Angel Locsin, Jodi Sta. Maria react to arrest of six jeepney drivers in Caloocan City

by Bernie V. Franco
Jun 5, 2020
angel locsin close up
jodi sta. maria smile
ABS-CBN actresses Angel Locsin and Jodi Sta. Maria react to arrest and detention of six jeepney drivers.
PHOTO/S: @lalaflores16 and @jodistamaria on Instagram

Nanawagan sina Angel Locsin at Jodi Sta. Maria kaugnay ng paghuli at pagkulong sa anim na jeepney drivers sa Caloocan City, noong Martes, June 2.

Ang jeepney drivers, kabilang ang isang 72-anyos na lalaki, ay inaresto dahil sa paglabag diumano sa quarantine rules matapos makilahok sa protesta laban sa jeepney ban.

Sinampahan sila ng reklamong paglabag sa physical distancing, disobedience to persons in authority, at illegal assembly.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Miyerkes, June 3, noong una ay may 20 drivers ang nagtipun-tipon sa kalsada sa Caloocan para humingi ng tulong sa mga dumadaan.

Sabi ng mga driver, para raw ito sa kanilang mga kasamahan na nangangailangan ng ayuda.

Ipinatigil ng Caloocan police ang pagtitipon dahil ang pinuwestuhan umano nila ay busy area at marami ang naaabala.

Ayon kay Caloocan Police Chief Col. Dario Menor, bagamat umuwi ang iba, ang iba ay hindi umano sumunod.

“That makes it disobedience,” sabi pa ng police chief.

Continue reading below ↓

Base rin sa ulat, inimbitahan daw ang anim na tsuper ng jeep sa presinto para magpaliwanag, at pinangakuan ng mga pulis na hindi sila huhulihin at ihahatid sila pagkatapos.

Laking gulat na lamang daw ng anim mga tsuper nang ikinulong sila dahil sa tatlong paglabag umano.

Ayon kay Menor, mananatiling nakakulong ang mga jeepney drivers hangga't hindi sila nakakapagpiyansa.

P3,000 ang piyansa sa bawat drayber.

Ang anim na tsuper ay miyembro ng transport group na PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide.

HOT STORIES

ANGEL AND JODI APPEAL FOR THE DRIVERS

Naantig ang damdamin ng Kapamilya stars na sina Angel at Jodi sa sinapit ng mga tsuper.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story nitong Huwebes, June 4, nakiusap si Angel na kung hindi mabibigyan ng tulong ang mga tsuper, pakawalan na lamang sila.

Saad ni Angel: “Pls. If you cannot help them, Let them go home.

“They just want food for their families. Maraming gutom.

Continue reading below ↓

“Sabihin na nating may natanggap, pero hindi natin alam kung enough na ba yun para sa pamilya nila para mapilitan silang lumabas.

“Konting puso and consideration.”

May patama naman ang tweet ni Jodi kahapon, June 4, sa mga pulis na humuli sa mga tsuper.

Himutok ng aktres, gusto lang ng mga drayber na kumita nang marangal.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Jodi: “They just wanted to make an honest living but were arrested and charged for ‘disobedience to social distancing’ Kasi mahirap?

“Kasi simple? Pero pag…i’ll end it here. [broken heart emoji]

“Pulis Kalookan…anong ginagawa nyo?”

PISTON STATEMENT

Sa Facebook Page ng PISTON, nanawagan silang palayain ang mga kasamahang inaresto.

Continue reading below ↓

Post dito: “Nananawagan ang Piston na suportahan ang panawagan na palayain ang mga hinuling drayber na walang kaso o multa.

“Gutom ang nagtulak para sa pagkilos ng drayber. Hindi na makatarungan na sa kabila nang kagutuman ay pagmumultahin at paparusahan pa sila.”

Idiniin din ng transport group na nananawagan lang ang kanilang grupo para makapaghanapbuhay.

Iginiit pa ng PISTON sa isang pahayag na ang mga kasamahan nila ay naka-mask at nagkaroon ng physical distancing nang magtipun-tipon.

Nang simulan ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila nitong Lunes, June 1, hindi pa rin pinapayagang makapamasada ang mga bus at tradisyunal na dyip.

Kasalukuyang ipinapatupad ang Phase 1 ng transport system (mula June 1-21).

Pinapayagang bumiyahe ang train systems, point-to-point buses, mga taxi at transport network vehicle services (TNVS) gaya ng Grab, shuttle services, at mga bisikleta.

Inaasahan namang sisimulan ang Phase 2 pagsapit ng June 22 hanggang 30, at papayagang makabiyahe ang modern jeepneys, mga bus, at UV Express.

Continue reading below ↓

Hindi kabilang ang mga traditional jeepneys sa dalawang phase na ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actresses Angel Locsin and Jodi Sta. Maria react to arrest and detention of six jeepney drivers.
PHOTO/S: @lalaflores16 and @jodistamaria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results