Maritoni Fernandez praises honest delivery rider who returned P130,000 cash

May 22, 2020
Entrepreneur and actress Maritoni Fernandez (left) says delivery rider Jerome Gulang (right) "went all the way back" from Cubao after realizing that, instead of documents, the package he had picked up for delivery had cash inside.
PHOTO/S: @maritoni.fernandez on Instagram

Inanunsiyo ng aktres na si Maritoni Fernandez ang katapatan ng isang delivery rider.

Ang honest rider, nagsauli ng tumataginting na PHP130,000 cash.

Sa Instagram post ni Maritoni, nitong Huwebes, May 21, ipinagbunyi niya ang kabutihang loob ni Jerome Gulang.

Si Jerome ay rider ng delivery service company na Lalamove.

Kuwento ni Maritoni, 51, magpapa-deliver sana ng mga dokumento ang isang kapitbahay na hindi niya pinangalanan.

Pero dahil “dazed” daw ang kapitbahay, maling envelope ang naiabot nito kay Jerome.

Sa halip na ang envelope na naglalaman ng dokumento, isang envelope na naglalaman ng PHP130,000 cash ang naibigay kay Jerome.

Post ni Maritoni: “Shout out to our neighbors Lalamove driver who was so honest today.

“She was a little dazed when she gave the wrong envelope to him this morning.

“130k in cash to be exact.”

RIDER GOES BACK TO RETURN MONEY

Ayon pa kay Maritoni, nasa Cubao, Quezon City, na raw si Jerome nang ma-realize nitong bungkos ng pera at hindi mga dokumento ang lulan na envelope.

Continue reading below ↓

Bumalik si Jerome sa lugar nina Maritoni, na nasa Quezon City rin.

Isinauli ng rider ang pera sa kapitbahay ni Maritoni.

“Jerome Gulang was already in Cubao when he realized she had given him the money instead of the package he was supposed to be delivering and went all the way back,” bahagi pa ng post ng aktres.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Puring-puri ni Maritoni ang ginawang kabutihan ni Jerome, na tinawag niyang “angel.”

Post ni Maritoni: “You are an angel and the Lord Jesus will bless your honest heart Jerome. [praying hands, relieved face emojis]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“ANG SARAP MAGING PILIPINO”

Sa comments section, bilib na bilib kay Jerome ang Instagram followers ni Maritoni.

Komento ng isa, kung lahat sana ay katulad ng honest rider, “ang sarap maging Pilipino.”

Hiling ng netizens, sana raw ay dumami pa ang kagaya ni Jerome.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang iba pang Instagram followers ni Maritoni, ti-nag sa post ang media personalities na sina Raffy Tulfo, Korina Sanchez, at Gretchen Fullido.

Hiling nilang mai-feature sa programa ng tatlong broadcasters ang kabutihang loob ni Jerome.

Karapat-dapat daw “to be recognized and rewarded” ang katapatang ipinamalas ng delivery rider.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Entrepreneur and actress Maritoni Fernandez (left) says delivery rider Jerome Gulang (right) "went all the way back" from Cubao after realizing that, instead of documents, the package he had picked up for delivery had cash inside.
PHOTO/S: @maritoni.fernandez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results