si MC Calaquian.

Ginanap ito noong Sabado ng gabi, May 16.

NOT TOLERATING PEOPLE TO BE DEPENDENT

Paliwanag pa ni Vice, may tendency na maging abusado ang isang tao kapag madalas na tinutulungan.

"Pero hindi ko uugaliin na pagbigyan sila.

"Kasi habang inuugali mo na pagbigyan sila, dine-develop mo rin yung pag-uugali nila na umutang na lang nang umutang.

"Kasi feeling nila that's the only way—kung saka-sakali, uutang ako."

Mas matututo raw ang tao na maging responsable sa buhay kapag may sariling effort ito.

Sabi pa ni Vice, "Kapag naranasan nila yung, 'Sh*t, walang mautangan.' Magtatanda iyan.

"At hindi na siya papayag na maulit ulit yun. Isusumpa niya yung pagkakataon na nangutang siya.

"At ang gagawin niya, sa oras na iyon, magsisimula siyang mag-ipon para hindi na maulit yung pangyayaring yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"ANG HIRAP KAYA MAGMUKHANG KAWAWA."

Nauunawaan daw ni Vice yung pakiramdam na walang-walang pera sa bulsa.

"Ang hirap kaya magmukhang kawawa. Pero paminsan-minsan kailangan mo magmukhang kawawa para masaktan.

"Para sabihin mo sa sarili mo na, 'Hindi na mauulit iyon. Hindi na ako magmumukhang kawawa ulit. I will strive harder.'"

Kung nakita raw ni Vice na kumakayod nang husto pero sobrang gipit sa pera, posibleng tulungan daw niya sa emergency situation.

"Pero may pagkakataon naman talaga kung kailangan na kailangan ng tulong, hindi naman dahil sa tamad sila, pero kailangan talaga nila ng tulong, or hindi na sapat.

"Meron namang mga tao na deserve ng tulong at hindi natin ipagkakait iyon.

"Pero may mga tao rin talaga na abusado. Yung mga abusado, dapat iparamdam mo sa kanila, 'Girl, abusado ka, hindi mo deserve ng tulong.'"

VICE'S TAKE ON UTANG NA LOOB

Sa puntong ito ay sumingit ang kaibigan ni Vice na si MC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinaalala ni MC kay Vice na may pagkakataong tinulungan ni Vice ang isa nilang kaibigan na nagpapa-chemotherapy ang ama.

Nagbigay raw ng malaking pera si Vice.

Pero hindi na maalala ng It's Showtime host iyon.

Ayon pa kay Vice, maraming pagkakataong nagugulat na lang siya na may natulungan pala siya.

"Ayokong matandaan yung mga tinulungan ko kasi ayoko mag-expect ng balik.

"Ayoko mag-expect na, 'Kailangan may tanawin ka sa akin [na utang na loob].'

"Ginawa ko yun dahil gusto ko gawin at that time. Hindi ko ginawa dahil may balak akong maningil in the future."

Dagdag pa ng It's Showtime host, "Tama na yung may mabuti akong nagawa in the past. 'Tapos I will leave it at that."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda explains why he avoids lending big amounts of money to a friend: "Kasi habang inuugali mo na pagbigyan sila, dine-develop mo rin yung pag-uugali nila na umutang na lang nang umutang."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results