ABS-CBN News head Ging Reyes asked to investigate DZMM anchor

by Arniel C. Serato
Jun 8, 2020
ABS-CBN News head Ging Reyes (in photo) politely replies to a netizen asking her to investigate DZMM anchor and reporter Tina Marasigan. The news executive also reiterates that they will continue to deliver the news through other platforms now that the network is still off-the-air.
PHOTO/S: Courtesy: @gingreyes on Instagram

Magalang na sinagot ng ABS-CBN News and Current Affairs head na si Ging Reyes ang komento ng isang Instagram user.

Sa post ni Ging noong June 5, ang unang monthsary ng pagsasara ng ABS-CBN, sinabi niyang kahit wala na ang network sa free-to-air broadcast, tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo ng News department ng Kapamilya network.

Saad niya sa caption: “At exactly 7:52 pm on May 5, 2020, our free TV and radio stations went off the air, on the orders of the NTC.

“Since then, we’ve been narrowcasting and streaming our shows on alternative platforms.

“To those who stand with us and continue to support us, we are forever grateful!

“The News continues. We will remain vigilant, we will stay the course. #defendpressfreedom #ibalikangabscbn

Sinamahan niya ito ng quote card na “ISANG BUWAN NA. SALAMAT SA PATULOY NA SUPORTA, Kapamilya. 7:52 p.m. 05.05.2020.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“WHAT IS YOUR COMPLAINT?”

Marami ang nagpahayag ng suporta sa post na ito ni Ging.

Continue reading below ↓

Ngunit kapansin-pansin na may isang nagkomento na gustong paimbestigahan ang DZMM anchor at Umagang Kay Ganda co-host na si Tina Marasigan.

Ayon sa Instagram user, na may handlename na @herlenehipon, ang mga tulad daw ni Tina ang "lalong nagpapabagsak" sa ABS-CBN.

At sa halip daw na "dumami kakampi" ng network ay lalo raw pinapatunayang "deserve nyo ang pagpapasara."

Tumugon dito si Ging.

Saad ng ABS-CBN News head: “@herlenehipon what is your complaint? You may send it to me”

Continue reading below ↓

Hindi na tumugon si "herlenehipon" kay Ging kung ano ang kanyang reklamo kaya hindi malinaw kung ano ang pinaghuhugutan ng komento nito.

HOT STORIES

POSER ACCOUNT

Sa pagbisita ng PEP.ph sa Instagram account na "herlenehipon," mayroon itong 12 posts, 3,991 followers, at 50 following.

Napag-alaman namin sa isang kasamahan ni Herlene Budol, aka Hipon Girl, na poser account ito ng Wowowin co-host.

Continue reading below ↓

Ang totoong Instagram account ni Hipon Girl ay "herlene_budol," na may 190 posts, 69.1K followers, at 620 following.

Maaaring troll lamang ito na may galit sa ABS-CBN.

Humingi na kami ng kanyang pahayag ukol sa kanyang poser na diretsong nakipag-usap sa pinuno ng ABS-CBN News tungkol sa kanyang reklamo.

Nakipag-ugnayan na rin kami kay Tina sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ngayong araw upang makahingi ng pahayag.

Continue reading below ↓

Pero hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN News head Ging Reyes (in photo) politely replies to a netizen asking her to investigate DZMM anchor and reporter Tina Marasigan. The news executive also reiterates that they will continue to deliver the news through other platforms now that the network is still off-the-air.
PHOTO/S: Courtesy: @gingreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results