DJ Loonyo draws flak for "misinformation" about mass testing; netizens tell him, "Libre ang Google." 

by Rachelle Siazon
Jun 3, 2020
Excerpt from DJ Loonyo's public apology: "First off, I apologize for the wrong use of terminology in that particular instance. My point is not particulary about the 'Covid Mass Testing'; I was actually referring to 'CLINICAL TRIALS.'"
PHOTO/S: DJ Loonyo Youtube

Inulan ng batikos si DJ Loonyo dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mass testing.

Sa dami ng kumontra sa kanya, Top 1 trending topic ang pangalan niya sa Twitter nitong Miyerkules ng umaga, June 3.

Viral ang higit one-minute video kunsaan hiningan ng opinyon si DJ Loonyo kung dapat bang magpa-test para masigurong COVID-free ang isang tao.

Continue reading below ↓

Tanong ng kaibigan ni DJ Loonyo: "Anong ibig sabihin nun magma-mass testing daw kami bukas?

"Kasi magsu-shoot kami ng dance commercial, di ba?

"So, ano yung alam mo sa mass testing na yun? Bago ako pumunta dun."

Sumagot si DJ Loonyo na hindi raw siya pabor sa mass testing.

"I just don't know... It's, like, gagana ba itong bagay na 'to sa ganitong ano, di ba?

"I don't know kung anong gagamitin nila sa mass testing.

"Pero kung anuman ipapainom nila, kung anong ipapagawa nila, it's a trial and error, that's why it's mass testing."

Ang paniwala ni DJ Loonyo, hindi dapat "mandatory" ang "mass testing."

"Kaya kawawa yung mag-i-intake. Kawawa yung mag-a-undergo nun, 'coz it's not 100 percent proven.

"It shouldn't be mandatory. It should be encouraged.

"Depende na sa iyo kung gusto mo i-test yung sarili mo or kung gusto mo paniwalaan yung ano nila."

Sumingit ang kaibigan ni DJ Loonyo, "So, in short, hindi ko dapat i-take yun kung ganun pala..."

Continue reading below ↓

Paliwanag naman ni DJ Loonyo, may agam-agam siya dahil baka may hindi magandang reaksiyon ang "mass testing" sa katawan ng taong sasailalim dito.

"But for me, why would you test me?

"I'm a human being. I will react kung ano yung ipapainom mo sa akin.

"Paano kung ipapainom mo sa akin magre-react ng medyo malala yung katawan ko? So I'm dead.

"So, hindi ako naniniwala sa mass testing na 'yan."

HOT STORIES

LONGER VERSION OF THE VIRAL VIDEO

Hindi malinaw kung anong petsa lumabas ang video ni DJ Loonyo na nakikipag-usap sa kanyang kaibigan.

Pero may iba ring netizens na nag-repost ng longer version ng video na tumagal ng higit limang minuto.

Base rito, ang mass testing na tinutukoy ni DJ Loonyo ay may kinalaman sa "vaccine" laban sa COVID-19.

"My question is, bakit ka magma-mass testing?

"If ever, sasabihin mong itong vaccine na ito is 100 percent na gagana, bakit mo ima-mass testing?

Continue reading below ↓

"So, ibig sabihin, yung mass testing, kawawa yun.

"Kung sino kasama sa mass testing na yun, good luck sa anong klaseng reaction yung gagawin ng vaccine sa katawan mo, kung kabilang ka dun sa ima-mass testing."

May disclaimer si DJ Loonyo na personal opinion lang niya ang kanyang pagtutol sa mass testing.

"Sorry, baka ma-misinterpret tayo ng tao, ha.

"Hindi ko sinasabing huwag silang mag-mass testing. Kayo bahala dun.

"Ito lang ang point of view ko.

"Should I say rapid testing or mass testing, yun ang naririnig ko diyan, e."

Sa puntong ito, tinanong si DJ Loonyo kung pareho ba ang "COVID-19 test" sa "rapid testing" at "mass testing."

Sagot ni DJ Loonyo, "Iba-iba lang ng pangalan, but it's just mass testing, rapid testing, COVID testing.

"Di ba? Iisa lang iyon, e. They just want to prove if it's gonna work or not."

