John Lloyd Cruz plans to spearhead youth programs in Cebu village

by Arniel C. Serato
Jun 6, 2020
John Lloyd Cruz spotted meeting local officials in Cebu. According to local daily The Freeman, John Lloyd seeks to jumpstart programs for the youth in Barangay San Nicolas in the city.
PHOTO/S: Courtesy: The Freeman / Caecent Magsumbol

Gusto ngayon ni John Lloyd Cruz, 36, na makatulong naman sa mga kabataan sa Cebu.

Sa Queen City of the South na ngayon naglalagi ang aktor dahil sa anak na si Elias Modesto, ang bunga ng dating pagmamahalan nila ng ex-partner na si Ellen Adarna.

Sa Facebook ng The Freeman, ang local daily sa Cebu City at sister publication ng The Philippine Star, ibinahagi nila kahapon, June 5 ang larawan ng aktor na nakikipag-meeting sa ilang barangay officials doon.

Ayon sa kanilang caption, “LOOK: Actor John Lloyd Cruz (with cap) meets with officials of Barangay San Nicolas in Cebu City Friday for possible programs for the youth in the barangay.

“In the meeting are Captain Clifford Jude Niñal and SK President Jessica Resch, among others.”

Continue reading below ↓

Sa Cebu na inabutan ng lockdown si John Lloyd nitong nagkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa at sa mundo.

Namataan din siya ng netizens noong nakaraang May 28 sa Barangay Guadalupe na kumukuha ng travel authority upang makabalik na sa Maynila.

Pero, mukhang nasa Cebu pa rin ngayon ang aktor dahil nakasama pa siya sa Facebook live video ni Kapitan Niñal ngayong araw ng Sabado, June 6.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CEBUANOS JOKE ABOUT JOHN LLOYD SEEKING LOCAL POST

Marami naman ang natuwa sa hakbang na ito ng Kapamilya actor, base na rin sa mga komento nila sa post ng The Freeman.

Maraming Cebuano ang naantig sa mga tulong na ipinaabot ni John Lloyd sa ilang mga barangay sa Cebu.

Kaya naman, biro tuloy ng ilan, sana raw tumakbo sa isang local elective position si John Lloyd sa susunod na election.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JOHN LLOYD DELIVERS VITAMINS TO ANOTHER BARANGAY

Noong nakaraang linggo lang din, tinupad ni John Lloyd ang pangako niyang magbigay ng mga vitamis sa Barangay Guadalupe sa Cebu City pa rin.

Ipinangako niya ito sa kaibigan niyang Barangay Captain ng lugar na si Michael Gacasan.

Sa nasabing barangay nakatira ang aktor.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz spotted meeting local officials in Cebu. According to local daily The Freeman, John Lloyd seeks to jumpstart programs for the youth in Barangay San Nicolas in the city.
PHOTO/S: Courtesy: The Freeman / Caecent Magsumbol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results