Agaw-pansin ang magandang pangangatawan ngayon ni Aiko Melendez.
May ilang litrato ang Kapuso actress sa Instagram kunsaan proud niyang ipinakita ang magandang bagong hubog ng kanyang katawan.
Na-highlight ang umimpis niyang baywang sa kanyang suot na black crop top na pinatungan ng blazer.
Confident din ang dating ni Aiko sa litratong naka-strapless red gown siya na may deep-V neckline.
"The comeback is always greater than the Setback," sabi ni Aiko sa picture niyang suot ang isang thigh-high slit gown.
Pinuri si Aiko ng kanyang Instagram followers na natuwa sa pagbabalik ng alindog ng aktres.
Pero may netizen na bumatikos kay Aiko.
Makikita ito sa comments section ng post ni Aiko kahapon, May 28.
Unang komento ng kritiko ng aktres, "Say thank you to your Surgeon also."
Diretsahang sumagot si Aiko na ang kanyang weight loss ay resulta ng diet at cosmetic enhancement.
Aniya, "yup plus my diet thats why i always acknowledge @docyappy he did a great job."

Kung titingnan ang ibang comments ni Aiko, bukas nga siya sa pagsasabing mayroong doktor na tumulong sa kanyang magpapayat.
Na siya namang mas tama para sakop din ang kalusugan.
Pero tila hindi pa rin nakuntento ang basher sa pagpuna sa 44-year-old actress.
Sabi ulit nito, kalakip ng scrunched face emoji, "Nag diet ka ka pa eh Lipo Lang pala !!! Pls lang I kennnaaaatttt."

Ang lipo o liposuction, ayon sa webmd.com, ay cosmetic procedure na mas mabilis nagtatanggal ng taba sa katawan, pero kailangang nasa "30 percent" ng "ideal weight" ang mga sasailalim sa procedure.
"YOU DON'T KNOW THE REAL STORY."
Sa kaso ni Aiko, nilinaw nitong pinaghirapan niya ang pagbabawas ng timbang dahil tamang diet ang istriktong sinunod nito.
"nag calorie count dn ako because lipo is just for shaping not for weight loss dear fyi.
"be happy when the outcome is good.
"Envy is not good dear."
Hindi raw siya dapat basta na lang husgahan ng netizen.
Payo pa ni Aiko, "Don't be sarcastic coz i also worked hard for it.
"Don't make unnecessary comments when you don't know the real story.
"Just saying."

May isa namang netizen na nagtanong kung nagpabawas din si Aiko ng dibdib.
Nilinaw ng aktres na hindi siya sumailalim sa "breast reduction" procedure.

ROAD TO BEING SEXY
Sa kabilang banda, nagpasalamat si Aiko sa netizens na pumuri sa kanyang bagong sexy look.
May mga nagmungkahi pang sana ay ibahagi ng aktres ang kanyang fitness journey sa isang vlog.
Sabi ni Aiko kalakip ng smile emoji, "will do nice suggestion."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
