Winwyn Marquez answers netizen who wants her to have Barbie-like arms: “Mas gusto ko maging Wonder Woman.”

by Jet Hitosis
Jun 3, 2020
For the second time in less than two months, 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez has been bashed for choosing to gain muscles. Netizens keep telling her they prefer her old body shape. She answers: "Hope you can move on from the 'pageant body.'"
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram

Hindi marahil inakala ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez na darating ang pagkakataong kakailanganin niyang depensahan ang kanyang well-toned arms laban sa isang “hindi bet” ito.

Natanggap ni Winwyn ang komento mula sa isang babaeng netizen.

Nag-comment ang follower sa Instagram post ni Winwyn nitong Lunes, June 1.

Ipinost ng 28-year-old former beauty queen ang kanyang litrato matapos siyang mag-workout.

Nakasuot si Winwyn ng sports bra, at pajama ang kanyang pang-ibaba.

Nakatagilid ang pagkakakuha ng litrato kay Winwyn, kaya na-highlight sa shot ang kanyang kanang braso.

Continue reading below ↓

Obvious na ipinagmamalaki ni Winwyn ang kanyang toned arms.

Alam din naman ng 839,000 Instagram followers ng kauna-unahang Asian na Reina Hispanoamericana winner kung paano niya pinaghirapan ang hugis ngayon ng kanyang braso.

Regular siyang nagpo-post ng kanyang workout routine.

Continue reading below ↓

Madalas din na ang toned arms ni Winwyn ang ibinibida niya sa kanyang Instagram photos.

Continue reading below ↓

“BARBIE ARMS”

Pero may isang hindi naka-appreciate sa picture ni Winwyn.

Diretsahang sinabi ng netizen na hindi niya gusto ang muscles sa braso ni Winwyn.

Ang hitsura raw nito ay “mashadong amozana,” o parang sa amazona, na tawag sa babaeng warrior.

Sinabi pa ng nagkomento na dapat daw ay hitsurang “barbie arms”—o payat lang—ang braso ni Winwyn “para perfect.”

Continue reading below ↓

Ikinumpara nito si Winwyn sa sikat na American fashion doll na si Barbie.

Birong totoo ang sagot ni Winwyn sa netizen (published as is): “GIRL mas gusto KO naman maging wonder woman kesa barbie noh [hugging face emoji]”

Si Wonder Woman ang superheroine character sa DC Comic books ng Amerika. Isa siyang Amazon warrior.

May follow up pa si Winwyn sa kanyang reply.

Itinuwid niya ang spelling ng nagkomento sa amazona.

Sinabihan din niya ang netizen na i-Google kung sino si Wonder Woman.

Dagdag komento ni Winwyn: “Amazona not amozana.

“Please google wonder woman try mo para you know [face throwing a kiss emoji]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NETIZEN EXPLAINS SELF

Nakatikim naman ng pambabatikos ang netizen mula sa iba pang Instagram followers ni Winwyn, dahil sa komento nito.

Dahil dito, napilitan ang Instagram user na ipaliwanag ang kanyang sarili kay Winwyn.

Ayon sa netizen, choice naman daw ni Winwyn ang magkaroon ng “maselya” o muscled arms.

Mas gusto lang daw talaga niya, ayon sa netizen, ang maliit na braso ni Winwyn nang sumali at manalo ito sa 2017 Reina Hispanoamericana.

Continue reading below ↓

Iginiit ng netizen na sinabi lang niya ang kanyang opinyon.

Sana raw ay hindi maapektuhan si Winwyn, dahil “totoo naman maselya” ang dating beauty queen.

Wala raw problema kung “athletic type of body” ang gusto ni Winwyn para sa sarili.

“Ma’s bet ko lang sayo ang arms na barbie hindi maselya…” paliwanag ng Instagram user.

Sagot ni Winwyn, hindi naman daw siya apektado na tulad ng iniisip ng netizen.

Pero nanindigan ang dating beauty titlist na hindi niya babaguhin ang sarili ayon sa gusto ng iba para sa kanya.

Reply ni Winwyn: “my body, my choice and definitely won’t adjust because hindi bet.”

WINWYN THANKFUL FOR “UNSOLICITED ADVICE”

Sinabi pa ni Winwyn na umaasa siyang magmu-move on na ang netizen sa “pageant body.”

Pinasalamatan niya rin ang netizen sa “unsolicited advice” nito sa kanya sa pagkakaroon ng brasong tulad ng sa Barbie Doll.

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na nakatikim ng pamimintas si Winwyn dahil sa bago niyang body figure.

April 25 nang nakipagsagutan si Winwyn sa isang body-shamer, na hindi rin nagustuhan ang kanyang muscular physique.

Ayon sa body-shamer, “tumaba” at nagkaroon ng muscles ang katawan ni Winwyn, na malayo raw sa hitsura nito noong beauty queen pa.

Halos pareho naman ang isinagot ni Winwyn ngayon sa naging reply niya noon sa body-shamer.

Sagot noon ni Winwyn sa body-shamer: “well i like my muscles and if mataba yan for you search mo words na fit and healthy sa google

“i dont need to adjust dahil mas gusto mo yung katawan ko dati.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the second time in less than two months, 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez has been bashed for choosing to gain muscles. Netizens keep telling her they prefer her old body shape. She answers: "Hope you can move on from the 'pageant body.'"
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results