Ex-beauty queen Janina San Miguel exposes indecent practices during her reign: "Three million for a one-night stand."

by Bernie V. Franco
Jun 9, 2020
janina san miguel then and now
janina san miguel before and after
Janina San Miguel won Binibining Pilipinas-World in 2008. But she says, “To tell you honestly, I’m really not happy during that time.”
PHOTO/S: YouTube (CNA Insider)

Isiniwalat ng former beauty queen na si Janina San Miguel ang diumano’y maruming kalakaran sa beauty pageantry.

Nakaranas umano siya ng sexual harassment at indecent proposals bilang title-holder.

Hindi rin daw niya nagustuhan noon ang istriktong patakaran ng organizers.

Isiniwalat ito ni Janina sa Undercover Asia, isang investigative series na umeere sa Channel NewsAsia (CNA), English-language news channel na naka-base sa Singapore.

Ang episode na pinamagatang “The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants” ay in-upload sa YouTube noong May 2, 2020.

Si Janina ay sumali sa Binibining Pilipinas noong 2008. Seventeen years old lang siya noon.

Napanalunan niya ang isa sa tatlong major titles, ang Bb. Pilipinas-World.

Ang dalawa pang naging title-holders ay sina Jennifer Barrientos (Bb. Pilipinas-Universe) at Patricia Fernandez (BB. Pilipinas-International).

Tumatak si Janina sa madla dahil sa kanyang sagot sa question-and-answer portion, na hanggang ngayon ay viral pa rin sa social media.

Bahagi ng kanyang pahayag na pinag-usapan noon: “No, I don’t feel any pressure right now.”

Continue reading below ↓

RELATED STORY

janina san miguel crowning

JANINA ON “RUTHLESS” RULES

Tinalakay ng Undercover Asia ang maruming kalakaran sa industriya ng beauty pageants—mapa-babae o lalaki.

Isa si Janina sa nagbahagi ng kanyang masamang karanasan.

Sa panayam kay Janina, malinaw ang kanyang mensahe: nagsisisi siya sa pagsali sa Binibining Pilipinas.

“Kung pagbibigyan ulit ako, sana hindi na lang ako nag-join ng pageant,” pag-amin ni Janina, na ngayon ay 29 anyos.

Continue reading below ↓

Hindi raw handa si Janina sa mga sumunod na mga pangyayari matapos manalo ng korona.

Una na rito ang ubod na istriktong pamamalakad ng organization sa winners.

Ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang organization na may hawak ng local franchise ng major international pageants gaya ng Miss Universe, Miss World, at Miss International.

Pero noong December 2019, inanunsiyo ng BPCI na wala na sa kanila ang franchise ng Miss Universe, pagkatapos ng 50 years.

Taong 2011 naman nang mawala ang franchise ng Miss World sa BPCI.

Sa report ng Undercover Asia, ginamit ang salitang “ruthless” para tukuyin ang mga patakaran ng BPCI sa kanilang title-holders.

Matapos manalo, sisimulan na ang rigid training para sa pagsabak nila sa international pageants.

Nasaksihan ito ni Janina.

“Nandun nga ako sa loob ng Araneta, yun nga yung pinapanood ko, yung ano, yung mga pageants to get some ideas kung paano nanalo yung iba, yung former beauty queens during that time,” pagkumpirma ng former beauty queen.

Continue reading below ↓

Tinanggal daw ang mga distraction sa kanila kagaya ng pagkakaroon ng mobile phone o makita ang kanilang pamilya.

Lahad ni Janina, “Wala nga akong phone, wala ding computer.

“There’s a point in time na nandun na yung brother ko, tsaka yung daddy ko sa labas.

“Pero sabi nung guard, ‘Since wala kayong appointment, umuwi na lang kayo.’

“Accidentally na narinig ko yung lolo ko nga nasa hospital na.

"And balak pa nila, ayaw nilang sabihin sa akin na yung lolo ko, mamamatay na, because I’m in the middle of training.