DJ LOONYO'S CONSPIRACY THEORY

Tila may conspiracy theory rin si DJ Loonyo na baka raw "planado" ang "swab testing" at sadyaing magpositibo diumano ang resulta nito.

Continue reading below ↓

"Galing sa ibang bansa yung mga ganun [test kits].

"What if yung swab na yun, bago pa tinest sa sistema mo, meron na palang pampa-positive yun?

"They're just creating something para i-prove na kailangan magka-vaccine.

"Kumbaga, planado.

"Bago siya ilagay sa bibig mo, kahit wala ka naman talagang virus, pero what if meron na talaga yun?"

Nangangamba raw si DJ Loonyo na baka makahawa pa sa iba ang taong nag-COVID test.

"Nakakatakot... Paano kung biglang reactant pala yung na-take mo?

"Paano kung may ininuman ka na baso and your kids iinom ng the same baso and then affected na lahat?

"We don't know.

"It's okay na maging metikuloso tayo sa kung anong ini-intake natin 'coz we're really vulnerable of these things, lalo na pag wala tayong alam."

Nagpaalala pa si DJ Loonyo na mahalaga raw ang "research" para may sapat na kaalaman ang taumbayan sa pandemya.

"We just want to ignite something to these people for them to do their research, to do their responsibility as human being.

Continue reading below ↓

"Do not rely on just government. Do not rely on other people, but to rely on what they believed and what they studied."

WHAT MASS TESTING REALLY IS

Lumalabas na mali-mali ang impormasyong ibinigay ni DJ Loonyo tungkol sa mass testing.

Ang mass testing ay isa sa pangunahing health measures na inirekomenda ng World Health Organization (WHO) para sugpuin ang COVID-19.

Ito raw ang paraan para mabilis na i-isolate ang sinumang dinapuan ng virus para huwag makahawa ng ibang tao.

Sa isang media briefing noong March 16, sabi ni WHO Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus:

"But the most effective way to prevent infections and save lives is breaking the chains of transmission. And to do that, you must test and isolate.

"You cannot fight a fire blindfolded. And we cannot stop this pandemic if we don’t know who is infected.

"We have a simple message for all countries: test, test, test.

Continue reading below ↓

"Test every suspected case."

Sinusunod naman ng Department of Health ang "expanded testing," kunsaan ang pangunahing sumasailalim sa test ay "frontliners," suspected cases ng COVID-19, at iba pang pasyente na "vulnerable" sa virus.

Taliwas sa paniniwala ni DJ Loonyo, walang ipinaiinom sa taong sumasailalim alinman sa dalawang klase ng COVID-19 test—ang RT-PCR test at rapid antibody test.

Ang real-time reverse transcriptionolymerase chain reaction (RT-PCR) test ang tinuturing na "gold standard" pagdating sa pagsusuri kung positibo o negatibo ang isang tao sa COVID-19.

Ang RT-PCR test kits ay gumagamit ng actual swabs mula sa mga pasyente na kinukuha mula sa ilong o lalamunan. Kilala rin ito sa tawag na "swab testing."

May tinatawag ding "rapid antibody test" kunsaan kinukunan ng blood sample ang pasyente upang masuri ang antibodies nito.

Ayon sa fda.gov.ph, makikita sa dugo ang dalawang klase ng antibody na tinatawag na immunoglobulin G (IgG) at immunoglobulin M (IgM).

Masusuri sa IgM ang early immune response ng pasyente kung ito ay infected, habang ang IgG ay nakabase sa delayed immune response ng katawan ng pasyente.

Continue reading below ↓

Dahil sa mga ulat na "false positives" sa rapid testing, nirerekomenda ng mga eksperto na sumailalim sa PCR confirmatory test para masiguro kung infected nga ba ng virus ang isang pasyente.

Sa ngayon, wala pang available sa market na vaccine laban sa COVID-19.

Pero may mga kumpanyang hinihikayat ang mga nagbabalik-trabaho na sumailalim sa COVID-19 test para masigurong safe sila at ang kanilang mga kasamahan.

Lalo na't mas maraming field of industries ang pinayagang mag-operate mula nang ipatupad ang GCQ sa Metro Manila noong June 1.

