Lauren Young calls DJ Loonyo “bobo” over his analogy on wearing face mask for too long

by Bernie V. Franco
Jun 5, 2020
lauren young on dj loonyo
Kapuso actress Lauren Young reacts to DJ Loonyo's opinion about wearing face mask for too long. According to DJ Loonyo, "[S]ang-ayon ako dun na the more you wear the mask, na nakaganun parati... Kumbaga, parang ini-inhale mo yung sarili mong utot.”
PHOTO/S: @lo_young and @djloonyo on Instagram

Hindi nakapagtimpi si Lauren Young at tinawag na "bobo" ang social media personality na si DJ Loonyo dahil sa opinyon nito tungkol sa pagsusuot ng face mask.

Tweet ng aktres nitong Huwebes, June 4: “Omg i just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah??”

Ang “flat earther” ay tawag sa mga taong naniniwalang flat ang mundo.

Sa madaling sabi, pagtukoy ito sa mga taong may paniniwalang hindi base sa facts.

Kalakip ng tweet ni Lauren ay isang one-minute video clip mula sa Facebook Live ni DJ Loonyo.

Viral ang video clip na may higit sa isang milyong views na.

Continue reading below ↓

DJ LOONYO EXPLAINS HIS OPINION ABOUT USING FACE MASK

Sa dami ng mga nakapanood ng FB Live ni DJ Loonyo, hindi kataka-taka kung marami ang magpahayag ng pag-aalala sa mga pahayag ng dancer-choreographer.

Sa video, iginiit ni DJ Loonyo ang kanyang agam-agam kung ligtas ba ang matagal na pagsusuot ng ordinary face mask.

Sa umiiral na pandemya ngayon, inirerekomenda ang pagsusuot ng face mask at physical distancing bilang safety measures upang hindi kumalat ang COVID-19.

Sa video, klaro si DJ Loonyo sa kanyang paniniwala na hindi nakabubuti sa kalusugan ang matagal na pagsusuot ng mask.

“Itong mask na ‘to, ang daming tanong sa utak ko, like, ano ba talaga yung tamang gawin?

“Walang makakasagot. Ikaw lang talaga.

“Pero sang-ayon ako dun na the more you wear the mask, na nakaganun parati,” nagmuwestra ang dancer ng pagtakip sa mukha.

“Kumbaga, parang ini-inhale mo yung sarili mong utot.”

Dagdag pa ni DJ Loonyo, “Kaya mo nga nilalabas yun, e, kaya mo nga nilalabas yun kasi hindi kailangan ng katawan mo yun.”

Continue reading below ↓

dj loonyo bar

Pagpapatuloy ng dancer-choreographer, "Kailangan mo ng oxygen.

"Ngayon, yung ini-inhale mo yung parang ano, yung poison… ang ini-inhale mo sa katawan mo, it makes your immune system weak…”

Paglilinaw ni DJ Loonyo, “We’re not against the mask.

“We are saying sa haba ng panahon na kaka-wear mo nang kaka-wear, kakasuot mo ng mask, ini-inhale mo yung sarili mong utot.

Continue reading below ↓

“So if I were you, kumbaga, parang ano… ibababa mo siya or ipapahinga mo yung sarili mo, um-inhale ka nang tama.”

Pagdidiin niya, “So, hindi tayo against sa mask, hindi tayo against sa mask.

"Ang sa atin lang is… kumbaga, ire-reduce mo lang yung kaka-wear mo nang kaka-wear kasi ini-inhale mo yung sarili mong utot.”

Isang netizen ang nag-share ng video clip ni DJ Loonyo sa Facebook, at nagkomento rito ang musical theater actor na si Audie Gemora.

Sabi ni Audie, “I think he means inhaling carbon dioxide hahahah.”

Sa Physiology, ang katawan ng tao ay nagpo-produce ng carbon dioxide, na hindi makabubuti kapag sumobra ang level nito sa loob ng katawan.

Inilalabas ng katawan ang excess carbon dioxide sa pamamagitan ng pag-e-exhale.

Ito marahil ang pinanggagalingan ni DJ Loonyo—na nalalanghap ang sariling carbon dioxide kapag nakasuot ng mask.

HOT STORIES

IS WEARING FACE MASK FOR A LONG PERIOD DANGEROUS?

Sa kalahating bahagi ng video clip ay naka-embed ang screenshot ng paliwanag tungkol sa pagsusuot ng mask.

Continue reading below ↓

Ang screenshot ay mula sa isang artikulong mababasa sa www.healthing.ca.

Ito ang titulo: Mask myths: No, carbon dioxide won't make you sick

Nakasaad sa artikulo na myth, o hindi totoo, na hindi umuubra ang ordinaryong face mask ngayong may pandemic.

