PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN may release list of employees to be terminated in the coming weeks

ABS-CBN President Carlo Katigbak: "Hindi po kami nagpapaawa."
by Arniel C. Serato
Published May 26, 2020
Carlo Katigbak insists ABS-CBN did not violate any laws: “We agree. The law is the law. And under the law, we are innocent unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws."
PHOTO/S: Jerome Ascano

Posibleng maglabas na ang ABS-CBN ng listahan ng mga empleyadong tatanggalin sa trabaho sa mga susunod na linggo.

Ito ang ibinahagi ni ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak sa kanyang opening statement sa second hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso ngayong Martes, May 26.

Dito ay binigyang diin muli ni Katigbak ang kapakanan ng mahigit 11,000 empleyado at talents ng istasyon.

Nakalagay pa rin sa alanganin ang hanapbuhay ng mga ito sakaling magtagal pa ang pagiging off-the-air ng ABS-CBN.

Pahayag ng 49-year-old executive, “Sa nakalipas na mga linggo, nagdurusa po ang pamilya ko.

"Nag-aalala sila na mawawalan sila ng trabaho.

"Natatakot sila para sa kanilang kinabukasan at sa kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

"Ang sakit po ng pakiramdam.

"Alam po namin na sa panahon ng pandemya, napakahirap pong mawalan ng trabaho, dahil hindi madaling makahanap ng panibagong hanapbuhay."

Nilinaw ni Katigbak na hindi sila nagpapaawa.

"May nagsasabi sa social media na nagpapaawa lang daw kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana po makausap ninyo ang isang tatay o nanay na mawawalan ng hanapbuhay.

"Sana po maramdaman niyo ang takot nila kapag iniisip nila kung papaano nila bubuhayin at papakainin ang kanilang pamilya.

"Sana po pakinggan ninyo ang boses ng aming mga Kapamilya.

"Sinabi ng presidente ng aming rank and file union, 'Hindi na kami makatulog sa pangangamba.'"

Diin ni Katigbak, “Hindi po kami nagpapaawa.

"Umaapela po kami—ibalik niyo po ang ABS-CBN para maprotektahan namin ang 11,000 kong Kapamilya at ang kanilang mga minamahal sa buhay.”

RETRENCHMENT LOOMS

Sa Senate hearing noong May 19, 2020, sinabi ni Katigbak na baka humantong sila sa pagbabawas ng tauhan sakaling hindi pa sila makabalik sa ere ng Agosto.

Sa hearing sa Kongreso ngayong araw, sinabi ng ABS-CBN head na baka sa susunod na mga linggo na nila simulan ang retrenchment.

Pahayag niya, “We want to do everything we can to protect our employees.

"Pero may hangganan din ang kakayahan ng kumpanya namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Habang wala kami sa ere, palaki nang palaki ang nalulugi sa amin.

"At sa mga darating na linggo, mapipilitan na kaming maglabas ng listahan ng mga empleyadong mawawalan ng trabaho.

"Sana makita po ng Kongreso na nasa kapangyarihan ninyo ang kinabukasan nila.”

HOT STORIES

ABS-CBN DID NOT VIOLATE ANY LAWS

Muling nanindigan si Katigbak na walang nilabag na batas ang ABS-CBN, taliwas sa ibinibintang ng mga kritiko ng network.

“We agree. The law is the law.

"And under the law, we are innocent unless proven guilty.

"Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws."

Inisa-isa ni Katigbak ang mga akusasyon sa ABS-CBN na pinabulaanan mismo ng mga kagawaran ng pamahalaan.

"Sabi po ng BIR, bayad ang aming buwis.

"Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR [Philippine Depository Receipt].

"Ang Department of Justice ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang DOLE naman ay nagsabi na sumunod kami sa lahat ng compliance orders nila."

Ulit ni Katigbak, “Wala po kaming nilabag na batas.

"Pero inaamin namin na hindi kami isang perpektong organisasyon.

"May mga kakulangan din po kami. At handa naming ayusin ang mga ito.”

Nagtapos ang opening statement ni Katigbak sa isang visual presentation kunsaan maraming netizens, talents, at empleyado ng network ang nagsasalita.

Lahat sila ay umaasang muling mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

NO CLEAR RESULT AFTER 2ND HEARING

Nagtapos ang pangalawang hearing ng ABS-CBN franchise renewal na wala pa ring linaw kung kailan magagawaran ng panibagong prangkisa ang istasyon.

Pasado ala-una ng hapon ngayong May 26, Martes, sinimulan sa Lower House ang joint hearing ng Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Governance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hearing ay pinamunuan nina Legislative Franchises Chairman Congressman Franz Alvarez at Good Governance Committee Chairman Congressman Jonathan Sy-Alvarado.

Dinaluhan din ito nina Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Floor Leader Martin Romualdez, na parehong nagbigay ng opening statement sa usapin.

Ayon kay Speaker Cayetano, magiging patas at impartial ang kanilang pagdinig sa parehong kampo—pro or against—sa pagbibigay o hindi ng panibagong 25-year legislative franchise sa broadcast giant.

Dalawampu't isang araw na ang nakalilipas mula nang mawala sa ere ang ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito noong May 4, 2020.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Katigbak insists ABS-CBN did not violate any laws: “We agree. The law is the law. And under the law, we are innocent unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws."
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results