Julia Clarete reiterates reason for leaving showbiz in 2015

by Bernie V. Franco
Jun 8, 2020
julia clarete smile
Julia Clarete: "I wanted to try something that was good, something new, something good… what it’s like to live in another country as a different person.”
PHOTO/S: Julia Clarete via Facebook

Iginiit ni Julia Clarete, 40, na ang tanging dahilan kung bakit tinalikuran niya ang showbiz ay ang pamamalagi niya sa ibang bansa.

Taong 2015 nang biglang nagpaalam si Julia sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! matapos ang isang dekada bilang co-host.

Nakulayan ng isyu ang pag-alis niya.

Diumano, nabuntis siya.

Inakusahan din siyang third party sa paghihiwalay noon ni Ciara Sotto at dating asawa nitong si Joe Oconer.

Pero lahat ng ito ay pinabulaanan ni Julia sa isang Facebook Live noong 2016.

Sinabi ng actress-TV host na umalis siya sa Eat Bulaga! dahil maninirahan siya sa Malaysia kasama ang kanyang pamilya.

WHY JULIA LEFT SHOWBIZ

Sa interview niya sa ABS-CBN online talk show na I Feel U noong June 7, Linggo, muling inilahad ni Julia ang tungkol sa kanyang pag-alis sa showbiz.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Julia kasama ang kanyang asawang si Gareth McGeowan at ang 13-year-old son niyang si Sebastian.

Continue reading below ↓

Si Sebastian ay anak ng aktres sa dating karelasyong si Stephen Uy.

Dalawang taon na raw silang nasa bansa, at naninirahan sa Makati City.

Pero bago bumalik sa Pilipinas, three years silang namalagi sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“When I moved there, we got married,” sabi ng aktres.

Ikinasal sila noong 2017 pagkatapos ng anim na taong relasyon.

Ang asawa ni Julia ay isang Irish at executive sa isang multinational company na may branches sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Burma, Malaysia, at Pilipinas.

Sa Pilipinas daw sila nagkakilala nang madestino rito si Gareth.

“Before siya mag-work sa Malaysia, [sa] Burma siya… ‘tapos Philippines.

“So we met in the Philippines when I was here pa. He was working here.

"2015 ako umalis ng showbusiness for Malaysia, and then 2017, we got married.”

julia clarete husband

Continue reading below ↓

Iyon lamang daw ang dahilan kung kaya’t iniwan niya ang showbiz.

Pero kung hindi raw siya umalis ng Pilipinas, marahil ay hindi niya ito tuluyang iniwan.

“The premise of me turning my back on showbusiness was because I was leaving for another country.

"So, yun yung premise nun.

“But if I was gonna be based here, siyempre walang complete talikod.

“But because nga I was gonna live in a different country, I had to try something else naman,” paliwanag ni Julia.

THE HARD DECISION

Sa ABS-CBN nagsimula ang showbiz career ni Julia noong 1995.

Noong 2005 ay lumipat siya sa bakuran ng GMA-7.

Lumalabas na 20 years siya sa industriya bago niya ito iniwan noong 2015.

Kaya naman hindi raw naging madali para sa kanya na iwan ang showbiz.

“Siguro the first thing I did was constantly pray.

"Kasi, by then, you get sense… you really have peace of mind, and you really ask for guidance from God kung ano ba talaga ang gusto Niya for you.

Continue reading below ↓

“Also, with that kasi came na, parang, I wanted to try something that was good, something new, something good… what it’s like to live in another country as a different person.”

Bagamat may mga hamon nang iwan ang showbiz, masaya raw ang magkaroon ng bagong buhay at matutukan ang kanyang asawa, lalo na ang anak niya.

“It was fun. There were a lot of challenges.

"Pero it was really fun. Kasi, when I had Seb, I was the working mom."

Isinilang ni Julia ang kanyang anak noong May 2007.

Nang lumipat daw sila sa Malaysia, laking tuwa ng kanyang anak dahil mas nagkasama raw sila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Clarete: "I wanted to try something that was good, something new, something good… what it’s like to live in another country as a different person.”
PHOTO/S: Julia Clarete via Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results