Sabi sa artikulo, may pag-aaral mula sa Hong Kong University at University of Maryland na ang pagsusuot ng mask ay nakatutulong para hindi kumalat ang virus nang 50-75 percent.

Ayon sa article, inirerekomenda ni Dr. Theresa Tham, isang top doctor sa Canada, ang pagsusuot ng non-medical mask bilang proteksiyon.

Quoted ang doktor: “A non-medical mask can reduce the chance of your respiratory droplets coming into contact with others or landing on surfaces.”

Idinagdag ni Dr. Tham na “science is not certain” pagdating sa non-medical mask, pero ito raw ang “sensible thing to do” para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Wala rin umanong katotohanan na delikado ang pagsusuot ng mask dahil napaparami ang paglanghap ng tao ng sarili nitong carbon dioxide, o tinatawag na Hypercapnia.

Continue reading below ↓

May paliwanag dito kung ano ang sintomas ng pagkakaroon ng Hypercapnia.

Ang mahalagang binanggit dito: may pahayag ang isang representative mula sa U.S. Centers for Diseases and Prevention na hindi dapat pangambahan ang matagal na pagsusuot ng mask.

Sabi rito: “The CO2 will slowly build up in the mask over time.

“However, the level of CO2 likely to build up in the mask is mostly tolerable to people exposed to it.”

Narito ang paliwanag:

Continue reading below ↓

Ayon sa Financial Post website, ang healthing.ca na isang Canadian website ay “source of verified healthcare information for consumers, caregivers and practitioners.”

LAUREN CRITICIZES DJ LOONYO

Bukod sa pagtawag ng "bobo" kay DJ Loonyo, may matapang na patama pa sa kanya si Lauren.

Sabi ng aktres, nagmamarunong ang dancer-choreographer tungkol sa paksang hindi man lang niya pinag-aralan o ni-research.

“I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand.

"Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it?

“Mapakita lang yung bigdickenergy. Like LOOK AT ME IM SMART.”

Continue reading below ↓

Hindi naman nakaligtas si Lauren sa pang-aalipusta ng mga supporter ni DJ Loonyo.

Kinuwestiyon ng mga ito ang intelligence ng aktres.

May nagbanta at tinawag siyang "sablay."

Sa kumukuwestiyon sa kanyang talino, sinabi si Lauren na itinuturing niyang matalino ang sarili dahil responsable siya sa pagpapakalat ng impormasyon.

Aniya (published as is): “Ano nga ba ang sukat mo ng talino? There are difference way to be smart.

"I for one is snart in the sense that I am responsible with the information I release and take the time to actually research and understand things before giving my opinion.

"You wanna go? Lets go."

Continue reading below ↓

Kinutya rin ni Lauren ang mga nagbabanta sa kanya:

“WAAAH GONNA CRY MYSELF TO SLEEP IM SO SCARED OMG MY CAREER IS OVER OMG WHO AM I OH NOOOOO.”

Continue reading below ↓

DJ LOONYO’S REACTION TO RECENT BACKLASH

Marami rin ang nag-react at tumuligsa kay DJ Loonyo dahil sa mali-maling impormasyon na sinabi niya tungkol sa mass testing.

Hinimok siya ng netizens na mag-research o mag-Google muna bago magsalita tungkol sa isang paksa.

Lalo pa’t mahahaga ang mga tinatalakay niyang paksa ngayong may health crisis.

Nauna na ring humingi ng paumanhin si DJ Loonyo sa pinag-usapang opinyon niya tungkol sa mass testing.

Sa kanyang statement ay idiniin niyang nagri-research din sila.

Bahagi ng paliwanag niya: “Sa mga nagsabi po na mag-aral kami o mag-research, rest assured we have been doing that, kaya nga nandun kami sa punto na bukas ang isipan namin and we want to also be vigilant and see different sides of the picture para makabuo kami ng informed decision.

"Yes, we are definitely not experts, and we mentioned a lot of disclaimers during the live video, but we are exercising our right to ask questions, and share thoughts with those who agree or disagree."

Continue reading below ↓

Binanggit din ng dancer na alam niyang kahit papaano ay may “level of influence” siya sa netizens.

Sabi niya, “We do not mean to spread misinformation, but rather encourage you to form an open-mindedness para hindi po kayo mag-panic, para alam niyo bakit kayo dapat mag-mask, bakit dapat stay at home, at hindi para sumunod lang nang di naiintindihan ang reasons why or why not...

"Maaaring we will remain in disagreement on certain points, but that doesn't mean we cannot have a decent conversation."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Lauren Young reacts to DJ Loonyo's opinion about wearing face mask for too long. According to DJ Loonyo, "[S]ang-ayon ako dun na the more you wear the mask, na nakaganun parati... Kumbaga, parang ini-inhale mo yung sarili mong utot.”
PHOTO/S: @lo_young and @djloonyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results