Kim Chiu explains viral dance video to MMDA

by Bernie V. Franco
Jun 5, 2020
kim chiu dance video
Kim Chiu initiated an online meeting with Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia to air her side on her viral dance video.
PHOTO/S: @starmagicphils on Instagram / Instagram

Nakipagpulong si Kim Chiu, 30, sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng kanyang viral dance video.

Inakusahan ng ilang netizens si Kim na lumabas sa kanyang kotse at sumayaw sa tugtog ng kanyang viral song na “Bawal Lumabas” sa gitna umano ng EDSA.

Nag-react si Kim at sinabing "fake news" ang akusasyon.

Ngayong Huwebes, June 4, naglabas ng official statement ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak ng career ni Kim, kaugnay ng online meeting sa pagitan ng aktres at ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Inisyatibo raw mismo ni Kim ang pakikipagpulong sa MMDA na ginanap sa pamamagitan ng Zoom, isang online chat at video call app.

KIM GETS REMINDER FROM MMDA

Sa meeting, ipinaliwanag daw ni Kim na sumayaw siya habang nakahinto ang kanyang kotse.

Sa may parking area raw niya ito ginawa, at hindi sa major thoroughfare ng Metro Manila.

Tinanggap daw ni Garcia ang paliwanag ni Kim, at sinabing walang ginawang traffic violation ang aktres.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, pinaalalahan daw ng MMDA general manager si Kim na laging sundin ang batas-trapiko.

Narito ang kabuuang statement ng Star Magic:

“This morning, Kim Chiu had a brief online meeting with MMDA General Manager Jojo Garcia following her viral 'dance video'.

kim chiu dance edsa

"Kim initiated the meeting where she explained that the controversial video was not taken along EDSA but in a parking lot adjacent to a road.

Continue reading below ↓

“Kim also clarified that the car is not moving when the 5-seconder video was taken.

“MMDA accepted Kim’s explanation, and although SHE DID NOT COMMIT ANY TRAFFIC VIOLATION, with her act, GM Garcia still reminded her to always strictly adhere to traffic rules and regulations.”

HOT STORIES

KIM’S VIRAL VIDEO AND her CLARIFICATION

Nitong June 2 at 3, kumalat sa social media ang kontrobersiyal na dance video ni Kim.

Continue reading below ↓

Mapapanood na bumaba ang aktres sa kanyang kotse at sumayaw sa saliw ng kanyang hit song.

Mabilis na nag-react ang mga kritiko at binato siya ng masasakit na salita dahil sa pagsasayaw niya diumano sa kalagitnaan ng EDSA.

Miyerkules din nang mag-post si Kim at binigyang linaw ang paratang.

“Fake news” daw ito dahil hindi siya sa EDSA sumayaw, kundi sa kalsadang katabi ng parking lot sa may Pasig City.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Kim: “Okay ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang. DYOS KO.

“Please stop spreading FAKE NEWS. Please lang.”

Ipinaliwanag ni Kim na galing siya noon sa paghahatid ng ibinibentang “Bawal Lumabas” T-shirts para makalikom ng pondo para sa kawanggawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu initiated an online meeting with Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia to air her side on her viral dance video.
PHOTO/S: @starmagicphils on Instagram / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results