PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla recall the times they almost called it quits

Daniel Padilla: "Baka wala na akong makuhang pag-ibig na ganito ulit."
by Bernie V. Franco
Published Jun 1, 2020
Kathniel sweet
kathniel interview
kathniel magandang buhay
Kathryn Bernardo on relationship with boyfriend Daniel Padilla: "Yung seven-year itch, ibang issue naman yun. Totoo siya."
PHOTO/S: Photo from YouTube (ABS-CBN Entertainment)

May dalawang pagkakataong nasubok ang relasyon ng magkasintahang sina Kathryn Bernardo, 24, at Daniel Padilla, 25.

At dumating din ang puntong muntik nang sumuko si Daniel sa relasyon nila ni Kathryn.

Ito ang ibinahagi ng sikat na ABS-CBN love team at real-life sweethearts na kilala rin sa tawag na KathNiel.

Nagpakatotoo ang dalawa nang matanong kung may mga pagkakataon bang napagod sila at gusto nang sumuko sa kanilang pagsasama.

Pag-amin ni Kathryn, “Of course. Just like any relationships, dumaan kami diyan sa point na ‘yan.”

Dalawang beses daw itong nangyari sa loob ng walong taon nilang pagsasama.

Sabi ng aktres, "Hindi ko alam kung yun yung ika-third or fourth year… yun yung una."

Hindi idinetalye ni Kathryn kung anong hamon ang kinaharap nila ni Daniel.

Ang sumunod daw ay noong 2019 lang nangyari.

“Tapos yung ika-seventh year, yung seven-year itch, ibang issue naman yun.

“Totoo siya," sabi ng dalaga.

Sinasabing dumadaan sa “seven-year itch” ang relasyon kapag tumatabang na ang pagmamahalan ng dalawang tao pagkatapos ng pitong taong pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Kathryn, “So dumaan and parang dadating yun sa relationship, kasi mag-e-eight years na kami.

"Tapos may dadating talaga na problema na magte-test sa inyong dalawa, so dun na-test."

kathniel selfie

Sabi naman ni Daniel, “Marami na kaming away ni Kathryn na talagang away rin talaga.

“And ako, sa parte ko, parang meron na akong… alam mo yung pagkakataon ko na tumalikod at umalis, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero tatalikod man ako, after five minutes babalik din ako, e.

"Kasi, parang ang love kasi sa akin, kailangan ko siyang alagaan, e. We have to let it grow.

“Para siyang halaman, di ba, kailangan mo siyang mahalin.”

Sinabi rin ni Daniel ang dahilan kung bakit hindi niya kayang isuko ang relasyon nila ni Kathryn.

Aniya, "Baka wala na akong makuhang pag-ibig na ganito ulit."

Ibinahagi ito nina Kathryn at Daniel sa ABS-CBN online entertainment show na I Feel U, nitong March 31, Linggo.

HOT STORIES

SECRET TO A LONG-LASTING RELATIONSHIP

Sa tagal ng kanilang pagsasama, alam na nina Kathryn at Daniel ang mga dapat at hindi dapat gawin para manatiling matiwasay ang kanilang relasyon.

Guilty raw noon si Daniel sa pagiging mainitin ang ulo, at pinagtataasan niya ng boses si Kathryn kapag nagtatalo sila.

Sabi ng aktor, mali raw ito.

“Kasi hindi madadaan ang mga usapan sa ganoon, e, sa galit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Laging dapat klaro ka, e. Hindi ka puwedeng ang taas mo agad lagi.”

Pag-amin pa ng aktor, “Ako, nakita kong problema ko noon pag nag-aaway kami ni Kathryn, parang, pag mas malakas yung boses ko, baka mas manalo ako, parang may ganun.

“Na parang sa akin ngayon, na-realize ko mali pala yung ganun, parang hindi dapat ganun.

“Parang minsan, kahit may nasabi man siya na parang medyo pumantig sa tenga mo, dapat hindi ka kaagad parang magpi-flip out.

"Na, parang minsan, kailangan mo na lang padulasin, minsan kailangan mo na lang hayaan.”

Sabi naman ni Kathryn, importanteng respetuhin ang isa’t isa, kahit na may pagtatalo.

Puwede raw kasing makapagbitiw ng masasakit na salita kapag nagpadala sa sobrang galit.

“Sa akin, yung respeto, sobra-sobra yun, kasi pag…

"Di ba, nati-test ‘yan kapag galit tayo?

“Kagaya ng sinabi ni DJ [palayaw ni Daniel], puwede kang magsalita ng mga kung anu-ano na mao-offend yung partner mo, o alam mo yung mapipikon siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ang laking bagay na nirerespeto niyo ang isa't isa.”

HOW DANIEL INFLUENCE KATHRYN WITH HER INSECURITIES

Ilang linggo na ang nakalilipas, sinagot ni Kathryn ang panlalait sa kanyang pagiging “sakang” o bow legs.

Sa kanyang YouTube vlog noong May 17, Inamin ni Kathryn na insecure siya dati sa kanyang mga binti.

Pero hindi na raw siya naaapektuhan ngayon, sa tulong ni Daniel.

Ipinaramdam daw sa kanya ng nobyo na hindi raw siya dapat ma-insecure.

"I love my legs! Si DJ love din legs ko!

"Ngayon tanggap ko siya 100 percent!" bahagi ng pahayag ni Kathryn.

kathniel laughing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa online interview nitong Linggo, nagkuwento si Kathryn kung paano siya natulungan ni Daniel para hindi na siya madaig ng kanyang insecurities.

Saad niya, “Mararamdaman mo lang yung suporta niya, and hindi papa-feel sa ‘yo pag may kulang ka, na di siya nagko-compare.

“Grabe lang yung suporta na mararamdaman mo from him.

“Lahat ng insecurities ko, lahat yun, tinatawanan niya lang.

"And sinasabi niya, ‘Bakit ganyan ka mag-isip? Hindi naman yun big deal o hindi yun ganyan…’

“So, kung paano niya lang i-handle, nababa-balance niya yun.

"Kasi kung ako lang, dyusko, magpapakalunod ako diyan.

“Pero siya yung nagpa-realize sa akin na kung paano i-handle ang ganyang mga bagay.

"So, magandang influence siya sa akin dun."

Samantala, sinabi rin ni Daniel na balak nilang magpakasal ni Kathryn pagkatapos ng apat o limang taon.

HOT STORIES

Alam mo ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here: https://bit.ly/PEPBotQuiz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo on relationship with boyfriend Daniel Padilla: "Yung seven-year itch, ibang issue naman yun. Totoo siya."
PHOTO/S: Photo from YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results