“So, ayaw nilang parang ma-distract ako.”

HOT STORIES

JANINA EXPOSES ALLEGED INDECENT PRACTICES IN INDUSTRY

Kasama sa prize package ng title-holders ang pagkakaroon ng endorsements, pero sa likod daw nito ay ang maruming kalakaran tulad ng indecent proposals.

Pagsisiwalat ni Janina, “Tapos nung nandun na kami, sinabi na three million [pesos] for a one-night stand.”

Mas malaking pera raw ang offer kapag pumayag sa long-term condition ang title-holder o beauty queen.

Continue reading below ↓

“Yung 25 million, ano yun, gagawin ka niya parang girlfriend, bibigyan ka niya ng car, condo, resort, lahat…

“Ayun na nga, maduming kalarakan nila.

“Andami talagang gustong maging girlfriend or wife ang isang beauty queen.”

Hindi naman tinukoy ni Janina kung sino ang mga kliyente na nagbibigay ng offers.

Gayunpaman, hindi na bago ang isyu ng indecent proposals, sexual favors, o sexual harassment sa beauty pageants.

JANINA CHOSE A NORMAL LIFE

Nagbitiw si Janine bilang Bb. Pilipinas-World noong September 2008, tatlong buwan bago ganapin ang Miss World 2008 pageant sa South Africa.

Personal ang rason niya noon, partikular ang pagpanaw ng kanyang lolo.

Pero nagkaroon ng iba't ibang usap-usapan tungkol sa tunay na dahilan ng pagbibitiw ni Janina.

Ipinalit sa kanya si Danielle Castaño, ang first runner-up sa batch nina Janina.

Si Danielle ang sumabak sa Miss World 2008 pageant.

Nang isuko ang korona, namuhay nang normal si Janina.

“Nakuha ko na yung… which is experiences, and rather than that, wala na.

Continue reading below ↓

“To tell you honestly, I’m really not happy during that time.”

janina san miguel swimsuit

Kahit daw sa kanyang resume, tinanggal niya ang kanyang pagiging pageant title-holder dahil baka raw makasama pa ito sa kanyang aplikasyon.

“Gusto kong magkaroon ng normal na work, in-insert ko dun sa mga experiences ko yung pagiging title-holder…

Continue reading below ↓

“So, sabi ng tita ko, ‘Alisin mo ‘yan sa resume mo, iba pang iisipin sa iyo ng mga tao.”

Kasal na siya ngayon sa isang Indian national, at nagtatrabaho bilang call-center agent sa isang multinational company.

Malayo na sa pagiging beauty queen ang buhay ngayon ni Janina at tutok sa kanyang trabaho at pamilya.

Diin ni Janina, “Much important yung family ko rather than yung wealth and fame.

“Parang ang gulo-gulo showbusiness, ang daming indecent proposal din.”

NETIZENS SLAM MALPRACTICE IN THE INDUSTRY

Maraming netizens ang humanga sa lakas daw ng loob ni Janina na isiwalat ang kanyang nalalaman.

Ang iba, hindi na nagulat sa kanyang rebelasyon.

Ang iba naman ay kinokondena ang pag-o-objectify sa mga babae pagdating sa beauty pageantry.

Narito ang ilan sa mga komento sa rebelasyon ni Janina:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, ngayong Martes, June 9, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa BPCI hinggil sa mga alegasyon ni Janina.

Nabanggit sa amin ng BPCI Public Relations na aware sila sa mga lumabas na pahayag ni Janina sa documentary.

Maglalabas daw sila ng statement, pero hindi pa nila masabi kung kailan at anong oras nila ito ilalabas.

Kaagad namin ilalabas ang official statement ng BPCI oras na ipadala nila ito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga tao o organisasyong dawit sa isyu.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janina San Miguel won Binibining Pilipinas-World in 2008. But she says, “To tell you honestly, I’m really not happy during that time.”
PHOTO/S: YouTube (CNA Insider)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results