Janine, Solenn, Nadine, Agot, Isabelle, Enchong join calls to junk Anti-Terrorism Bill

by Jet Hitosis
Jun 3, 2020
(L-R) Celebrities Janine Gutierrez, Nadine Lustre, Enchong Dee, Solenn Heussaff, and Isabelle Daza use their respective online platforms to oppose the pending approval of the Anti-Terrorism Bill, which has been certified urgent by President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @nadine, @mr_enchongdee, @solenn, @isabelledaza on Instagram

May mga celebrities na nakikiisa sa panawagang ibasura ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill.

Para kina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Janine Gutierrez, Nadine Lustre, Agot Isidro, at Enchong Dee, kuwestiyonable ang ilang malalaking probisyon ng panukala.

Naniniwala silang sakaling maging batas, malaki ang puwang para maabuso ang Anti-Terrorism Bill.

Pero may kahihinatnan pa kaya ang mga pagkontra nila ngayong lumusot na sa second reading ng Kamara ang House Bill 6875?

Paspasang inaprubahan nitong Martes ng gabi, June 2, ang HB 6875, isang araw matapos itong sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Ang HB 6875 ang bersiyon ng Kamara ng Senate Bill 1083, o ang Anti-Terrorism Bill of 2020.

Aprubado na ng Senado ang SB 1083 noong February 2020.

Ibig sabihin, hindi na kailangang isalang pa sa bicameral conference, o gawan ng iisang bersiyon, ang panukala.

Kapag naaprubahan ang HB 6875 sa third reading, ididiretso na ito sa Senado.

Pipirmahan na lang ni Senate President Tito Sotto ang pinag-isang bill, 'tsaka ito isusumite kay Pangulong Duterte para lagdaan.

Continue reading below ↓

Aamyendahan ng Anti-Terrorism Law ang Human Security Act of 2007, upang magpatupad ng mas istriktong mga polisiya kontra terorismo.

Nangyari ang lahat ng ito habang nakatuon ang pansin ng taumbayan sa COVID-19, na isyu ng national health, at sa ABS-CBN shutdown, na isyu ng press freedom.

THE ANTI-TERRORISM BILL

Sa Section 4 ng Anti-Terrorism Bill, tinukoy ang gawaing terorista bilang:

* Paggawa ng mga bagay na may intensiyong pumatay, makasakit, o ilagay sa alanganin ang buhay ng iba;

* Paggawa ng mga bagay para wasakin ang mga pasilidad ng gobyerno, pampublikong lugar, o private property;

* Paggawa ng mga bagay na makakapinsala sa mga critical infrastructure;

* Paglikha, pag-iimbak, pagbibiyahe, pagsu-supply, at paggamit ng mga bomba, o ng biological, nuclear, radiological, o chemical weapons;

* Pagpapasingaw ng mga mapanganib na substances, o paglikha ng sunog o pagsabog upang takutin ang publiko,

* Kasama rin ang pag-"provoke or influence by intimidation" sa gobyerno, "seriously destabilize or destroy the fundamental political, economic, or social structures of the country," o paglikha ng public emergency na ikapapahamak ng publiko.

Continue reading below ↓

SCARY PROVISIONS UNDER QUESTION

EXTENSIVE SURVEILLANCE. Alinsunod sa Anti-Terrorism Bill, papayagan ang mga awtoridad na magsagawa ng 60-90 days surveillance sa mga pinaghihinalaang sangkot sa terorismo.

Sa permiso ng Court of Appeals, maire-record, makokolekta, at mabubusisi ng mga awtoridad ang lahat ng impormasyon at personal na komunikasyon ng mga sinu-surveillance.

WARRANTLESS ARREST. Maaari ring dakpin nang walang arrest warrant ang mga hinihinalang nanghihikayat, nagpaplano, o magsasagawa ng terrorist act.

At kung dati ay hanggang tatlong araw lang puwedeng ikulong ang isang inaresto nang walang warrant, sa Anti-Terrorism Bill ay maaaring manatili ng 14-24 araw sa piitan ang isang inaresto.

NO COMPENSATION FOR WRONGLY ACCUSED. Kasabay nito, tinanggalan na ng bill ng pananagutan ang mga awtoridad na nagditine sa isang tao na kalaunan ay napatunayang walang kasalanan.

Sa bagong bill, hindi na pagbabayarin ang pulis ng PHP500,000 multa sa bawat araw na ikinulong nito ang maling suspek.

12 YEARS TO LIFE IMPRISONMENT. Itinatakda rin ng panukala ang 12 taong pagkakakulong sa mga sinuman "who threaten to commit," nagbigay ng "proposal to commit," at "inciting to commit terrorism."

Continue reading below ↓

Ang paghikayat sa ibang gumawa ng terrorist act ay maaaring "by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners, or other representation."

Life imprisonment naman ang parusa sa pagre-recruit para sa terror groups, kasabwat sa pagpaplano, pagsasanay, paghahanda, at sa aktuwal na magsasagawa ng terorismo.

OTHER LAWMAKERS OPPOSE THE BILL

Mismong mga mambabatas ay hayagang kumontra sa mga probisyong ito ng Anti-Terrorism Bill.

