Tinawanan lamang ni Kiray Celis, 25, ang haka-hakang nagli-live in na diumano sila ng boyfriend niyang si Stephan Estopia, 23.
Sa duration kasi ng enforced quarantine ay napansin ng mga followers ng Kapuso comedienne na palagi niyang kasama sa bahay ang nobyo.
Base ito sa Instagram posts ni Kiray.
Kahapon, May 26, nag-post si Kiray ng larawan nila ni Stephan na nakasuot ng magkaparehong damit na pantulog.
Kuha ang larawan sa kuwarto ng dalaga.
Sa caption ay halatang in love na in love si Kiray sa boyfriend.
Mensahe niya: “Imagine being with someone for 6 years and never actually wanting to marry them.
"Then, you meet a guy and within 1 week you know he’s the one you’re going to marry.
"Because of that, i believe in fate. I believe in soulmates.
"I believe in God’s timing. Sometimes the biggest plot twists become the happiest endings."
Ngayong araw, May 27, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng komento si Kiray tungkol sa bulung-bulungang nagli-live in na sila ni Stephan.
Natatawang sagot nito, “Nope!"
Paliwanag pa niya, “Kabilang kanto lang siya nakatira, kaya araw-araw siya dito sa bahay.
“Pero, every 7PM umuuwi siya since 8PM ang curfew.”
MATCHING PAJAMAS
Inusisa rin namin si Kiray tungkol sa parehong pangtulog na suot nila ni Stephan.
Sagot niyang may kasamang halakhak, “Sponsored kasi!”
Nagpadala rin si Kiray ng larawan nila ng nobyo kasama ang mga kapatid ni Kiray na nakasuot din ng pangtulog.

Sabi ni Kiray, “’Yan lahat kami binigyan ng pangtulog, hahaha.”
Biniro namin ang comedian-actress kung nag-level up na ba ang “intimacy” nila ni Stephan ngayong naka-quarantine ang buong Metro Manila at palagi silang magkasama sa bahay.
Sagot niyang natatawa pa rin, “Waley!”
Limang buwan pa lamang ang relasyon nina Kiray at Stephan.
Nging opisyal sila noon lamang December 13, 2019.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
