PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez: “Nung mataba ako, sabi niyo mukha akong nanay, now naman inedit ko?”

She recently lost 13.5 kilos.
by Jet Hitosis
Published May 30, 2020
Aiko Melendez says her Instagram photos are not edited. She recently lost 13.5 kilos because of a low-calorie diet, treatments, and supplements.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram

Halata ang tinitimping galit ng aktres na si Aiko Melendez sa huli niyang Instagram post.

Partikular na pinapatamaan ng 44-year-old actress ang mga nagsasabing edited ang mga ipino-post niyang pictures nitong nakalipas na mga araw.

Napapadalas kasi ang pagbabahagi ni Aiko ng mga litrato niya kung saan kitang-kita ang kanyang figure.

Pero ilang bashers ang kumukuwestiyon sa paraan ng pagpapapayat ng aktres.

Ang ilan naman, inaakusahan si Aiko na namemeke o nag-e-edit ng Instagram photos para magmukhang payat.

RELATED STORY

“ENVY DOESN’T LEAD YOU ANYWHERE”

“Asan ang edit diyan?” bungad ng mahabang caption sa latest Instagram post ni Aiko ngayong Sabado, May 30.

Tampok sa post ng aktres ang litrato niyang nakasuot ng strapless red gown, kung saan makikita ang hulma ng maliit niyang beywang.

Post ni Aiko (published as is): “I really don’t understand anymore why some people can’t be happy, when someone’s just achieved her goal.”

Ayon kay Aiko, pinipintasan siya ng netizens noong mataba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kahit daw ngayong payat na siya ay hindi pa rin tumitigil ang pamimintas.

Hindi raw ba puwedeng i-appreciate na lang ng mga ito ang kanyang paghihirap at sakripisyo, makapagbawas lang ng timbang?

“Nung mataba ako sabi niyo mukha akong nanay, now naman inedit ko.

“Hindi ba pwedeng I worked hard for it?

“Hindi ba pwedeng i have gone through pain and sacrifices just to achieve my weight now?

“Cmon give me a break.

“Envy doesn’t lead you anywhere.

“Just be happy. Like i am happy,” ani Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIKO SAYS SHE DOES NOT EDIT HER PHOTOS

Ayon sa aktres, pumayat siya dahil binantayan niya ang kanyang calorie intake.

Umabot pa raw sa puntong 500 calories na lang ang kinakain niya kada araw, kasabay ng kanyang treatment.

Bukod dito, umiinom rin daw si Aiko ng weight-loss supplements.

Sa kabuuan, nasa "13.5 kgs" na raw ang nabawas sa timbang niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang binanggit si Aiko kung kailan niya sinimulan ang kanyang pagda-diet.

Patuloy ng aktres, hindi raw talaga madali ang pinagdaanan niya, kaya wala raw sa posisyon ang iba na husgahan siya.

Sabi pa ni Aiko: “This is my body! I am accountable to myself and no one else."

Kasabay nito, iginiit ng aktres na hindi edited ang mga litratong ipino-post niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang niloloko na lang daw niya ang sarili kung mag-e-edit siya.

“Now im posting a raw pic without edit coz im against editing ones pictures coz sino niloko ko? Sarili ko. Im too old for that.”

AIKO KNOWS MANY ALSO STRUGGLE WITH WEIGHT

Paliwanag ni Aiko, ipino-post niya ang kanyang physical transformation dahil gusto niyang maging inspirasyon sa mga gusto ring pumayat.

“I am posting to inspire people who are struggling with their weight.

“That there is ways and hope for all of them.

“If that’s a sin then I don’t know else what is right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, may mensahe si Aiko sa mga nanlalait sa kanya:

“And to my bashers thank you!

“At least you are following me and taking notice of me.

“You must be a fan,” sabi ni Aiko na nagdagdag pa ng heart at smiling face with smiling eyes emojis.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez says her Instagram photos are not edited. She recently lost 13.5 kilos because of a low-calorie diet, treatments, and supplements.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results