DJ Loonyo speaks up about being called "bobo, tanga" by netizens, celebrities

by Bernie V. Franco
Jun 8, 2020
dj loonyo close up
Dancer-choreographer DJ Loonyo has a message to celebrities who criticized his opinions about mass testing, face masks: "I just pray na sana hindi ito mangyari sa kanila, or hindi man mangyari sa kapatid nila…"
PHOTO/S: DJ Loonyo (Facebook and Instagram

Nagsalita si DJ Loonyo kasunod ng mga batikos sa kanya ng netizens at ng ilang celebrities dahil sa mali-maling pahayag niya tungkol sa kasalukuyang pandemic.

Muling umingay ang pangalan ni DJ Loonyo, Rhemuel Lunio sa totoong buhay, matapos kumalat ang video clips ng kanyang opinyon sa mass testing at pagsusuot ng face mask.

Pinuna siya maraming netizens at ng mga artistang kagaya nina Agod Isidro, Jerald Napoles, at Mark Bautista.

Ang aktres na si Lauren Young, diretsahang tinawag na “bobo” si DJ Loonyo.

Sa kanyang higit 25-minute Facebook Live nitong Linggo, June 7, dalawang isyu ang pinagtuunan ng pansin ni DJ Loonyo.

Una, ang paghingi ng paumanhin sa kanyang misinformation.

Pangalawa, ang pagtawag sa kanya ng “bobo” at “tanga” ng mga netizen at celebrities.

May mensahe rin siya sa mga artistang bumatikos sa kanya.

TRAUMATIC EXPERIENCE

Inako ng YouTuber ang kanyang pagkakamali, at nagpaliwanag kung bakit umabot siya sa pagbibigay ng misinformation.

Continue reading below ↓

Bungad ni DJ Loonyo, “All comments, all the bash, I understand… kung saan sila nanggaling, kung saan nanggagaling ang hate na yon.”

Patuloy niya, “Again, I apologize for what happened and I apologize for what I said.

“It’s a clear misinformation, it’s a clear… alam mo yun, nagkabuhol-buhol na train of thought.

“Hindi ako naging responsable how I shared those words, how I shared those thoughts and opinions.

"And I totally forgot that you’re an influencer and counted lahat ng pinagsasabi mo.

“Again, I really apologize for what happened, sobra.

"It was a learning experience for me."

DJ Loonyo facebook live

Continue reading below ↓

Naging traumatic daw sa kanya ang natanggap na batikos mula sa publiko, pero hindi raw siya nagtanim ng sama ng loob.

“And trust me, lahat na ng bash, lahat na ng comment, lahat na ng hate, man, never akong nag-isip ng masama, never akong nagtanim ng galit.

“I completely understand kung saan kayo nanggagaling.

“Even my friends in the industry, friends in the DJ industry, friends in the dance community, and some artists, I really understand kung saan kayo nanggagaling…

“Trust me, it’s hard, it’s traumatic, mapa-paralyze ka talaga.”

Napaisip daw ang choreographer kung ano ang mapupulot niya sa karanasang ito, kung saan nakaranas daw siya ng matinding cyberbullying.

Sa kasalukuyan ay nakabase si DJ Loonyo sa China, kung saan siya mayroon siyang pag-aaring dance studio.

DJ LOONYO ON BEING CALLED “BOBO” AND “TANGA”

Mahinahon pero may patama si DJ Loonyo sa mga taong tinawag siyang "bobo" at "tanga" dahil sa kanyang controversial opinion tungkol sa mass testing.

Continue reading below ↓

Saad niya, “You need to understand, okay, I respect the opinion coming from another people na bobo, tanga... I respect that.

“That’s your own opinion, that’s how you see things.

“But I’m happy and I’m blessed, and I’m grateful na hindi ako gano’n tinuruan ng nanay ko.

"Na, when someone makes a mistake, hindi ko sasabihan nang gano’n."

Giit ni DJ Loonyo, maling ehemplo para sa kabataan na tawaging "bobo" at "tanga" ang isa tao sa social media.

“Never na never kong sasabihan na bobo, never na never kong sasabihan na tanga on social media.”

“Why? 'Cause I pictured out, when my kids in the future will see what I post nung sa ganito kong… at present, kung makikita anong klaseng tatay, anong klaseng tao ang tatay ko, even my family makikita nila, ‘Anong klaseng tao si Rhems?’ Gets niyo?

“I believe hindi magiging proud yung anak, or yung magiging pamilya ko balang araw, if they see me posting, like, ‘Bobo naman nito,’ or ‘Tanga naman nito. Idol, pero tanga.’

Continue reading below ↓

“And I don’t want my kids to grow up with that kind of attitude and personality, or culture.”

Kung five years ago raw ito nangyari ay hindi niya alam kung paano ito makakaapekto sa kanya.

