Heart Evangelista gives away tablets for students in need; responds to naysayers

by Rachelle Siazon
Jun 4, 2020
Heart Evangelista on bashers accusing her of being "privileged" and "out of touch" from other people's struggles: "God doesn’t give you extra sparkle in life for you to shine. He gives that sparkle for you to share."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram

Inanunsiyo ni Heart Evangelista na mamimigay siya ng tablets sa mga estudyanteng walang pambili ng gadgets para sa online classes.

Base ito sa kanyang pahayag sa Twitter nitong Huwebes ng hapon, June 4.

Tweet ni Heart, "I heard having a tablet or computer is a requirement for online classes so I will do the best I can

"I’m sorry I can’t help everyone but I will try to help as much as I can."

Continue reading below ↓

Dumagsa ang request ng netizens na sana ay masama sila sa mga mabibigyan ni Heart ng tablet para magamit daw sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Pinayuhan naman ni Heart na i-send sa kanyang Instagram direct message ang mensahe ng mga ito.

Matatabunan daw kasi ang mga bata at matandang may kapansanan na tinutulungan ni Heart sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanya sa Twitter.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Heart, "I will be personally messaging each one... please bare with me because 2 Lang kami ang gagawa nito..."

Kaugnay ito ng anunsiyo ng Department of Education na sa August 24 ang opening of classes para sa School Year 2020-2021.

Pero mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face classes hangga't hindi pa safe para sa mga mag-aaral.

Kaya inirekomenda ang "blended/distance learning approach" tulad ng pagsagawa ng online classes gamit ang gadgets tulad ng laptops, tablets, at mobile phones.

HOT STORIES

HEART'S SWEET RESPONSE TO BASHERS

Pero sa kabila ng mga pagtulong ni Heart sa kapwa, inulan pa rin siya ng masasakit na salita mula sa kanyang naysayers.

May mga kumukuwestiyon sa umano'y "out of touch" at "distasteful" na pagparada ng Kapuso actress ng kanyang mga fashionable protective gear sa Instagram.

Malayo raw ang sinasabi ni Heart na "new normal" sa realidad na hinaharap ng mga naghihirap sa gitna ng pandemya.

Continue reading below ↓

Burado na sa Instagram feed ni Heart ang komentong iyon ng netizen.

Pero may iba pang pumupuna sa Kapuso actress.

Sabi ng isang kritiko via Twitter, "heart evangelista disabled her comment section on ig, open your purse b*tch."

Kalmadong sumagot si Heart ng "Yes I did..."

Patuloy ng Kapuso actress, "the world is already suffering so much and as I educate myself more and gather my thoughts about what I would like to share with my followers I don’t need any kind of hate and negativity to add up to it all.

"Nobody needs that now.

"My advise? Open your heart angel."


Continue reading below ↓

May netizen ding nagsabing "disappointed" ito kay Heart.

Hindi naman daw namimilit si Heart na gustuhin siya nito.

"Can’t win them all dear ... just don’t hurt me...It’s fine if you don’t like me."

UNFAZED BY PEOPLE'S ASSUMPTIONS OF HER

May isa namang dumepensa kay Heart laban sa mga humuhusga sa lifestyle niya.

Continue reading below ↓

"cant believe people still choose to bash you when you're showing off your fashion, hindi nila tinitignan yung mga nagawa mo talaga hays.

"yung iba, sinasabi wala ka daw ginagawa."

Pero para kay Heart, ang mahalaga ay kilala raw niya ang kanyang sarili.

Kaysa mainis, ipagpapatuloy na lang daw ni Heart ang pagbahagi ng kanyang blessings.

"I didn’t do anything.

"I am and everyone else who helps are just instruments of God.

"God doesn’t give you extra sparkle in life for you to shine.

"He gives that sparkle for you to share."

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on bashers accusing her of being "privileged" and "out of touch" from other people's struggles: "God doesn’t give you extra sparkle in life for you to shine. He gives that sparkle for you to share."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results