Sharon Cuneta defends ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez over his citizenship issue

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2020
Sharon Cuneta: WALANG MALI SI MR. GABBY LOPEZ! Parang meron lang talagang ayaw irenew ang franchise ng ABS-CBN.”
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta on Facebook / ABS-CBN News

Ipinagtanggol ni Sharon Cuneta ang chairman emeritus ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, June 3, nanindigan ang Megastar na nasagot na ni Lopez nang ilang beses ang tungkol sa kanyang citizenship.

Pahayag ng 54-year-old actress-singer, “LAHAT po ng mahahalagang katanungan ng pagdududa ay nasagot na ng napakaraming beses kanina pa.

“Paulit-ulit na lang. Parang pinapahaba lang ng pinapahaba.”

Giit pa niya, “WALANG MALI SI MR. GABBY LOPEZ!

“Parang meron lang talagang ayaw irenew ang franchise ng ABS-CBN.

“Nakakalungkot.”

Biro pa ni Sharon, “Eh baka kung mag-guest na lang sila sa ASAP o SHOWTIME bak naibalik ang DOS sa ere ay di na nila kailanganin magpasiklaban sa hearing at sisikat na sila.”

Continue reading below ↓

Nag-post si Sharon sa Instagram habang dinidinig sa Kongreso ang franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Ang tanging natalakay sa pagdinig kanina ay ang citizenship issue ni Lopez.

Halos tatlong oras nakasalang si Lopez sa hearing sa pamamagitan ng teleconferencing app na Zoom.

Dito ay patuloy na tinatanong ng mga mambabatas si Lopez tungkol sa kanyang citizenship.

HOT STORIES

GABBY: “I WILL LIVE, I WILL DIE IN THE PHILIPPINES"

Kaugnay ito ng nakasaad sa Article XVI, Section 11 (1) ng Saligang Batas na ang mass media sa bansa ay dapat pagmamay-ari lamang ng 100 percent na Pilipino.

Nakalagay sa probisyon: “The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations, wholly-owned and managed by such citizens.”

Iginigiit ng mga kontra sa renewal ng ABS-CBN franchise na lumabag sa probisyon na ito si Lopez dahil siya ay American citizen.

Sa Amerika siya isinilang kaya awtomatikong American citizen siya.

Continue reading below ↓

Pero nakasaad sa batas ng Pilipinas na kapag ang mga magulang ng isang tao ay Pilipino, siya ay Pilipino rin by birth.

Ito ang idiniin ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa hearing.

Saad ni Villar, "Dahil po siya po ay mayroong magulang, both father and mother na Filipino citizen, kaya po sa kanyang pagkapanganak siya ay isang Filipino citizen.

"Tama rin po, dahil siya ay napanganak sa United States, siya rin po ay isang American citizen.

"By birth, both Filipino and American citizen."

Ayon naman kay Lopez, kahit may dual citizenship siya, nananatili ang kanyang allegiance sa Pilipinas.

Saad ng ABS-CBN owner, “I have been committed to the people of this country.

"It is a trust that has been passed on to me by my father and by his father before him.

"It is the trust that has been given to me and in fact, I always tell our employees dito sa ABS-CBN po, it’s not just a job, it is a calling.

Continue reading below ↓

"So, please, if you are going to look beyond the technicality and talk about allegiance, please look at my record over the last 35 years po.”

Handa rin daw niyang talikuran ang pagiging US citizen kapag kinakailangan.

Sabi ni Lopez, “I will live, I will die in the Philippines.

"Frankly, the issue of being a dual citizen is not something I think about.

"I know in my heart that I am a Filipino, and all my actions in the 35 years I'd been associated with ABS-CBN has been with the service of the Filipino in my mind

"If it came down to conflict of interest, I will give up my US citizenship in a minute.”

Sa Lunes, June 8, muling magdadaos ng pagdinig ang Kongreso ukol sa ABS-CBN franchise renewal.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: WALANG MALI SI MR. GABBY LOPEZ! Parang meron lang talagang ayaw irenew ang franchise ng ABS-CBN.”
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta on Facebook / ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results