PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matteo Guidicelli asked again if wife Sarah Geronimo is pregnant

Matteo Guidicelli on baby plans with wife Sarah Geronimo: "Not yet."
by Bernie V. Franco
Published May 20, 2020
matteo guidicelli sarah geronimo holding hands
sarah geronimo matteo guidicelli wedding
Today, May 20, marks the third month since Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli tied the knot. Is Sarah pregnant already? Matteo has the anwer.
PHOTO/S: @matteog on Instagram

Eksaktong tatlong buwan mula nang ikasal sila ni Sarah Geronimo, nilinaw ni Matteo Guidicelli na hindi pa buntis ang kanyang misis.

Sabi ng 30-anyos na aktor, hindi pa nila pinaplano ni Sarah, 31, na magka-baby dahil gusto muna nilang ma-enjoy ang pagsasama bilang bagong kasal.

Ginawa ni Matteo ang paglilinaw na ito sa online media conference ng Ranger G The Making of a Philippine Scout Ranger ngayong Miyerkules, May 20.

Isang documentary ang naturang programa na ipalalabas sa iWant, ang online content media platform ng ABS-CBN.

Ang docu ay tungkol sa journey ni Matteo nang magpa-enlist bilang reservist ng Philippine Army hanggang maitalaga siyang 2nd Lieutant ng Philippine Army.

Sa isinagawang online conference, maya’t maya ay nagpa-flash sa screen ang isang baby picture.

Tinanong ng Philstar.com kung ang sanggol ay anak nina Matteo at Sarah o kung buntis na ba ang Popstar Royalty.

“No, not yet. Not yet. Ako ‘yan, ako ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako 'yan nung baby ako!” sabay tawa ng aktor.

matteo guidicelli baby picture

Natanong din si Matteo kung may plano na silang magkaroon ng anak.

“Baby plans, I don’t think so. Not yet.

"We’re just enjoying our time together, after all these years…” sabi niya.

Naging magkasintahan sina Sarah at Matteo ng anim na taon bago nangyari ang kanilang lihim na kasal noong February 20, 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dugtong ni Matteo sa baby plans nila ni Sarah: “Hopefully in the right time, in the right time.”

HOT STORIES

MATTEO ON MARRIED LIFE

Isang buwan matapos silang ikasal, idineklara ang enforced community quarantine dahil sa COVID-19 crisis sa bansa.

Kaya naman dalawang buwan na ring nananatili sa bahay ang mag-asawa.

Sa dating interviews ni Matteo, sinabi nitong iniisip na lamang niya na extended ang honeymoon nila ni Sarah.

ashmatt sleeping

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak ni Matteo na maayos naman ang lagay nilang mag-asawa ngayong patuloy na may enforced community quarantine.

Lumalabas lang daw sila kapag kailangang bumili ng necessities at essentials.

“Okay naman lahat, masaya naman lahat dito sa bahay,” nakangiting sabi ni Matteo.

Kapansin-pansin namang tila sinisikap na mag-asawa na gawing pribado ang kanilang married life.

Ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon ng regular social media posts ni Matteo, hindi siya madalas mag-post ng larawan ng kanyang misis simula nang ikasal.

Si Sarah naman, bagama’t may social media accounts ay hindi aktibo sa pagpo-post.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Today, May 20, marks the third month since Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli tied the knot. Is Sarah pregnant already? Matteo has the anwer.
PHOTO/S: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results