Nagpasalamat ang social media sensation na si Miss Everything, a.k.a. Ericka Maribojoc Camata, sa pag-reach out sa kanya ng aktres na si Angel Locsin.
Malaking pinsala ang tinamo ng bahay ni Miss Everything sa Calbayog City, Western Samar, noong nakaraang linggo, dahil sa bagyong Ambo.
Signal Number 3 ang tumama sa malaking bahagi ng Samar.
May 15, Biyernes, nag-post si Miss Everything sa Facebook ng mga larawan ng pinsala sa kanilang bahay—wala na itong bubong at bumigay ang pader.
Pero ligtas naman daw sila.
Caption niya: “Our home [broken hearts emojis] We our safe no worrying everyone [heart emoji]”
Kinabukasan, nag-tweet si Angel kay Miss Everything.
Tanong ng aktres: “Saang lugar po ito?”

Maagap namang sumagot ang ilang netizens, at tinukoy na ang lugar ay sa Barangay Carayman, Calbayog City.
Nag-double check pa si Angel via Twitter.
Sinagot din ni Angel ang ilang netizens na taga-Samar, na nagbigay ng update sa lugar.
Binanggit ng 35-anyos na aktres na idinaan niya sa Twitter ang pagtatanong dahil “mahirap nga makakuha ng update sa area.”
Sumagot din si Miss Everything sa tanong ni Angel, bagama’t may iba nang netizens ang naunang nag-reply.



Wala nang update na ibinigay si Angel via Twitter kung anong tulong ang ipinaabot niya kay Miss Everything, o kung nag-abot siya ng tulong sa iba pang mga residente sa bayan ng Samar.
Pero nitong May 17, Linggo, nagpasalamat si Miss Everything kay Angel sa pamamagitan ng Facebook.
Caption niya: “Thank you so much Darna [kisses and hearts emojis]”

MISS EVERYTHING GETS FINANCIAL HELP FROM NETIZENS
Tila magandang senyales naman ang pagtu-tweet ni Angel.
Nagsunu-sunod din kasi ang pag-abot ng tulong ng netizens, via mobile app wallet.
Ang iba naman, nagpahayag ng moral support sa Internet sensation.


(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)