NETIZENS TO DJ LOONYO: "LIBRE ANG GOOGLE."

Diskumpiyado ang netizens kay DJ Loonyo na mali-mali ang interpretasyon tungkol sa mass testing.

Anila, "Libre ang Google" para na-research muna sana ng DJ-dancer-choreographer ang mga terms na tinuran niya sa video.

Continue reading below ↓

Tinawag nilang "irresponsible" si DJ Loonyo sa paghayag ng "misinformation" o "false information" sa followers nito.

Tila nagpakalat umano ang DJ-dancer ng takot sa taumbayan na sumailalim sa COVID-19 test, gayong rekomendado ito ng medical experts.

Paalala pa ng isang netizen, hindi nakakamatay ang swab test o RT-PCR test.

"DJ Loonyo... mass testing doesn't mean they are testing drugs on you. It is not a vaccine.

Continue reading below ↓

"They're testing you for the virus you can't die with a swab."

May nagsabi pa na "alarming" ang mensahe ni DJ Loonyo sa video nito dahil nangangahulugang marami pang tao ang hindi nakakaintindi kung ano ang mass testing.

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

May ilan ding celebrities ang pumuna sa maling impormasyong inihayag ni DJ Loonyo.

Kabilang dito sa Agot Isidro, na ni-retweet ang viral video ng sikat na TikToker.

Tweet ni Agot, "We are where we are because of people like him

"Dude, may pera ka pang-vape. So meron kang pang-data. #usokforbrains."

Continue reading below ↓


Ang aktor na si Jerald Napoles at singer na si Mark Bautista ay tila may patama naman kay DJ Loonyo.

Hindi man nila tuwirang binanggit ang pangalan ng DJ-dancer, saktong trending topic si DJ Loonyo nang mag-tweet ang mga ito.

Sabi ni Mark, "Mass testing is essential...."

Nagbabala naman si Jerald na maging responsable sa pagbahagi ng impormasyon sa social media.

Continue reading below ↓

Aniya, "Do not impose what you know if there's no research to back it up.

"If that is your opinion, be clear about it. Put your influence into good use.

"Don't use fame to mislead."


DJ LOONYO APOLOGIZES FOR WRONG USE OF TERMS

Bandang ala-una ng tanghali ngayong June 3, Miyerkules, naglabas ng official statement si DJ Loonyo sa kanyang Twitter account.

Continue reading below ↓

Humingi siya ng dispensa sa maling terms na ginamit niya tungkol sa mass testing.

"First off, I apologize for the wrong use of terminology in that particular instance.

"My point is not particulary about the 'Covid Mass Testing'; I was actually referring to 'CLINICAL TRIALS'.

"I understand that the use of terminology is criticial, so I apologize for any confusion caused."

Umapela rin si DJ Loonyo na sana ay panoorin ang kabuuan ng two-hour Facebook Live video kunsaan tinalakay niya ang kanyang pananaw sa mass testing.

"Sa mga nagsabi po na mag-aral kami o mag-research, rest assured we have been doing that, kaya nga nandun kami sa punto na bukas ang isipan namin and we want to also be vigilant and see different sides of the picture para makabuo kami ng informed decision.

"Yes, we are definitely not experts, and we mentioned a lot of disclaimers during the live video, but we are exercising our right to ask questions, and share thoughts with those who agree or disagree."

Continue reading below ↓

Wala raw siyang intensiyong magpakalat ng maling impormasyon.

Hiling din niyang maging bukas ang mga tao sa diskurso para sa ikabubuti rin daw ng lahat.

"I know that I have been blessed with a platform kung saan may kaunting level din of influence.

"We do not mean to spread misinformation, but rather encourage you to form an open-mindedness para hindi po kayo mag-panic, para alam niyo bakit kayo dapat mag-mask, bakit dapat stay at home, at hindi para sumunod lang nang di naiintindihan ang reasons why or why not...

"Maaaring we will remain in disagreement on certain points, but that doesn't mean we cannot have a decent conversation."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from DJ Loonyo's public apology: "First off, I apologize for the wrong use of terminology in that particular instance. My point is not particulary about the 'Covid Mass Testing'; I was actually referring to 'CLINICAL TRIALS.'"
PHOTO/S: DJ Loonyo Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results