Vice Ganda asks DOTr to resolve GCQ transport woes: “Hirap na hirap na po ang mga commuters.”

by Jet Hitosis
Jun 4, 2020
Comedian and TV host Vice Ganda appeals to the Department of Transportation in behalf of Metro Manila commuters: "WALA PONG MASAKYAN. ANO PONG PLANO NYO? BAKA BALAK NYO SILANG PAGMALASAKITAN."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, dotr.gov.ph

Bigyan ng sapat na public transportation ang mga manggagawang nagsibalik na sa kani-kanilang trabaho.

Ito ang panawagan ng TV host-comedian na si Vice Ganda sa Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, June 2.

Kasunod ito ng mga ulat na daan-daang empleyado ang nai-stranded sa lansangan simula nang magbalik-trabaho nitong June 1.

Wala kasing masakyan ang karamihan sa kanila sa pagpasok sa trabaho, ganundin pauwi sa gabi.

Kaya naman kalbaryo para sa maraming balik-trabaho ang pagbibiyahe sa araw-araw.

VICE POSTS IN RHYMES

Ito ang mismong hinaing ni Vice, 44, sa kanyang tweet nitong Martes.

Mababasa sa titulo ng post ng It’s Showtime host: “Panawagan sa Department of Transportation.”

Bagamat seryoso ang tweet ni Vice, nakakaaliw ang rhyming ng parang tula na paglalahad niya ng kanyang saloobin.

Saad sa post ni Vice (published as is):

“Hirap na hirap na po ang mga commuters.

“At yan ay base sa aming obserbasyon.

“Delubyo sa kanila ang transportasyon patungo sa kanilang destinasyon.

Continue reading below ↓

“Sa dami po ng pinayagang lumabas at magsibalik sa trabaho ay kulang na kulang ang masasakyan.

“So mukhang may mali sa kalkulasyon.”

HOT STORIES

VICE PLEADS FOR “EPEKTIBONG SOLUSYON”

Sa puntong ito, nakiusap si Vice sa DOTr na umisip ng paraan upang maresolba ang kalbaryo ng mga manggagawang commuters.

“Beke nemen po may mabuo sa inyong mga imahinasyon na epektibong solusyon,” patuloy ng post ni Vice.

“Sana’y may mailabas na kayong impormasyon at aksyon...

“dahil inyo pong obligasyon na maiayos ang sitwasyon.

“Kawawa naman po talaga ng populasyon.”

Sa huling bahagi ng tweet ni Vice, diretsahan na niyang tinanong ang DOTr kung ano ang plano nitong gawin para "PAGMALASAKITAN" ang nahihirapang commuters.

"Sa madaling salita

"WALA PONG MASAKYAN.

"ANO PONG PLANO NYO?

"BAKA BALAK NYO SILANG PAGMALASAKITAN."

Continue reading below ↓

Maraming Twitter followers ni Vice ang naka-relate sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman ang fans ni Vice na ginagamit ng TV host-comedian ang kanyang impluwensiya upang matulungan ang commuters.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PUBLIC TRANSPORTATION UNDER GCQ

Balik-operasyon na ang maraming negosyo sa Metro Manila simula nitong Lunes, matapos ang mahigit dalawang buwang enhanced community quarantine (ECQ).

General community quarantine (GCQ) na ang umiiral ngayon sa National Capital Region (NCR), ang sentro ng ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng GCQ, pinayagan nang mag-operate muli ang maraming establisimyento, habang mahigpit na tumutupad sa minimum health protocols.

Continue reading below ↓

Balik-trabaho na rin ang maraming manggagawa.

Gayunman, pahirapan ang pagbiyahe ng marami sa kanila, lalo na papasok sa trabaho.

Limitado pa rin kasi ang public transportation, alinsunod sa GCQ guidelines.

Simula nitong Lunes, pinayagan nang mamasada—nang may limited capacity—ang mga taxi, transport vehicle network service (TNVS), point-to-point (P2P) bus, at tricycle.

Bumibiyahe na rin ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, at ang Metro Rail Transit (MRT)-3.

Pero karamihan sa mga manggagawa ay umaasa sa mga pampublikong bus at jeepney, na parehong hindi pa pinapahintulutang mamasada habang GCQ.

Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases, mahirap daw kasing i-monitor ang pagsunod sa minimum health protocols sa mga pasahero ng bus at jeep.

JEEPNEYS MAY MAKE A COMEBACK

Pero sinabi na ni DOTr Secretary Arthur Tugade na posibleng makabiyahe uli ang mga jeep ngayong June, kung kakapusin talaga ang public transportation.

“Kung kinukulang ho ang mga sasakyan… then puwede ho payagan yung traditional jeepneys, subject to all those stated conditions,” sinabi ni Tugade sa interview sa kanya ng CNN Philippines nitong June 3.

Continue reading below ↓

Kailangan daw, ayon kay Tugade, na maayos ang kondisyon at malinis ang jeep, at nakakasunod ito sa physical distancing sa mga pasahero.

Mayroong two-phase deployment ang DOTr sa pagbabalik sa kalsada ng mga public transportation ngayong GCQ.

Sa Phase 1, o simula June 1 hanggang June 21, papayagan nang bumiyahe ang mga train, taxi, TNVS, P2P bus, shuttle services, at maging ang tricycle.

Sa Phase 2, o sa June 22-30, makakabiyahe na uli ang mga public utility bus at UV Express.

Sa parehong phase, hindi pa pinapayagang mamasada ang mga jeep.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian and TV host Vice Ganda appeals to the Department of Transportation in behalf of Metro Manila commuters: "WALA PONG MASAKYAN. ANO PONG PLANO NYO? BAKA BALAK NYO SILANG PAGMALASAKITAN."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, dotr.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results