Andrea Torres reacts to Megan Young getting jealous of her

by Bernie V. Franco
Jun 4, 2020
andrea torres close up
megan young close up
Andrea Torres (left) on Megan Young's (right) revelation that the former Miss World got jealous of her: “Dun pa lang, actually, sinabi na ni Mik that he thinks Megan is 'The One.' So, hindi ko alam na may ganun palang nangyari."
PHOTO/S: @andreaetorres and @meganbata on Instagram

Nag-react si Andrea Torres, 30, sa pag-amin ni Megan Young, 30, na pinagselosan siya nito noon.

Sa podcast ni Megan at ng asawang si Mikael Daez noong May 21, inamin ng Miss World 2013 na tumatak sa kanya nang isinakay noon ni Mikael sa kotse si Andrea.

Ikinagulat daw ito ni Megan at nakaramdam ng selos.

Kung anu-ano raw ang naisip niya noon, at umabot sa puntong nangamba siya kung maghihiwalay na ba sila ni Mikael.

Noong mga panahong iyon ay magkasintahan pa lang sina Megan at Mikael, habang ini-launch naman ng GMA-7 ang tambalan nina Mikael at Andrea.

Unang nagkapareha sina Mikael at Andrea sa teleseryeng Sana Ay Ikaw Na Nga (2012-2013).

Sabi ni Megan sa podcast, pinangalanan niya si Andrea “only because she’s our friend and I know she’ll laugh about this.”

Nagkasama at naging magkaibigan sina Andrea at Megan sa 2016 Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood, na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

Continue reading below ↓

andrea torres hair
megan young long hair

HOT STORIES

ANDREA SETS THE RECORD STRAIGHT

Ngayong Huwebes ng hapon, June 4, nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Andrea sa pamamagitan ng GMA Corporate Communications.

Sinagot ng aktres ang aming mga katanungan tungkol sa rebelasyon ni Megan.

Ayon kay Andrea, “very comfortable” siya kay Megan nang maging magkaibigan sila noong 2016.

Continue reading below ↓

“Nag-start talaga nung Alyas Robin Hood. Very comfortable ako around her.

“Marami kaming mga napagkwentuhan din sa pagsasama namin sa show,” saad niya.

Ano ang masasabi niya sa pag-amin ni Megan na pinagselosan pala siya nito noon?

“Ang tagal na nun! Haha! I think, ten years ago?” sagot ni Andrea.

Pero may paglilinaw si Andrea sa mga rebelasyon ni Megan sa podcast.

Aniya, may karelasyon din siya noong una silang magtambal ni Mikael.

Taliwas ito sa akala ni Megan na single si Andrea noong ilunsad ang love team nila ni Mikael.

Kuwento ni Andrea, “Actually, before I met Megan, ramdam ko na kilala ko na siya dahil ang una naming napag-usapan ni Mikael was about our respective partners at that time.

“We were both in a relationship.”

Sabi ni Andrea, nagkasundo sila noon ni Mikael na sabihin ang totoo sa isa’t isa.

“We wanted to be open, because it was both our first time to get into a love team and first time to be leads in a soap opera.

Continue reading below ↓

“So we wanted it to work, of course.

“Pero at the same time, we made sure na we’re not going to step on anyone para naman happy ang buhay on and off-cam.”

MIKAEL'S "THE ONE"

Rebelasyon pa ni Andrea, sinabi na noon sa kanya ni Mikael na si Megan na ang babaeng pakakasalan niya.

“Dun pa lang, actually, sinabi na ni Mik that he thinks Megan is 'The One.'

“So, hindi ko alam na may ganun palang nangyari," sabi ni Andrea tungkol sa pagseselos sa kanya ni Megan.

Dagdag niya, “But I’m sure it’s nothing big.

“Mikael naman is very transparent. Wala naman siyang nabanggit sa akin at that time.”

Pagkatapos ng Sana Ay Ikaw Na Nga, nagtambal muli sina Andrea at Mikael sa With A Smile (2013) at Ang Lihim ni Annasandra (2014-2015).

Samantala, inusisa rin namin si Andrea kung nag-message ba sa kanya si Megan tungkol sa pag-amin niyang pinagselosan siya nito noon.

Continue reading below ↓

“No, but Mikael did,” sagot ni Andrea.

“He messaged me when it came out na na-mention nga daw nila ako sa podcast nila.”

Sa kasalukuyan, ang karelasyon ni Andrea ay ang aktor at leading man niya sa The Better Woman na si Derek Ramsay.

Inamin nina Andrea at Derek ang kanilang relasyon noong September 2019.

Ikinasal naman sina Megan at Mikael nitong January, 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres (left) on Megan Young's (right) revelation that the former Miss World got jealous of her: “Dun pa lang, actually, sinabi na ni Mik that he thinks Megan is 'The One.' So, hindi ko alam na may ganun palang nangyari."
PHOTO/S: @andreaetorres and @meganbata on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results