Ang panlalait ng isang tao ay pagpapakita na insecure lamang ito.
Ito ang nilalaman ng isa sa maiiksi ngunit matapang na tweets ni Frankie Pangilinan noong May 17, Linggo.
Walang pinangalanan si Frankie, 19, sa kanyang tweets.
Pero batay sa reaksiyon ng netizens, ipinagtatanggol ng anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan si Kathryn Bernardo, 24.
Noong Sabado, May 16, nag-trending sa Twitter ang hashtag na #sakangsiKathryn na panlalait ng mga bashers/trolls sa binti ng Kapamilya actress.
Ito ay matapos maghayag ng saloobin si Kathryn at ang boyfriend niyang si Daniel Padilla, 25, kaugnay ng pagpapasara ng kanilang home network, ang ABS-CBN.
Bunsod nito, nag-clash ang supporters ng KathNiel at ang bashers/trolls.
Nagkataon naman na nitong Linggo, ipinost ni Kathryn ang isang video blog kung saan nagsalita siya tungkol sa pamumuna ng iba sa kanyang pagiging “sakang.”
Sagot niya sa bashers: "I love my legs! Si DJ love din legs ko!"
DID FRANKIE DEFEND KATHRYN BERNARDO?
Noon ding Linggo, malaman ang mga naging tweet ni Frankie.
Pinatamaan niya ang isang “admin”—administrator sa social media—na nagpasimuno ng panghihiya sa pisikal na kaanyuan ng isang babae.
Tweet ni Frankie: “how insecure does an admin have to be to rally people into body shaming a woman seriously”
Mas maanghang pa ang sumunod niyang tweet na patama sa “admin.”
Aniya, mas importante pa ba ngayong gawing isyu ang legs ng babae kaysa sa sitwasyon ng Pilipinas na nahaharap sa health crisis?
Kitang-kita raw sa senaryong ito kung sino ang immature.
Tweets ni Frankie: “apparently state of her legs > state of the nation
“a little maturity wouldn’t go amiss ya know”
Hindi tinukoy ni Frankie kung sino ang “admin.”
Pagkalipas ng ilang minuto, nag-tweet si Frankie na baka burahin niya ang mga mainit niyang tweet.
Kailangan lang daw niya talagang ilabas ang nararamdaman.



At press time, mababasa pa rin ang mga tweet na ito ni Frankie.
Hindi naman kataka-taka ang pagpapakita ng suporta ni Frankie kay Kathryn.
Aminadong KathNiel supporter ang anak nina Sharon at Senator Kiko.
Nitong mga nakalipas na araw, nang magsalpukan ang KathNiel fans at mga kritiko, ginamit ni Frankie ang hashtag na “weblockasone,” para ipanawagan ang pag-block sa bashers/trolls ng sikat na Kapamilya love team.
Sinuportahan naman si Frankie ng KathNiel fans sa tweets niya.


FRANKIE not BACKing down to CRITICISMS
Mismong si Frankie ay hindi rin ligtas sa panlalait ng mga bashers/trolls.
Pagdating sa pulitika at current issues, sadyang outspoken ang dalagang nagka-college ngayon sa New York City sa U.S..
Nitong weekend ay nag-tweet si Frankie tungkol sa nararanasang panlalait sa social media araw-araw sa loob ng isang taon.
Kabilang na rito ang pagtawag sa kanya ng “bobo,” “stupid girl,” “mukhang timang,” at iba pa.
Pero hindi nagpapatinag si Frankie.
Kung titingnan ang kanyang recent tweets, patuloy ang panganay ng Megastar sa pagpapahayag ng opinyon sa current issues sa Pilipinas, kagaya ng ongoing health crisis.
Halimbawa rito ang tweet niya kung bakit may mga taong hindi pa rin “woke” sa mga panahong ito.
Ang "woke" ay salitang slang na ang kahulugan ay pagkakaroon ng kamalayan sa kawalan ng hustisya sa lipunan.
Ani Frankie, mahirap i-educate ang mga taong naghihirap, na ang pangunahing inaalala ay kung paano nila mapapakain ang pamilya.
Bahagi ng kanyang tweet: “have some empathy and understand that basic needs must be met before social justice can ever be properly addressed"

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)
