Senator Ping Lacson questions Catriona Gray's opposition to Anti-Terrorism Bill

by Arniel C. Serato
Jun 9, 2020
Senator Ping Lacson on Miss Universe 2018 Catriona Gray: "E, kumokontra rin siya, pero yung batas sa Australia mas matindi sa batas natin. Kinopya natin, hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia, pinapatulong namin dito.”
PHOTO/S: Courtesy: Ping Lacson on Facebook / @catriona_gray on Instagram

Inalmahan ni Senator Ping Lacson ang pagkontra ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Anti-Terrorism Bill of 2020.

Si Lacson ang isa sa principal authors ng Senate Bill 1083 o kilala rin sa tawag na "The Law On The Prevention Of Terrorist Acts of 2020."

Kabilang naman si Catriona sa maraming personalidad na nanawagang ibasura ng dalawang sangay ng Lehislatura ang anti-terror bill.

Sa panayam ni Deo Macalma kay Senator Lacson sa programa nitong Damdaming Bayan sa DZRH kahapon, June 8, mariing dinepensahan ng senador ang panukalang batas laban sa mga bumabatikos dito.

Kabilang sa napag-usapan ang pangangampanya ni Catriona laban sa anti-terror bill.

Tila pinersonal naman ni Lacson ang Filipino-Australian ng beauty queen.

Ayon sa senador, bakit daw tumututol si Catriona dito gayong mas matindi pa ang kahalintulad na batas nito sa Australia.

Isinilang ang 26-year-old former Miss Universe sa Cairns, Australia.

Pahayag ng mambabatas, “Ang Australia, very strong democracy kaya medyo ano na ako, with all due respect ano sa ating Miss Universe Catriona Gray, di ba, Australian siya?

Continue reading below ↓

“E, kumokontra rin siya, pero yung batas sa Australia mas matindi sa batas natin.

"Kinopya natin, hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia, pinapatulong namin dito.”

Dagdag pa ni Lacson, “Ilang beses tayo nakipag-meeting sa kanila [Australia].

"Ilang beses ako nakipag-meeting sa kawani ng US Embassy.

"Kasi we cannot do it alone beacuse meron tayong tinatawag na yung international o universal standard.

“Ang parameters ko rito nang ako nagdedepensa rito, huwag kami bumalik sa dead-letter law.”

Ang iba pang may akda ng Senate Bill 1083 ay sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senators Imee Marcos, Lito Lapid, Ramon “Bong” Revilla Jr., at Ronald “Bato” Dela Rosa.

Naipasa ito sa plenaryo ng Senado noong February 26.

HOT STORIES

CATRIONA’S TWEETS

Noong kainitan ng pagtalakay ng Kongreso sa bersiyon nito ng Anti-Terrorism Bill, ang House Bill 6875, marami ang nanawagang netizens at celebrities na ibasura ang panukalang batas.

Kabilang nga sa kanila si Catriona.

Continue reading below ↓

Noong June 3, sunud-sunod ang tweets ng ika-apat na Pinay Miss Universe ukol sa "#JunkTerrorBill."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nakapasa sa third reading ng Kongreso ang Anti-Terrorism Bill noong gabi ng June 3.

Sa kanyang tweets noong June 6, kinontra naman ni Catriona ang mababaw na akusasyon ng mga pro-Terror Bill, na dahil tutol umano siya pagsasabatas nito ay nangangahulugang sinuusportahan niya ang karahasan at mga terorista.

Pahayag ng beauty queen: “Holding the stance of #JunkTerrorBill DOES NOT EQUATE to being pro-terrorism.

"Making the stand of #JunkTerrorBill does NOT equate to supporting violence or terrorists.

"Nor does it imply that we ignore or condone the damage, hurt and conflict that exists..."

Continue reading below ↓

"...in the Philippines and affects so many of our countrymen because of terrorism. Rather, #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (because it can be...and should be better) if the need is indeed urgent during this time."

"The anti-terrorism bill is essential to protect the country and its people, but we cannot pass a bill that is susceptible to potential abuse of power and human rights violations."

Continue reading below ↓

Dahil pumasa na sa Senado at Kongreso ang Anti-Terrorism Bill, pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maisabatas ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Ping Lacson on Miss Universe 2018 Catriona Gray: "E, kumokontra rin siya, pero yung batas sa Australia mas matindi sa batas natin. Kinopya natin, hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia, pinapatulong namin dito.”
PHOTO/S: Courtesy: Ping Lacson on Facebook / @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results