Kabilang sa kanila sina Senators Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, Bayan Muna Representative Carlos Zarate, at Quezon City Representative Jose Cristopher Belmonte.

Pare-parehong hindi bumoto pabor sa Anti-Terrorism Bill ang apat na lawmakers.

Ayon sa kanila, napakalawak ang pakahulugan ng panukala sa "terrorism" at "terrorist," maaari raw magamit ang bill upang supilin ang mga pumupuna sa gobyerno.

Ibig sabihin, kahit mga conscientious objectors, intellectuals, sinumang may sariling opinyon sa pamamalakad ng gobyerno ay maaaaring bansagang terrorist, dakpin ng walang search warrant, ikulong ng mahabang panahon, at, bandang huli, kahit mapatunayang walang sala ay walang sinuman sa gobyerno ang mananagot.

Continue reading below ↓

LAWYERS, academics ALSO AGAINST THE BILL

Kontra rin sa panukala ang grupo ng mga abogado na Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL).

Ayon sa CLCL, walang "safeguards" ang Anti-Terrorism Bill "against the abuse of these powers."

Mula naman sa academe, naglunsad ang Defend UPLB ng online petition para sa Kamara.

Ang Defend UPLB ay alyansa ng mga student councils sa University of the Philippines-Los Baños.

Target nilang kumbinsihin ang mga kongresistang huwag aprubahan ang hindi pa man batas ay kontrobersiyal nang Anti-Terrorism Bill.

Nasa Change.org ang online petition na #JunkTerrorBill.

Nakakalap na ito ng mahigit 257,000 digital signatures at press time.

Kabilang sa mga sumuporta sa petisyon ang ilang celebrities, tulad ni Solenn Heussaff at Isabelle Daza

SOLENN, ISABELLE SAY WHAT’S ALARMING

Hinihimok ni Solenn ang kanyang Instagram followers na pumirma sa #JunkTerrorBill petition.

Ipinost ng 34-year-old actress-visual artist ang link ng Change.org petition sa kanyang Instagram Stories.

Gamit ang #junkterrorbill, nagbahagi si Solenn ng infographics mula sa isang magazine tungkol sa depinisyon ng bill sa terorista.

Continue reading below ↓

Samantala, ang mga kontrobersiyal na probisyon ng Anti-Terrorism Bill ang ni-repost ni Isabelle Daza, 32, sa kanyang Instagram Stories.

Mababasa sa infographics ng isang magazine na ibinahagi ng aktres na ang mga hinihinalang terorista ay pupuwedeng:

“Wiretapped for 60 to 90 days”

“Arrested without a warrant”

Continue reading below ↓

“Detained for up tp 24 days”

“12 years to life imprisonment”

“Not eligible for P500K reparations in damage per day for wrongful detention.”

JANINE SUPPORTS ONLINE PETITION

Isa rin si Janine Gutierrez, 30, sa mga aktibong nangangampanya para sa #JunkTerrorBill online petition ng Defend UPLB.

Ibinahagi ng Kapuso actress sa Twitter nitong Lunes ang link ng online petition.

Continue reading below ↓

Tweet ni Janine (published as is): “JUNK THE ANTI-TERRORISM BILL AND UPHOLD HUMAN RIGHTS!”

Sa kanyang Instagram Stories, nagbahagi rin si Janine ng infographics kung paano maikokonsiderang terorista ang isang tao, base sa Anti-Terrorism Bill.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NADINE, ENCHONG, AGOT POST THEIR APPEAL

Ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre, 26, ini-repost sa Instagram Stories ang artwork ng artist-photographer na si Zonlee.

Tampok sa artwork ang apela na tuluyan nang ibasura ang Anti-Terrorism Bill.

Samantala, isang quote card ni dating US President Harry Truman ang ibinahagi ni Enchong Dee, 31, sa kanyang Stories.

Continue reading below ↓

Patungkol ang quote sa “principle of silencing the voice of opposition.”

Ginamit ni Enchong ang quote upang ipaalam sa kanyang 2.2 million Instagram followers na ang gobyerno ng Pilipinas "is in a rush to pass the ‘anti-terror bill’ that will be able for the government to arrest us anytime without warrant from simply opposing their policies or beliefs.”

Continue reading below ↓

Sa tweet ni Enchong nitong Martes ng tanghali, pabiro siyang nagtanong kung ano ang “tamang paraan ng pag-rally ngayong GCQ.”

Magsasagawa na raw siya ng protesta habang hindi pa naisasabatas ang Anti-Terrorism Bill, at hindi pa siya maaaring “ikulong kong trip nila.”

Nag-tweet din ang singer-actres na si Agot Isidro, 53, gamit ang #JunkTerrorBillNOW.

Continue reading below ↓

Tweet ni Agot: “Only cowards are afraid of dissent.”

Sina Enchong at Agot ay kapwa kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.

RELATED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Celebrities Janine Gutierrez, Nadine Lustre, Enchong Dee, Solenn Heussaff, and Isabelle Daza use their respective online platforms to oppose the pending approval of the Anti-Terrorism Bill, which has been certified urgent by President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @nadine, @mr_enchongdee, @solenn, @isabelledaza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results