Ynna Asistio in tears as she breaks free from "past mistakes"

by Rachelle Siazon
Jun 9, 2020
Actress Ynna Asistio is emotional as she narrates how she chose to rise above her inner struggles, lack of work, and a family problem. Her prayer prior to her breakthrough: "Lord, change me... Pagod na ako maging sinungaling. Pagod na ako sa sins ko. Pagod na ako sa buhay ko."
PHOTO/S: @asistioynna Instagram

"It only took 10 days for God to change my heart. To make me realize my mistakes. To make me realize what I was doing wrong."

Ito ang emosyonal na pahayag ni Ynna Asistio sa kanyang testimonial sa pinagdaanang pagsubok nitong quarantine period.

Habang nakapirmi sa bahay, nagdesisyon daw siyang mas palalimin ang kanyang pananalig sa Diyos.

Mayroon daw siyang personal issues na nagpapabigat ng kanyang kalooban.

Lahad ni Ynna: "Kasi nasanay ako na kaya ko yung sarili ko. I can live my life.

"Kaya ko ayusin lahat ng problema ko mag-isa.

"I can get away with everything that I was doing, pero mali pala ako.

"Kasi Siya lang pala makakaayos sa akin. Sa Kanya ko lang mahahanap yung peace.

"Sa Kanya ko lang nakita lahat ng mali ko, na sobrang in denial ako for so long.

"Naging numb na yung puso ko. And ngayon, I can feel again."

Ibinahagi ito ni Ynna sa pamamagitan ng higit eight-minute-video niya sa Instagram noong June 1.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

FAMILY PROBLEM, INNER STRUGGLES, LACK OF WORK

Noong May 21, nag-umpisa siyang magkaroon ng daily devotional.

Nagbabasa siya ng Bible at mayroon siyang mentor na gumagabay sa kanyang spiritual journey.

Pero sa sumunod na limang araw, na-distract daw si Ynna dahil sa problemang hinarap ng kanilang pamilya.

Si Ynna, 28, ay anak ni Nadia Montenegro at ni yumaong dating Caloocan Mayor Macario "Boy" Asistio Jr.

May pitong kapatid si Ynna.

"May 22 to 26, sobrang gulo ng bahay namin. Nabulabog yung mundo namin, ng buong pamilya.

"Hindi ko na isi-share yun. Pero dahil dun, isang araw pa lang ng devo ko, na-offtrack na kagad ako ng five days."

Noong May 27, nagsimula raw ulit si Ynna na magbasa ng Bible at magsulat ng kanyang reflection.

Sa puntong ito, hindi napigilan ni Ynna na mangilid ang luha habang inilahad ang pagpapakumbaba sa kanyang mga panalangin.

Nasa punto raw kasi siya ng buhay na kailangang magdesisyon sa isang bagay na akala ni Ynna ay hindi niya magagawa.

Continue reading below ↓

"I had no options left. Kasi nagawa ko na lahat para maayos.

"And I was super vulnerable that night. I ended up doing my devotion again.

"But this time, my prayer was: 'Lord, change me. Change my ways, change my life.

"'Pagod na ako maging sinungaling. Pagod na ako sa sins ko. Pagod na ako sa secret sins ko. Pagod na ako sa buhay ko.

"'I surrender everything to you. Ikaw na bahala. And please, Lord, I know you can hear me.'"

Nang sumunod na apat na araw ay emosyonal pa rin daw si Ynna.

Hiniling daw niya sa mga malalapit na tao sa kanya na ipagdasal na makayanan niya ang hirap ng kanyang kalooban.

"I admitted to other people for the first time that I'm tired. I'm literally tired of my life," naluluhang saad ni Ynna.

Bagamat "19 years" daw siyang aktibo bilang "worship leader" sa kanilang simbahan, aminado si Ynna na marami pa rin siyang pagkukulang.

Continue reading below ↓

Nais daw niyang makawala sa kanyang "past mistakes" at magkaroon ng "peace" of mind and heart.

Ito ay sa kabila ng iniinda rin niyang kawalan ng regular na trabaho ngayon.

Dasal daw niya, "This time His ways naman. Kasi none of my ways worked out.

"And I also believed that he will provide for me ngayon.

"Wala akong trabaho, wala akong pagkukunan ng income, wala ako kahit ano."

"I AM CHANGED."

June 1 nang sa wakas ay dumating ang "breakthrough" para kay Ynna.

Sabi ni Ynna, na naluluha sa sobrang mixed emotions, "I am free of bondage. I broke the chain. I broke the curse.

"I am ready to live a meaningful and truthful life. I am changed."

Nagpasalamat daw si Ynna sa kanyang pamilya na tanggap siya sa kabila ng mga pagkakamali niya noon.

"Nagising ako, sabi ko, 'Gusto ko na magbago para sa sarili ko at para sa mga taong nagmamahal sa akin nang buong-buo.

Continue reading below ↓

"I just want to thank my family for loving me and accepting me in spite of everything I've done.

"I know how bad it affected everyone for so many years. But it's over."

Sabi pa ni Ynna, marami ang nagsilbing instrumento para mas makilala niya ang sarili at mas lumalim ang kanyang pananalig sa Diyos.

"I also want to thank God for using other people for me to reach this point.

"For making me realize that I do have to change. I have to love myself more. I have to think of myself this time.

"Para maayos ko at mahalin ko ang mga tao sa paligid ko nang buong-buo."

Dagdag niya, "I am ready for God na gamitin ako. And this time, ako naman."

Continue reading below ↓

INSPIRING OTHER PEOPLE

Matapos niyang ibahagi ang kanyang personal journey, marami sa mga kakilala ni Ynna ang nag-alala kung ano ang pinagdaanan niyang problema.

Pero noong June 5, siniguro ni Ynna na nais lang niyang ibahagi "how God is moving in my life every single day."

Paniniguro niya, "I'm at happiest and I have never been so peaceful."

Umaasa rin siyang marami pang katulad niya ang makilala ang "better version" ng sarili nila ngayong quarantine.

"God created heaven and earth in six days. Who's to say he can't change your life in one day?"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ynna Asistio is emotional as she narrates how she chose to rise above her inner struggles, lack of work, and a family problem. Her prayer prior to her breakthrough: "Lord, change me... Pagod na ako maging sinungaling. Pagod na ako sa sins ko. Pagod na ako sa buhay ko."
PHOTO/S: @asistioynna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results