Pinky Amador caught on video yelling, cursing at hotel staff

by Arniel C. Serato
Jun 7, 2020
In a viral 6-minuter video, actress Pinky Amador hurls expletives to hotel staff after failing to furnish her a printed copy of the building's circular about repatriated Overseas Filipino Workers' (OFWs) stay at the hotel.
PHOTO/S: Courtesy: @pinkyamador on Instagram / Paolo Amador on Facebook

Trending ngayon sa social media ang lagpas limang-minutong video ng isang babaeng nagwawala sa isang opisina ng isang hotel.

Ayon sa description ng naglabasang video, ang babaeng nagwawala ay si Pinky Amador.

Si Pinky ay isang TV, film, at theater actress.

Kabilang sa mga teleseryeng nilabasan niya recently ay ang Sahaya (2019) ng GMA-7, Sana Dalawa Ang Puso ng ABS-CBN.

Sa video na in-upload ng isang netizen sa Facebook kahapon, June 5, makikita ang babaeng nakasuot ng white shirt, sunglasses, plastic gloves, at face mask.

Bagamat halos natatakpan ang mukha ng babae, kaboses ito ni Pinky.

Continue reading below ↓

THE CONFRONTATION

Makikita sa video na nagwawala sa galit si Pinky habang kinukumpronta ang kausap na babaeng staff ng opisina.

Sa takbo ng kanilang usapan, mahihinuhang nagagalit si Pinky dahil hindi pa rin ibinibigay ng babaeng staff ang hinihingi niyang dokumento.

Ang dokumentong hinihingi ni Pinky ay ang circular na nagsasabing tumatanggap ang hotel ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na Persons Under Monitoring (PUM).

Gusto niyang ipaskil ang nasabing dokumento sa elevator para malaman ng lahat ng residente roon ang nilalaman nito.

Ayon kay Pinky, nakasalamuha at tinulungan pa niya ang dalawang OFWs na pinatuloy sa hotel.

Ikinagagalit niya na-expose siya sa PUM at posibleng mahawa kung positibo ang mga ito sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health guidelines, ang PUM ay walang ipinapakitang sintomas ng novel coronavirus 2019 o COVID-19, ngunit may travel history sa lugar kunsaan may COVID-19 o nakahalubilo ang isang taong may COVID-19.

Ang OFWs na na-repatriate sa bansa ay idinidiretso ng gobyerno sa mga hotels, apartments, lodging houses, at iba pang facility para sa kanilang mandatory 14-day quarantine.

Continue reading below ↓

Sa unang bahagi ng video, maririnig si Pinky na nagmumura at nagsabing, "[You are] accepting OFWs here with no testing results. Sino? P--------mo!

"Gawin mo ngayon 'yan, hindi ako aalis dito!

P--------mo, pag ako nagkasakit, babayaran mo ba pang-ospital ko?

"Tagalan mo pa, p--------mo, kakaladkarin kita dito!"

Sagot ng babaeng staff, "Ma'am, wala po kayong karapatan, Ma'am."

Sa palitan nila ng usapan, mauulinigan sa pananalita ni Pinky na hinihingi niya ang printout ng email na ipinadala sa kanya.

May kasamang mura ang pasigaw na utos ng aktres sa staff.

Maririnig ang staff na sumagot ng, “Huwag niyo po akong mumurahin, Ma’am…”

Sagot ni Pinky, na pasigaw pa rin, “Mumurahin kita dahil buhay ko ang nakasalalay dito!

"Mga sinungaling kayo!"

Pag-utos pa niyang may diin, “You do it right now. You do it right now.

"I have been asking you.”

Dahil tila naiipit na ang hotel staff, sinabi niya sa kasamahan na tawagin na ang kanilang OIC o officer-in-charge.

Continue reading below ↓

Maya-maya pa, isang lalaking nakadamit na tila security ng hotel ang pumasok at mahinahong kinausap si Pinky.

HOT STORIES

THE DOCUMENT

Sa takbo ng kanilang usapan, tatlong linggo na raw hinihingi ni Pinky ang kopya ng email na ipinapa-print niya sa hotel staff.

