Angel Locsin selling SUV, Anne Curtis donating designer bag to purchase test kits

by Jet Hitosis
May 28, 2020
Those interested in buying Angel Locsin's 2015 Dodge Durango (left) and Anne Curtis's Chanel bag (right) just need to visit the soon-to-be-launched www.shopandshare.store website, sign up, and be notified when the auction goes live.
PHOTO/S: @shopandshareph on Instagram

Ibinibenta ng actress-humanitarian na si Angel Locsin ang kanyang 2015 Dodge Durango.

Ang mapagbebentahan ng SUV (sports utility vehicle) ni Angel, 35, ay idadagdag sa kinakalap niyang pondo para sa mass testing kontra coronavirus pandemic.

Ito ang bagong fundraiser ni Angel.

Magdo-donate ang celebrities ng personal items para maisubasta.

Ang kikitain dito ang gagastusin sa pagbili ng COVID-19 test kits para sa mahihirap na pamilya.

Kabilang ang SUV ni Angel sa mga isusubasta para sa Shop & Share fundraiser ng aktres.

May paanunsiyo na sa Instagram page ng Shop & Share ang sasakyang donation ni Angel.

Continue reading below ↓

Bukod sa SUV ni Angel, naka-post na rin sa Instagram ng Shop & Share ang iba pang personal items ng celebrities na isasalang sa auction.

Kabilang dito ang white Chanel Cruise Boy North South Handbag ng actress-TV host na si Anne Curtis, 35.

LIZA, VICE, OGIE DONATE PRE-LOVED ITEMS

Ilang pares ng luxury shoes ang ido-donate ng Kapamilya actress na si Liza Soberano, 22.

Continue reading below ↓

Mamahaling sapatos at hoodie naman ang pre-loved items na isusubasta ng 44-year-old TV host-comedian na si Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid, ibibigay sa Shop & Share ang karamihan sa kanyang toy collection.

Sa Instagram post ni Ogie, 52, nitong May 21, ipinakita niya ang mga laruan na 24 na taon daw niyang kinolekta.

Ayon kay Ogie, ido-donate niya ang malaking bahagi ng kanyang toy collection “so someone else may take care of them and at the same time people will be tested for Covid.”

Continue reading below ↓

Samantala, may bahagi ng proceeds sa “Bawal Lumabas” shirts na ibinebenta ng aktres na si Kim Chiu ang mapupunta rin sa Shop & Share.

Inianunsiyo ito ni Kim, 30, sa kanyang Instagram post nitong Lunes, May 25.

Maraming iba pang personal items ng celebrities ang isusubasta sa bubuksang website: www.shopandshare.store.

Continue reading below ↓

SHOP & SHARE FUNDRAISER

Taong 2009 nang inilunsad ni Angel, katuwang si Anne, ang Shop & Share website.

Layunin nila noon na matulungan ang mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng, na magkasunod na nanalasa ng taong iyon.

Maraming celebrities ang nag-donate kina Angel at Anne, at aabot sa PHP1 million ang kabuuang nakalap nila.

Ngayong 2020, ipambibili naman ng COVID-19 test kits ang lahat ng kikitain sa Shop & Share.

RELATED STORY

ANGEL VISITS NEW COVID-19 TESTING FACILITY

Kaugnay ng inisyatibang ito ni Angel, bumisita siya kamakailan sa Tropical Disease Foundation para sa pagbubukas ng bagong COVID-19 testing facility doon.

Ang headquarters ng foundation ay nasa Philippine Institute of Tuberculosis sa Makati City.

Kasama ni Angel ang fiancé na si Neil Arce, si National Action Plan Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, si Fernando Zobel de Ayala ng Ayala Group, at ilang opisyal ng foundation.

Ibinahagi ni Angel sa Instagram nitong Miyerkules, May 27, ang mga litrato ng pagbisita niya sa bagong testing facility.

Continue reading below ↓

As of May 28, nasa 15,588 na ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 3,598 ang gumaling, habang 921 ang namatay.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Those interested in buying Angel Locsin's 2015 Dodge Durango (left) and Anne Curtis's Chanel bag (right) just need to visit the soon-to-be-launched www.shopandshare.store website, sign up, and be notified when the auction goes live.
PHOTO/S: @shopandshareph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results