Confirmed: Mark Herras is engaged to Nicole Donesa

by Bernie V. Franco
Jun 5, 2020
mark herras engaged
Mark Herras is now engaged to his girlfriend Nicole Donesa. Mark and Nicole confirmed their relationship in August 2019.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram

“Yes, he’s engaged na.”

Ito ang kumpirmasyon ng GMA Corporate Communications sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol kina Mark Herras, 33, at Nicole Donesa, 26.

Natanggap namin ang text message ngayong Biyernes ng hapon, June 5, ilang minuto matapos ang cryptic post ng Kapuso actor sa Instagram.

Nag-post si Mark ng black-and-white photo ng dalawang kamay na magkahawak.

Kapansin-pansin ang diamond ring na suot sa daliri ng babae.

Caption ni Mark: “Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay… I love you itchybear [kissing emojis]”

Ginamit din ng StarStruck Season I Ultimate Male Survivor ang hashtag na #toinfinityandbeyond.

Continue reading below ↓

Samantala, sa message ng GMA Corp Comm, sinabi nilang magpapa-interview sina Mark at Nicole.

HOT STORIES

THE CONFIRMATION

Wala pang isang taong magkarelasyon sina Mark at Nicole.

August 20, 2019 nang kumpirmahin ni Mark ang relasyon nila ni Nicole.

Bago pa man ang kumpirmasyon, halata na ang public display of affection ng dalawa sa kani-kanilang Instagram posts.

Nagkatrabaho at nagkakilala ang dalawa sa Kapuso teleseryeng Bihag, na first major project ni Nicole bilang aktres.

Umere ang Kapuso afternoon teleserye mula April 2019 hanggang August 2019.

mark herras girlfriend

Continue reading below ↓

Si Nicole ay naging kandidata sa Binibining Pilipinas noong 2013, ngunit nabigo siyang makakuha ng titulo.

Noong 2014, sumali naman siya sa Miss World Philippines, kung saan hinirang siyang Third Princess.

Bago naging sila ni Nicole, ang huling naging girlfriend ni Mark ay ang actress-beauty queen ding si Winwyn Marquez.

Kinumpirma nina Mark at Winwyn ang kanilang paghihiwalay noong February 2019 pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras is now engaged to his girlfriend Nicole Donesa. Mark and Nicole confirmed their relationship in August 2019.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results