Gretchen Ho gives bikes to no work-no pay employees; shippers get kilig as Mayor Vico Sotto reacts

by Jet Hitosis
Jun 5, 2020
Celebrity athlete and TV host Gretchen Ho is a long-distance road cyclist.
PHOTO/S: @gretchenho on Instagram

Dalawang empleyadong “no work-no pay” ang tumanggap ng libreng bisikleta mula sa Kapamilya TV host-athlete na si Gretchen Ho.

Itinaon ni Gretchen, 30, ang pamimigay ng bisikleta sa World Bicycle Day nitong Miyerkules, June 3.

Miyerkules din ipinost ni Gretchen sa Instagram ang tungkol sa dalawang empleyado, na ilang kilometro ang nilalakad araw-araw makapasok lang sa trabaho.

Nagkataon namang maraming commuters, na balik-trabaho na ngayong linggo, ang pahirapan sa pagbiyahe araw-araw.

Limitado pa rin kasi ang pampublikong sasakyan na pinapayagan sa kalsada, ayon sa general community quarantine (GCQ) rules.

Ang pagbibisikleta ang pinakamainam na option ng mga kailangang pumasok sa trabaho pero walang sariling sasakyan.

HOT STORIES

LADY GUARD, SUPERMARKET STAFF RECEIVE BIKES

Mababasa sa post ni Gretchen (published as is):

“I know there’s been so much stress over bike lanes & transport issues..

“but here’s some #Happinews for today’s #WorldBicycleDay:

“Gave away bikes to two no work-no pay employees:”

Isang lady security guard na taga-San Mateo, Rizal, at isang supermarket merchandiser mula sa Caloocan City ang masuwerteng nabigyan ng bike ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Sa Novaliches, Quezon City pumapasok ang guard na si Claire, habang nasa Quezon City rin ang supermarket na pinagtatrabahuhan ni Rufino.

“Nanay Claire is a lady guard who stopped working kasi hindi niya raw kaya yung 4-hour one-way walk to work mula San Mateo hanggang Novaliches,” kuwento ni Gretchen.

“12 hours duty tapos 4 hour walk ulit.

“Imposible.

“Pero ngayon, may bisikleta na siya kaya makakatrabaho na siya ulit!!

“Rufino, on the other hand, is a merchandiser at a supermarket.

“As a frontliner, wala siyang tigil sa trabaho simula nung quarantine, kaya naman kailangan maglakad mula Caloocan hanggang Quezon City.”

Continue reading below ↓

A “LIKE” FROM MAYOR VICO

Napuno ng papuri kay Gretchen ang comments section ng latest Instagram post niyang ito.

Pero agaw-pansin ang komento ng ilang eagle-eyed followers ng dating Ateneo Lady Eagles volleyball player.

Sinabi nila kay Gretchen na ni-like ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang World Bicycle Day post ng TV host-athlete.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isa sa kanila, umaming shipper siya nina Mayor Vico at Gretchen.

Shipper ang tawag sa mga taong pinagma-match romantically ang dalawang indibidwal, sa pag-asam na magkakatuluyan ang mga ito.

Continue reading below ↓

Ang ibang netizens naman, tinag sa comments section ang 30-year-old mayor.

"Bagay na bagay" raw sina Mayor Vico at Gretchen, sabi nila.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

MAYOR VICO AND GRETCHEN

December 2019 nang simulang itukso ng netizens sina Mayor Vico at Gretchen sa isa’t isa.

Ito ay matapos silang makuhanan ng litrato habang magkatabing nanonood ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games women's volleyball opening match sa PhilSports Arena noong December 3, 2019.

Kino-cover noon ni Gretchen ang event bilang reporter ng ABS-CBN News.

Continue reading below ↓

Dumalo naman sa opening match si Mayor Vico bilang alkalde ng lungsod, kung saan matatagpuan ang PhilSports Arena.

THE SHIPPERS

Bagamat may mga pictures sila habang nag-uusap at nagtatawanan, makikitang focused sa panonood sa game sina Mayor Vico at Gretchen.

Gayunman, pilit na pinagma-match ng netizens ang dalawa.

Marami ang kilig na kilig sa posibilidad na magkaroon nga ng romantic relationship sina Mayor Vico at Gretchen.

Bukod kasi sa parehong single at halos magkaedad, kapwa sila graduate ng Ateneo de Manila University.

Simula noon ay sinubaybayan na ng shippers kung may posibilidad ngang magkaroon ng relasyon ang alkalde sa TV host-athlete.

Pero ang mga magulang na mismo ni Mayor Vico ang nagsabing walang naikukuwento ang local executive tungkol sa kanya at kay Gretchen.

Si Vico ay anak ng TV host-comedian na si Vic Sotto at ng veteran actress na si Coney Reyes.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity athlete and TV host Gretchen Ho is a long-distance road cyclist.
PHOTO/S: @gretchenho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results