Kobe Paras vows to help arrested anti-terrorism bill activists in Cebu

by Rommel R. Llanes
Jun 6, 2020
kobe paras clenched fist in basketball jersey
UP Fighting Maroons small forward Kobe Paras says he will help in raising funds for the bail of the seven activists who were arrested in yesterday's anti-terrorism bill rally in Cebu.
PHOTO/S: @_kokoparas on Instagram

Nangako ang basketball player na si Kobe Paras na tutulong sa mga naarestong indibiduwal sa isang protest rally sa Cebu kahapon, Biyernes, June 5.

Ayon sa report ng GMA News, pitong katao ang inaresto ng mga miyembro ng Cebu City police sa naganap na protest rally laban sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act of 2020 o House Bill 6875.

Naganap ang rally malapit sa UP Cebu campus.

Isa ang rally na ito sa ilang pagpoprotestang naganap laban sa anti-terrorism bill na inaprubahan na ng House of Representatives nung Huwebes, June 4.

Naghihintay na lamang ito ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap nang batas.

HELP FOR ISKO AND ISKAS

Sabi ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons small forward sa kanyang Twitter post kahapon:

"I saw the news in Cebu about my fellow isko and iskas. To all my people there who got arrested Thank you standing up for what is right.

Continue reading below ↓

"To all my isko and iskas in Cebu & everywhere else, stay strong, stay safe, and stand ten toes down.

"We will raise money to bail those affected!"

"Isko" at "iska" ang tawag sa mga mag-aaral ng UP na isang state university at pinatatakbo mula sa mga buwis ng mamamayan.

Nauna nang nagpahiwatig ng kanyang paninindigan laban sa Anti-Terrorism Bill si Kobe nang mag-post ito ng pagsang-ayon sa tweet ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach nung June 4, Huwebes.

Sabi ni Pia (published as is): "I'll be honest, I never really liked commenting about politics simply cos I felt like I didnt know enough to speak up... I also was never really a fan of tweeting (Im barely online here) but I realized that I need my voice back...and I need to use it."

Tweet ni Kobe rito: "Yes, @PiaWurtabach! My whole life I was told to be quiet & never speak up about things going on in this world because I'm just an athlete

Continue reading below ↓

"I am a human being

"God gave me legs to stand up for what is right God gave me a mouth to speak up for those whose voices couldn't be heard"

Kahapon ng umaga naman, mas direkta nang ipinahayag ni Kobe ang kanyang saloobin laban sa isinusulong ng mga mambabatas na anti-terrorism bill.

Post ni Kobe sa kanyang Instagram account: "I am a human being. I will stand up for what is right. I will NEVER shut up and just dribble.

"I will be there for my fellow brothers and sisters here in Manila, America, Hong Kong, and the rest of the world.

"Peace and love is what we need.

"But if there is no justice. There is no peace. #BLM [clenched fist emoji] #JunkTerrorBillNOW "

Continue reading below ↓

Ang #BLM ay ang pinaikling hashtag para sa kampanyang Black Lives Matter sa Estados Unidos.

Layunin ng kampanyang ito na palawigin ang pagpoprotesta sa pagkamatay ng black american na si George Floyd sa kamay ng apat na Minneapolis Police officers.

Ang #JunkTerrorBillNOW naman ang isa sa hashtag na gamit ng mga kumokondena sa pagtutulak ng pagsasabatas ng anti-terrorism bill.

Si Kobe ay anak ng Philippine Basketball Association (PBA) legend at aktor na si Benjie Paras sa dating aktres na si Jackie Forster.

Nakatatandang kapatid ni Kobe ang Kapuso actor na si Andre Paras.

Katulad ng ama nilang si Benjie, parehong pumasok sa pagba-basketball sina Kobe at Andre.

Si Andre ay nakapaglaro sa collegiate teams ng UP at San Beda College, habang si Kobe naman ay kasalukuyang naglalaro sa para sa UP.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
UP Fighting Maroons small forward Kobe Paras says he will help in raising funds for the bail of the seven activists who were arrested in yesterday's anti-terrorism bill rally in Cebu.
PHOTO/S: @_kokoparas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results