Kim Chiu on reports she danced in the middle of EDSA: "Fake news."

by Bernie V. Franco
Jun 3, 2020
kim chiu dancing in edsa
Kim Chiu is being bashed anew after a video allegedly showing her dancing in the middle of EDSA circulated on social media. Kim clarifies authenticity of this report via Instagram.
PHOTO/S: YouTube

Tinawag na "fake news" ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang viral video na nagsayaw siya ng hit song niyang "Bawal Lumabas" sa gitna ng EDSA.

Ngayong Miyerkules, June 3, kumalat sa social media ang video ng 30-anyos aktres na nasa labas ng kanyang sasakyan at nagsasayaw sa gitna ng kalsada.

Dahil dito, nagkaroon na naman ng rason ang mga kritiko ng aktres para batikusin siya.

Lalo na't sariwa pa sa alaala ng marami ang pagti-trend ni Kim dahil sa kanyang law ng classroom analogy sa #LabanKapamilya Facebook Live noong Mayo.

Naging tampulan siya ng pangungutya dahil hindi niya naipaliwanag nang maayos ang pagkukumpara sa classroom rule at sa pagpapahinto ng gobyerno sa operasyon ng ABS-CBN.

Ang "bawal lumabas" speech ni Kim ay nilapatan ng beat ng isang disc jockey at ginawan ng memes ng netizens.

Kalaunan ay ginawan ito ng kanta—ang hit na hit ngayong "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Continue reading below ↓

TWO VIDEOS

Ang totoo, dalawang videos ni Kim na nagsasayaw ang kumakalat ngayon.

Sa una, nasa loob ng isang establisimyento si Kim.

Nakapambahay, naka-mask, at shades ang aktres.

Nasa likuran niya ang kaibigang si Angelica Panganiban, na naka-mask din.

Kapansin-pansing sinunod din ng dalawang aktres ang social distancing.

Sinayaw nila ang viral song ni Kim na "Bawal Lumabas."

kim angelica bawal lumabas

Continue reading below ↓

Sa ikalawang video, mapapanood si Kim, sa parehong kasuotan, at nasa labas ng kanyang itim na sasakyan.

Nasa gitna ng kalsada si Kim, pero hindi matukoy kung saan ang lugar.

Sa background, makikita ang hilera ng mga kotseng nakahinto.

Mapapansing natatawa si Kim at saka siya sumayaw sa saliw ng hit song niya.

kim chiu dance edsa

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NETIZENS ATTACK KIM CHIU ANEW

Ang pangalawang video na ito ni Kim ang binabatikos ngayon ng mga bashers ni Kim.

Muli, masasakit na panlalait ang inabot ni Kim sa social media dahil sa paniniwalang sa gitna ng EDSA nagsayaw ang aktres.

Narito ang ilang masasakit na salitang ibinato sa aktres:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

KIM CHIU REACTS

Ngayong umaga ng Miyerkules, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak ng career ni Kim.

Nais namin kunan ng pahayag ang aktres tungkol sa panibagong isyung ibinabato sa kanya.

Hindi nagtagal ay nag-post ng reaksiyon si Kim sa Instagram.

Dito ay sinagot niya ang isyu.

Paglilinaw ni Kim, "fake news" na sa gitna ng EDSA siya nagsayaw.

Sa parking lot ng isang restaurant sa Pasig City raw nangyari ang kanyang pagsasayaw.

Mensahe ni Kim sa kanyang post: “Thank you for supporting the shirt for a cause and sa nagpapakalat ng fake news na sa edsa ako sumayaw, hello?!!!

“Okay ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang. DYOS KO.

“Please stop spreading FAKE NEWS. Please lang.”

Binanggit din ni Kim ang lokasyon kung saan nangyari ang pagsasayaw niya.

“Moms @iamangelicap sa edsa daw yung PARKING LOT ng tipsy pig?... kaya pa ba?

Continue reading below ↓

“Ikaw na nagdeliver ng merchandise, ikaw pa pagbibintangan ng fake news... hay.... life......

"hindi po biro magbenta ng merch, first time kong ginawa to pero okay lang I know this is for a good cause. let’s spread love not hate.

“COVID ANG KALABAN NATIN, HINDI ANG KAPWA TAO. please lang, stop spreading #fakenews.”

Naglunsad ng T-shirt for a cause ang aktres na inspired ng nag-trending niyang “Bawal Lumabas” quote, kung saan ang lahat ng proceeds ay mapupunta sa donasyon.

Continue reading below ↓

MMDA REACTS

Nakarating din sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paratang kay Kim.

Sa pamamagitan ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, naglabas ang ahensiya ng pahayag tungkol dito.

Aniya, mayroon pang mas mahalagang isyu kesa sa isyu ni Kim.

“We have so many problems that should be addressed and for the meantime, this is our reaction to the issue concerning actress Miss Kim Chiu.

“We will verify the truth about the report.

"We will check if this video of Miss Kim Chui really happened on EDSA.

"We will invite her to explain her side then we will act accordingly.”

Continue reading below ↓

Ilang minuto bago sumapit ang tanghali, nag-react uli si Kim via Instagram Story.

Ni-repost ni Kim ang mensahe ng isa niyang supporter tungkol sa isyu.

Malinaw na sinang-ayunan ng aktres ang komento ng kanyang supporter tungkol sa “gullible netizens.”

Ayon sa supporter: “Next to Covid-19, FAKE NEWS is the most-easity spreading malady especially among gullible netizens.

“GOD and TRUTH are on your side @chinitaprincess”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Alam mo ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here: https://bit.ly/PEPBotQuiz

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu is being bashed anew after a video allegedly showing her dancing in the middle of EDSA circulated on social media. Kim clarifies authenticity of this report via Instagram.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results