James Reid on Nadine Lustre: “She’s one of the strongest women that I know.”

by Bernie V. Franco
Jun 3, 2020
jadine myx
James Reid on producing ex-girlfriend Nadine Lustre's upcoming album: “She’s been through so much and I’ve seen her grown, so the inspiration is all there. It was really just getting people together to help to get to tell that story, which is why I’m really excited.”
PHOTO/S: Facebook (MYX Philippines)

Sa bihirang pagkakataon ay sabay na na-interview ang dating magkasintahang sina James Reid, 27, at Nadine Lustre, 26.

Na-interview sila ng MYX Philippines, via Facebook Live, noong Lunes, June 1.

Kaugnay ito ng nominasyong nakuha nina James at Nadine sa MYX Music Awards 2020.

Nominado para sa kategoryang Urban Video of the Year ang “Fiend” ni James featuring Just Hush.

Nominado namang Music Video of the Year ang “Summer” nina James at Nadine.

Kinumpirma ng dalawa na patuloy silang nagkakasama sa trabaho.

Sa katunayan, ginagawa nila ngayon ang upcoming music album ni Nadine, artist ng indie music label na itinayo ni James, ang Careless Music.

Sabi ni James, “We’ve been working on Nadine’s album a lot.

“This is something we’ve been excited for, and I think a lot of the fans have been anticipating for the longest time when Nadine will finally produce a full-lenght album.

“We are working really hard on this.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JAMES SAYS NADINE IS THE STRONGEST WOMAN

Bagamat ang pangunahing pinag-usapan ay tungkol sa pagiging artists ng dating onscreen love team, halata ang pagiging proud ni James sa dating kasintahan.

Halimbawa ay ang pahayag ni James nang tanungin sa temang empowerment ng album ni Nadine.

Sabi ni James, “It’s Nadine’s experience. She’s one of the strongest women that I know.

“She’s been through so much and I’ve seen her grown, so the inspiration is all there.

“It was really just getting people together to help to get to tell that story, which is why I’m really excited.”

JaDine on MYX

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan ni Nadine ang sinabi ni James tungkol sa kanyang album.

“I guess because a lot of people message me and kind of look up to me when it comes to empowerment, or being strong, and fearless, especially after my brother died.”

October 2017 nang pumanaw ng kapatid ni Nadine na si Isaiah, na nakaranas ng depression.

Pagpapatuloy ni Nadine, “I receive DMs [direct messages] and a lot of them are asking me how I get through all the challenges that come into my life.

"And then sharing their experiences, and what they’re going through.

“So I just felt like this is perfect platform, or the perfect catalyst to use to empower and help inspire people who listen through music.”

Panay rin ang papuri ni James sa upcoming album ng dating kasintahan.

Pagbibida ng actor-singer, "There’s definitely a message that we’re trying to share through our music, especially through Nadine’s album.

Continue reading below ↓

“We’re focusing mainly on, like, empowerment and self-love.

“We’re really proud of it, and I feel it’s going to be the biggest project of the year.”

TEAM REAL

Bago matapos ang interview, natanong ang dalawa kung paano nila gustong maalala ng publiko ang kanilang tambalan—ang JaDine.

Hindi sila agad nakasagot.

“Realists,” maiksing sagot ni James.

Pinagbasehan ni James ang bansag sa JaDine bilang Team Real, dahil sa pagiging totoo raw ng kanilang tandem.

Sumang-ayon si Nadine sa sagot ni James.

“Agree. Pinahirapan ko pa ang sarili ko. I’m thinking of other stuff pa and then you said…

“Okay, yun na 'yon,” anang aktres.

ARE THEY BACK TOGETHER?

Noong January 2020 ay kinumpirma nina James at Nadine ang kanilang paghihiwalay matapos ang apat na taong relasyon.

Ang kanilang rason, gusto nilang mag-focus sa kani-kanilang career.

Pero nananatili raw silang magkaibigan.

Sa kabila nito, marami sa kanilang mga tagasuporta ang umaasa at nagtatanong kung may nangyari bang balikan dahil patuloy ang kanilang ugnayan.

Continue reading below ↓

Hindi inurirat sa interview ang tungkol sa relasyon ng dalawa.

Pero hindi pa rin nawawala ang pag-uusisa kung nagkabalikan na ba sila.

Lalong tumindi ang hinala ng netizens nang mag-post si Nadine ng throwback picture nila ni James noong birthday ng aktor noong May 11.

Tanging seedling emoji ang caption ni Nadine, pero tinukso sila ng kanilang mga kaibigan at supporters sa comments section.

Noon namang May 4, lumutang ang larawan nina James at Nadine na magkasamang nagpunta sa tent set-up activity ng isang medical services company.

Makikita ang dating magkasintahan na magkadikit habang naka-face mask.

Ang malinaw, hindi napuputol ang komunikasyon ng dating magkarelasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid on producing ex-girlfriend Nadine Lustre's upcoming album: “She’s been through so much and I’ve seen her grown, so the inspiration is all there. It was really just getting people together to help to get to tell that story, which is why I’m really excited.”
PHOTO/S: Facebook (MYX Philippines)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results