Maja Salvador, Kris Bernal show support for Kim Chiu amid non-stop bashing

by Arniel C. Serato
Jun 9, 2020
Maja Salvador (right) and Kris Bernal (left) laud Kim Chiu's (center) bravery in facing trolls and bashers after viral "classroom analogy."
PHOTO/S: Courtesy: @iammajasalvador / @chinitaprincess / @krisbernal on Instagram

Nagpaabot ng suporta kay Kim Chiu ang kapwa Kapamilya star na si Maja Salvador at ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Sa Instagram post ng kapatid ni Kim na si Lakam Chiu kahapon, June 8, ipinadama nina Maja at Kris ang kanilang paghanga sa pagiging matapang ni Kim sa pagharap sa bashers.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang mga bashers sa kakalait kay Kim dahil sa kanyang “classroom analogy,” hanggang sa kanyang hit Bawal Lumabas” song, na may kaugnayan sa ABS-CBN shutdown.

Dahil sa hindi pagpapatinag ni Kim, marami ang humanga sa kanyang ipinakitang katapangan.

Kahit below the belt na ang ibang mga banat sa kanya, hindi ipinapakita at ipinaparamdam ng 30-year-old actress sa publiko na pinanghihinaan siya.

Kabilang sa nagpahayag ng suporta sa kanya ang ilang celebrities, tulad nina Maja at Kris.

Isang virtual hug ang ipinarating ni Maja, 31, para kay Kim.

Continue reading below ↓

Kahit nasa kalabang istasyon naman, hindi rin ito naging hadlang kay Kris na sumaludo sa pagiging matapang ni Kim.

Mensahe ng 31-year-old Kapuso actress, “Always, inspiring! That’s the spirit, Kimmy! @chinitaprincess @kamchiu

HOT STORIES

KIM IS ALSO A HUMAN BEING

Sa post ni Lakam ay pinapurihan niya ang kapatid na si Kim.

Continue reading below ↓

Kahit sa tingin ng marami ay matatag si Kim at hindi apektado sa mga mga nangyayari, tao lamang daw ang kapatid at "may pakiramdam."

Saad pa ni Lakam, “She wants to show you she is happy, strong, positive, which she is, but behind that I know there are things that She doesn't want to show us.. she is trying to understand everything.

“She wants you to see her as a strong, brave woman standing up, taas noo, rising up from all the bullies.

“Because she knows wala siyang ginawang masama.”

HOT STORIES

“MY SISTER IS A SUPERWOMAN”

Noong June 5, 2020—eksaktong isang buwan matapos ipasara ang ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC)—nag-upload ang Wish 107.5 FM sa YouTube ng live performance ni Kim ng “Bawal Lumabas” sa kanilang Wish Bus.

Ayon kay Lakam, isang matapang na hakbang ito para kay Kim upang malabanan ang takot sa kanyang puso dahil sa trolling.

Continue reading below ↓

“Singing inside the wish bus is like facing a big fear for her, diko alam kung ready siya, kasi dyan nagsimula ang pinakalat na video to bash her honest mistake.

“Parang ako natatakot sa kanya, but she said 'okay lang. Go lang tayo.'

“She is so brave!

"Sang the song inside the wish bus, face the people who will put her down again once the video will be out, and sang the song live for the first time, which took her hours long to record because of the lyrics that hit her when she sings it.

“When I look at her. Hindi ko alam paano niya nagagawa lahat to.

“Saan siya nakakuha ng lakas harapin lahat na parang walang nangyari.”

Pero wala raw nakikitang pagbabago si Lakam kay Kim.

Tawag pa nga niya sa kapatid: “superwoman.”

Saad ni Lakam, “Still the same KIM. Jolly, bubbly, and palatawa.

“Minsan naiiyak pero natatawa nalang din siya.

Continue reading below ↓

“All I can say is.., my sister is a superwoman.

“Throw stones at her; she will throwback kindness."

BLESSINGS CONTINUE TO COME

Kahit gusto na raw ni Lakam makipagsagutan sa social media para sa kapatid, pinipigilan daw siya ni Kim dahil sa likas na kabaitan ng puso nito.

Saad ni Lakam, "“May mga gusto na akong sagutin pero sinasabi niya 'wag na, hayaan na natin sila.'

“I know she is holding on to her faith kaya siya ganyan ka tibay! we are proud of you kim. We love you.

“Congratulations sa big hit nato. As of this time I am typing 4.9 million views na ang wish bus video!!!

“Plus SOLD OUT na rin ang #bawallumabasmerch today! Marami pa ang matutulungan ng proceeds ng merch!

“We love you! Keep smiling! Keep shining! #WeGotChiu @chinitaprincess

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador (right) and Kris Bernal (left) laud Kim Chiu's (center) bravery in facing trolls and bashers after viral "classroom analogy."
PHOTO/S: Courtesy: @iammajasalvador / @chinitaprincess / @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results