Buti na lang daw at mas alam na niya kung paano harapin ang ganitong hamon ngayon.

Diin niya, may magandang dahilan kung bakit niya naranasan ang ganitong pagsubok.

HOT STORIES

MESSAGE TO HIS CELEBRITY CRITICS

June 3, Miyerkules, nag-sorry at nagpaliwanag si DJ Loonyo nang kumalat ang video clip ng opinyon niya tungkol sa mass testing.

Sa kanyang paglilinaw, sinabi ng dancer-choreographer na ang pahayag niya ay hindi tungkol sa mass testing, kundi sa clinical testing.

Kinabukasan, June 4, ni-retweet ni Lauren Young ang video clip ni DJ Loonyo kung saan sinabi nitong nakakasama sa katawan ang matagal na pagsusuot ng mask.

Sa kanyang caption, tinawag ng aktres na “bobo” si DJ Loonyo dahil sa mga pahayag nitong walang basehan.

Continue reading below ↓

lauren young crown

Sa kanyang pinakahuling Facebook Live, pinasaringan ni DJ Loonyo ang lahat ng mga kumutya sa kanya, kabilang na ang mga artista.

Pahayag niya, “Hindi cool.

"Hindi natin ikinakaangat yun, hindi natin ikinakataas yun.

“I understand if you post something and then you will educate.

“But if to post something or comment and then say 'tanga' or 'bobo,' imagine [if] I will do that sa kapamilya mo, sa mother mo, or sa ‘yo, or sa kapatid mo, or sa kakilala mo…

Continue reading below ↓

"Trust me, hindi siya magiging masarap, hindi siya magiging cool.”

Naglitanya pa si DJ Loonyo na ganito raw bang klase ng ehemplo ang gusto nilang ipakita sa iba.

Pagpapatuloy niya, “Kung sino man ang nanonood ngayon, can you please contemplate, can you please ask yourself, ‘Is this what I want? Eto ba yung gusto kong ituro sa anak ko?’

“Everything will start in ourselves, everything will start with our whole family.

“And then the people, sa artists, sa celebrities who told me those kinds of stuff, I understand, naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling, I really understand…

“And then, I just hope and I just pray na sana hindi ito mangyari sa kanila, or hindi man mangyari sa kapatid nila…

“What you put in the universe will go back to you.”

Maling ehemplo raw sa mga kabataan ang panlalait ng kapwa sa social media.

“What we posted… kung ano yung pinagsasabi natin sa social media ngayon—like bobo, tanga, and everythingit will take effect sa mga younger generation.

Continue reading below ↓

“Nakikita nila yun, nakikita ng mga bata.

"When they see these things, it will implant the new normal in their head na okay, it’s cool na magsabi ng tanga sa kapwa, it’s cool magsabi ng bobo sa kapwa.”

Ayon kay DJ Loonyo, walang pinipiling edad ang cyberbullying ngayon.

DJ LOONYO CALLS FOR RESPONSIBLE USE OF PLATFORM

Pinasalamatan ni DJ Loonyo ang mga taong nag-message para ipaalam ang kanyang pagkakamali, sa halip na mag-status at laitin siya.

“I salute and respect those people na yung initial reaction nila was to message me.

"Yung initial reaction nila was to educate me, yung initial reaction nila was… the complete thought of caption, instead of putting fire of what they did, they used their voice to correct me, and to correct the misinformation, and para ma-stop yung nangyayari.”

Napagtanto raw ni DJ Loonyo na gagamitin niya ang kanyang platform para matigil ang cyberbullying.

Muli niyang inulit na mahalagang ituro sa mga kabataan na mali ang mam-bash sa social media.

Continue reading below ↓

“That’s not my mission in life, that’s not my purpose in life.

“My purpose in life is to spread love, and to spread happiness, to spread the right thing…”

Ipinagdasal daw niya ang kanyang haters at bashers.

“Napatunayan ko sa sarili ko na nag-grow ako, hindi ko pinili yung hate, hindi ko pinili yung ibang path.”

Malaking aral daw sa kanya “to be accountable, to be responsible of what you say.”

Sabi pa niya, “Right now, I’m using my voice.

“Trust me, bashing or hating, throwing a lot of hatful message will not give a lot of positive effect in this world.”

Sa huli ay pinasalamatan ni DJ Loonyo ang kanyang mga supporters nakikita raw ang magandang mensaheng nais niyang iparating, kagaya ng pagmamahal at pagiging positibo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dancer-choreographer DJ Loonyo has a message to celebrities who criticized his opinions about mass testing, face masks: "I just pray na sana hindi ito mangyari sa kanila, or hindi man mangyari sa kapatid nila…"
PHOTO/S: DJ Loonyo (Facebook and Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results