JK Labajo taunts bashers over death hoax: “Suck it, haters.”

by Arniel C. Serato
Jun 6, 2020
JK Labajo mocks haters following his death hoax: "With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll.
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo on Instagram

Pinagtatawanan lamang ni JK Labajo ang mga bali-balitang namatay na raw siya.

Sa kanyang Instagram kahapon, June 5, nagbahagi ang 19-year-old singer-songwriter ng kanyang pahayag tungkol sa isyu.

Tila may halong pang-iinis pa sa kanyang haters ang post ng "Buwan" singer.

Sabi ni JK, “With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll.

“Suck it, haters.”

Makikita naman sa kalakip nitong larawan ang tila tarpaulin sa mga lamay.

Nakasulat dito: “IN LOVING MEMORY OF Juan Karlos “JK” Labajo”

Continue reading below ↓

Ang kaibahan nga lang, wala itong petsa ng kapanganakan at kamatayan na kaswal na nakikita sa mga lamayan.

Pahabol pa niya sa comments section, hindi pa raw panahon na iwan niya ang kanyang mga tagahanga.

Ani JK, “Love to my supporters. Di ko pa kayo iiwan.

"Marami pa tayong tataluning mga evil entities.

"Marami pa tayong pababagsaking mga sinungaling at walang puso.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

GIRLFRIEND MAUREEN WROBLEWITZ REACTS

Nag-react naman sa post na ito ni JK ang girlfriend niyang si Maureen Wroblewitz, 21.

Tanging dalawang “face with rolling eyes” emojis ang inilagay niya sa comments section.

Tugon niya sa nobya, “@mauwrob labyu beh uwi nako pag di ka na galit"

Sagot ni Maureen, “@karloslabajo okay hindi na ako galit”

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang buwan lamang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo mocks haters following his death hoax: "With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll.
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results