PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

After questioning absence of mass testing, Pokwang hit for her looks  

Pokwang: "di bale na pangit di naman ako napatalsik sa work dahil sa drugs."
by Rachelle Siazon
Published May 20, 2020
Pokwang expresses sentiment of other Pinoys: "Totoo po ba walang magaganap na mass testing?? as in WALAAA??? so kami na po bahala sa buhay namin ganeerrnn??? matira matibay nalang talaga? salamat po sa pagmamahal ha.... wooooo sana 2022 na!!! sarap na bumoto ulit!!!"

Hindi inurungan ni Pokwang ang pang-aalipusta sa kanyang pisikal na hitsura ng trolls/bashers sa Twitter.

Inulan ng batikos ang Kapamilya comedienne dahil sa pagkuwestiyon niya sa kakulangan daw ng aksiyon ng gobyerno sa mass testing para sa COVID-19.

Lalo na raw sa panahong unti-unting pinaghahandaan ang pagbalik-trabaho ng mga manggagawa at empleyado ng private at government companies.

Diretsahang tweet ni Pokwang kahapon, May 19: "Totoo po ba walang magaganap na mass testing?? as in WALAAA???

"so kami na po bahala sa buhay namin ganeerrnn??? matira matibay nalang talaga?

"salamat po sa pagmamahal ha.... wooooo sana 2022 na!!! sarap na bumoto ulit!!!"

BASHER NA KAKILALA NI POKWANG?

Sa sumunod na tweets ni Pokwang, hinarap niya ang panlalait ng trolls/bashers sa kanyang pagmumukha.

Isa rito ay tila kilala pa ng TV host-comedian. Hindi lang malinaw kung showbiz personality rin ang bumatikos kay Pokwang.

Pero ani Pokwang, ang hindi pinangalanang personalidad ay "napatalsik sa work dahil sa drugs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pananabla raw ng "basher" sa kanya: "ang pangit mo Pokwang! Boba KA! mukha kang unggoy! epal ka!"

Sa isip naman ni Pokwang ay baka tinutukoy ng basher ang sarili nito.

Patutsada niya: "huh? wag ka kasi manalamin para wala ka makitang unggoy at pangit!

"di bale na pangit di naman ako napatalsik sa work dahil sa drugs hahahhaa

"alam mona kung sino ka ha wag mona hintayin pa pangalanan kita!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE HATERS NAME-CALLING POKWANG

Hindi rin daw tinatantanan si Pokwang ng ibang bashers/trolls na wagas makapanlait sa kanya.

"it’s 2:09am nagising ako kasi nagtimpla ako gatas ni tisay, abaaaa!!! yung iba ayaw talaga tumigil?

"Hahahaha pangit na pangit sakin?

"Kung sa bagay sa mata ng mga dimunyu mukha akong unggoy at chonggo! buti nalang sa mata ni God perpekto ako salamat po.... back to bed."


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Akala mo raw ay kung sinong mga perpekto kung makapanghusga sa kanya.

"Yung pang lalait nyo sakin na pisikal at pang aalipusta nyo nakatulong ba para mawala na problema sa mundo or problema mo sa buhay? Huh!

"sana Lang nakatulong nga Yang pagiging perpekto nyo ha! Good night"


Ngayong Miyerkules, May 20, kinuwestiyon ni Pokwang kung bakit pinagdidiinan ng bashers na siya ay "boba" at "pangit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw siya tatablan dahil kumpiyansa siya sa kanyang talento bilang artista at pati na rin sa kanyang self-worth.

"di parin tapos? boba! pangit! ano pa? Kailan koba sinabi na ang GANDA KO?

"atleast ako naging artista kahit chaka! Kasi ang tawag doon TALENT!!!! At iyon ay GIFT!!!

"maganda at gwapo pala kayo sayang dapat pala nai guest muna kayo sa SOCO bago na ipasara ang abs cbn! PERFECT???"

Ang SOCO o Scene of the Crime Operatives ay ang police series ng ABS-CBN weekly public affairs program na host si Gus Abelgas.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tweets din si Pokwang na kasama na sa "new normal" ang "dedma" sa bashers/trolls.


Sinabihan din niya ng "ul*l" ang isang basher na tila nag-deactivate nang sagutin ni Pokwang.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa comments section, lumalabas na ang inaalma ng nagtagong basher ay ang tweet ni Pokwang tungkol sa mass testing.

SEVERE LACK OF MASS TESTING

Karamihan sa mga kumokontra kay Pokwang ay tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang iba ay netizens na may legit followers, pero ang ilan ay zero o iisa lamang ang follower sa Twitter.

Base sa kanilang tweets, inalmahan nila ang patutsada ni Pokwang sa mga pulitikong hindi na niya iboboto sa 2022 elections.

Hindi nila gusto ang "reklamo" at "paninisi" sa gobyerno ng mga artistang tulad ni Pokwang.

May iba ring inulit ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi "mass testing" kundi "expanded targeted testing" ang planong aksyon ng gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay ito ng pagsita ni Roque sa ulat ng CNN Philippines na "the government has no program yet for mass testing" at ipinauubaya na ng gobyerno sa "private sector" ang pagsasagawa nito.

Ani Roque, base sa kanyang May 19 press briefing, siya man ay nagkamali sa paggamit ng salitang "mass testing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pong bansa sa buong mundo na tini-test ang lahat ng kanilang mga mamamayan. Kaya nga po mali ang terminong 'mass testing.'"

Pero siniguro ni Roque na ang goal daw ng gobyerno ay makapaglunsad ng daily testing na 30,000 persons per day.

As of May 8, ang Pilipinas ay sinasabing may testing capacity na 7,300 persons/day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base ito sa panayam ng ABS-CBN News kay Vince Dizon, deputy chief implementer ng National Task Force COVID-19 at presidente ng Bases Conversion and Development Authority.

HOT STORIES

POKWANG'S SUPPORTERS

Sa kabilang banda, maraming netizens ang dumepensa kay Pokwang.

Sinabi ng mga ito na walang masama sa paghayag ng opinyon ni Pokwang.

Karapatan daw ng mamamayan na kuwestiyunin ang gobyerno sa mga isyung may kinalaman sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi pang pangalanan na ni Pokwang ang kilala nitong nam-bash sa kanya.

Habang ang iba ay pinayuhan ang comedienne na hayaan na ang bashers/trolls dahil mas kahanga-hanga ang kanyang kabutihang loob at pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila sumang-ayon naman si Pokwang nang siya ay mag-post ng litrato ng isang truck na may lamang saku-sakong bigas na ayuda niya para sa mga nangangailangan.

Caption ng 49-year-old comedienne: "Keysa ma stress ako sa mga trolls na ito tuloy Lang paayuda ni Mamang!!!"

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang expresses sentiment of other Pinoys: "Totoo po ba walang magaganap na mass testing?? as in WALAAA??? so kami na po bahala sa buhay namin ganeerrnn??? matira matibay nalang talaga? salamat po sa pagmamahal ha.... wooooo sana 2022 na!!! sarap na bumoto ulit!!!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results