Jodi Sta. Maria, Iwa Moto bond again with children via TikTok

by Arniel C. Serato
Jun 8, 2020
Jodi Sta. Maria (left) and Iwa Moto (right) earn praises form netizens for being an inspiration to others after thier TikTok bonding last night, last June 7.
PHOTO/S: Courtesy: @jodistamaria / @iam_iwa on Instagram

Larawan ng isang masayang magkakaibigan at magkakapamilya ang bonding nina Jodi Sta. Maria, 37, at Iwa Moto, 31, kahapon, June 7.

Kasama ni Jodi ang anak na si Thirdy.

Kasama naman ni Iwa ang anak na si Mimi.

Sina Thirdy at Mimi ay magkapatid sa ama.

Ang kanilang ama ay si Pampi Lacson, na dating asawa ni Jodi at kasalukuyang partner ni Iwa.

Sa Instagram, ibinahagi ni Iwa ang dalawang TikTok videos ng kanilang bonding ni Jodi at ng kani-kanilang mga anak.

Caption ni Iwa sa una niyang post: “Bonding.”

Continue reading below ↓

Nagkomento rito si Jodi.

Sabi ng Kapamilya actress: “ayun na pala.”

Hinangaan naman ng netizens ang closeness ng dalawa kahit may pinagdaanan silang away noon.

Sabi ng isang nagkomento sa unang post ni Iwa: “Super mature ng mga taong To.. Napaka sarap sa Mata panoorin. God bless Your Family.”

Continue reading below ↓

Papuri ng isa pa: “Ms. Iwa and Ms.Jodi sobrang inspiring ng relationship ninyo... sobrang mahal ninyo mga anak ninyo..”

Sinaluduhan naman ang dalawa ng isa pang netizen: “Rare kind of love. salute both moms. Love is greater talaga.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“EPIC ITO MADAM”

Sa isa pang TikTok video, hindi na sumama si Thirdy.

Sabi ni Iwa sa caption: “All girls naman”

Komento naman dito ni Jodi: “epic ito madam. next naman yung tiktok kasama ng panganay natin:)”

Continue reading below ↓

Sagot ni Iwa, “@jodistamaria sa susunod na bonding natin mas mahirap na tiktok nman daw. thank you ulit for last night. Free food and drinks. May videoke at pa mass testing ka pa!!! Haha”

Dagdag pa niyang biro, “@jodistamaria amor ngayon ko lang napansin. #teamkomang pala tayo ni mimi.”

Pinusuan din ito nina Sugar Mercado at Carla Abellana.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NETIZENS ADMIRE JODI AND IWA

Puro papuri at paghanga pa rin ang komento ng netizens sa pangalawang video na ito ni Iwa.

Ayon sa isa, kahanga-hanga ang maturity ng dalawa.

Continue reading below ↓

Ang iba sa kanila ay puro heart emojis lamang ang ikinomento na nagpapatunay sa kanilang kagalakan sa magandang samahan ng dalawang babaeng na-involve sa parehong lalaki.

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-bonding sina Jodi at Iwa kasama ang kani-kanilang mga anak.

May pagkakataon ding kasama nila si Pampi.

Ito ay sa kabila na nagkaroon ng matinding sigalot noon sa pagitan nina Jodi at Iwa.

Pero naging maayos ang kanilang samahan sa pag-inog ng panahon.

Naging malapit si Iwa kay Thirdy, na ngayon ay itinuturing nila ni Jodi na "kanilang panganay."

Continue reading below ↓

Samantala, nananatiling single si Jodi matapos ang relasyon nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria (left) and Iwa Moto (right) earn praises form netizens for being an inspiration to others after thier TikTok bonding last night, last June 7.
PHOTO/S: Courtesy: @jodistamaria / @iam_iwa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results