Andi Eigenmann spotted riding a motorcycle while holding a big-size balde

by Arniel C. Serato
Jun 8, 2020
Andi Eigenmann on her viral photo holding a big balde while riding a motorcycle with partner Philmar Alipayo: "When I want to buy things, I have to hold it. And pray I don’t drop it cus patay tayo kay @chepoxz.”
PHOTO/S: Courtesy: Contessa Aubrea Paraico – Carnaje on Facebook

Trending ngayon sa Facebook ang larawan ng aktres na si Andi Eigenmann na kuha sa Siargao.

Agaw-pansin kasi ang malaking baldeng hawak niya habang naka-back ride sa motorsiklong minamaneho ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Sa post ng netizen na si Contessa Aubrea Paraico–Carnaje, labis daw siyang humanga sa pagiging simple ni Andi kahit isa itong artista.

“Gorg and classy” ang kanyang pagkakalarawan sa 29-year-old actress kahit may hawak-hawak itong malaking balde.

Sabi ng uoploader sa caption: “Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya.

“Still gorg and classy bisan indi magporma! “SimpleLife #IslandGirl.”

Continue reading below ↓

Lunes ng gabi, June 7, ipinost ang larawan ni Andi.

Pero ngayong Lunes, June 8, ay mayroon na itong 73K likes, 65 comments, at 43K shares.

Marami sa mga nagkomento ay nagpahayag din ng kanilang paghanga sa aktres.

HOT STORIES

ANDI REACTS

Nakarating naman ang viral photo kay Andi mismo dahil may nag-tag sa kanya sa Instagram Stories.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ng aktres ang screenshot nito sa kanyang IG Stories ngayong araw.

Natatawang sabi ni Andi sa caption: “When I want to buy things, I have to hold it.

“And pray I don’t drop it cus patay tayo kay @chepoxz.”

@chepoxz ang gamit na user name ni Philmar sa Instagram.

Continue reading below ↓

Taong 2018 naging magkarelasyon sina Philmar at Andi.

Simula noon ay sa Siargao na nanirahan si Andi.

May ipinapagawa na silang bahay sa isa sa pinakamagandang surfing destinations ng bansa.

Mayroon silang isang anak, si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o Lilo.

Si Lilo ang pangalawang anak ni Andi.

Ang kanyang panganay ay si Ellie, na anak niya sa dating karelasyong si Jake Ejercito.

Si Philmar, na isang professional surfer, ay may dalawa namang anak na lalaki mula sa dati ring karelasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann on her viral photo holding a big balde while riding a motorcycle with partner Philmar Alipayo: "When I want to buy things, I have to hold it. And pray I don’t drop it cus patay tayo kay @chepoxz.”
PHOTO/S: Courtesy: Contessa Aubrea Paraico – Carnaje on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results