Sabi naman ng lalaking kausap ni Pinky, tumawag na lamang daw sa administration ng hotel.

Sabi pa ng lalaki, “Relax lang muna kayo, Ma’am.”

Sagot ni Pinky, “Hindi ako magre-relax dahil ako ay na-expose, kayo hindi!”

Pakiusap ng lalaking staff, “Huwag na lang po kayo manira ng gamit, Ma’am.”

Tugon ng aktres, “Hindi ako naninira, p-------a, buhay ko, kaya niyong bayaran?

"Na-expose ako, di ba?”

Sabi pa nito, “Pa-relax-relax pa ‘to, sapakin kita, e.”

Baling muli ni Pinky sa pinapagalitang babaeng staff, “You, you print it out now. Print it out now!"

Sinabihan pa niya ang babaeng staff na “boba.”

Sinubukang mangatuwiran ng babaeng staff, pero pinigilan siya ni Pinky.

Continue reading below ↓

Sabi ng aktres, “Sandali, you let me speak! You piece of sh*t!

"What I am asking for is the circular that you emailed me, stating that you let the 59 OFWs inside here.

“You emailed that to me twice.

"And twice ako sumagot sa inyo, 'Isabit niyo sa elevator.'

"Yun ang usapan namin ni Architect...

"Ngayon, i-print mo na agad. Gawin mo na ngayon!"

Sinabi ng babaeng hotel staff na sandali lamang daw at ililipat lang niya.

Pero minura siya ulit ni Pinky at sinabihang, “Bobo ka talaga!”

Ang hinihingi raw kasi niya ay ang circular ng hotel, hindi ang DOH certification.

Pero sabi ng staff, ang certification ang isa sa mga na-email nila kay Pinky.

Giit ng aktres, circular ang hinihingi niya at hindi certification.

Sabi pa nito sa staff, “Nakakarindi na kayo, e. Mga p-------a niyo!

"Kung makasingil kayo ng bayad 'tapos… buhay namin ang nakasalalay diyan sa katangahan niyo.

Continue reading below ↓

“Alam niyo bang na-expose ako diyan sa dalawang PUM?

“May pruweba ako dahil meron akong p-------ang CCTV.

"O ngayon, ikaw ang dedemandahin ko diyan.

"P-------a niyo!”

Sa bandang dulo ng video, sinabi ng lalaking staff, “Pag-uusapan po namin.”

Tugon ni Pinky “Ay, p-------a! Alam mo, Kuya, marunong akong makipag-usap.

"Kaso, yung mga katulad na ’to, kayo, hindi na kayo nadadaan sa usap.

“Kailangan magalit ang tao sa inyo bago kayo gumalaw.”

Dito na natapos ang video.

Hindi malinaw kung sino ang kumuha ng video, at kung kailan at saan nakunan ang video.

[facebook:https://www.facebook.com/fred.erick.3304673/videos/292620568562867/

TRYING TO GET PINKY'S SIDE

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pinky Amador upang kumpirmahin kung siya nga ang babaeng nasa video at upang kunin ang kanyang pahayag tungkol sa insidente.

Kahapon, Sabado, June 6, nagpadala kami ng mensahe sa kanya sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

Nagpadala kami ng text message sa kanyang cellphone number, na nakuha namin mula sa kanyang management team, para sa kanyang paglilinaw.

Continue reading below ↓

At press time ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

Nagpadala rin ang PEP.ph ng mensahe sa uploader ng video sa Facebook na may pangalang "Paolo Amador" upang matanong ang iba pang detalye sa pangyayari.

Hindi pa rin siya tumutugon sa aming mensahe.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na manggagaling sa kanila, at maging sa pamunuan ng hotel kung saan nangyari ang insidente.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a viral 6-minuter video, actress Pinky Amador hurls expletives to hotel staff after failing to furnish her a printed copy of the building's circular about repatriated Overseas Filipino Workers' (OFWs) stay at the hotel.
PHOTO/S: Courtesy: @pinkyamador on Instagram / Paolo Amador on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results