Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey confirm relationship

by Erwin Santiago
Jun 2, 2020
Jeremy Jauncey on relationship with Pia Wurtzbach: "We knew how much we liked each other, but we wanted to spend quality time with each other and build something strong before we made any official announcements."
PHOTO/S: Instagram

It's confirmed!'

In a relationship na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 30 at ang travel editor-entrepreneur na si Jeremy Jauncey, 34

Kinumpirma ito ng dalawa sa pamamagitan ng cover feature nila sa June 2020 edition ng luxury magazine na Tatler Philippines.

Sinabi ni Jeremy, na isinilang sa Scotland, na nang una silang magkita sa London ay nabighani siya kaagad sa Filipino-German beauty queen.

Sinang-ayunan naman ni Pia na mayroon talagang "immediate spark" sa pagitan nila.

Dagdag pa ng dating Miss Universe, "We couldn't stop talking.

"I found him to be such a warm person and I like that he was always smiling."

Ayon kay Jeremy, si Pia ang nag-set ng parameters sa kanilang relasyon.

Maluwag naman daw niya itong tinanggap.

Paliwanag ng Beautiful Destinations founder, "It was a chance to show that I was serious about her and that I want to be a gentleman about it, which was very important to me."

Continue reading below ↓

MAKING IT PUBLIC

Simula pa lang ng 2020 ay napapabalita na ang pagkakamabutihan nina Pia at Jeremy.

Noong March, inamin ni Pia sa panayam niya sa Mega Magazine na mayroong muling nagpapatibok ng kanyang puso, bagamat hindi niya ito pinangalanan.

At ngayon nga ay nakumpirmang si Jeremy ang nagpapasaya ngayon sa beauty queen.

Continue reading below ↓

Sa panayam nila sa Tatler, sinabi nina Jeremy at Pia na gusto nilang tiyaking mayroon silang matibay na pundasyon bago nila isapubliko ang kanilang relasyon.

Pahayag ni Jeremy, "I've always felt a close connection to the Filipinos because they've always been kind to me.

"So to all detectives out there, thank you!

"We knew how much we liked each other, but we wanted to spend quality time with each other and build something strong before we made any official announcements."

Para naman kay Pia, ayaw niyang maulit ang dating pagkakamali na pag-aanunsiyo agad-agad ng kanyang relasyon.

Pahayag niya, "We wanted to make sure we set a good foundation for our relationship before we came out in the open.

"I've made a mistake of sharing too much too soon before, and I wanted to make sure I did it right this time."

Ang huling nakarelasyon ni Pia ay ang Filipino-Swiss racer na si Marlon Stockinger.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ng beauty queen ang breakup nila ni Marlon noong December 2019. Tatlong taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeremy Jauncey on relationship with Pia Wurtzbach: "We knew how much we liked each other, but we wanted to spend quality time with each other and build something strong before we made any official announcements."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results