Regine Velasquez empathizes with Kim Chiu being bullied by bashers

Jun 9, 2020
regine velasquez and kim chiu close up
Regine Velasquez (left) says, like Kim Chiu (right), she knows how it feels to be called "stupid": “Yung feeling mo pahiyang-pahiya ka. Ang hirap... Ako lagi akong nasasabihan ng gano’n."
PHOTO/S: Regine Velasquez and ABS-CBN Entertainment on YouTube

Hindi napigilan ni Regine Velasquez, 50, ang maluha habang nagsasalita tungkol sa matinding batikos na naranasan ni Kim Chiu, 30.

Ayon sa Asia's Songbird, alam niya kasi ang pakiramdam na tawaging “bobo” at “stupid” ng ibang tao.

Nabatikos nang husto si Kim dahil sa “bawal lumabas” statement niya sa isang Facebook Live noong May 8.

Hindi kasi malinaw na naipaliwanag ni Kim ang pagkukumpara niya sa pagpapasara sa ABS-CBN ng National Telecomunications Commission at ang batas umano ng classroom.

Dahil dito ay inulan siya ng batikos at pangungutya sa social media.

REGINE SAYS SHE CAN RELATE TO KIM’S EXPERIENCE

Naging guest si Kim sa Facebook Live ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid noong Lunes, June 8.

Dito ay napag-usapan nila ang naranasang pambabatikos kay Kim, na nagawa nitong gawing positibo sa bandang huli.

Ang controversial statement kasi ni Kim na umani ng matinding pamba-bash ay nilapatan ng beat at na-convert sa isang kanta, ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Continue reading below ↓

Milyong-milyong views na ang music video nito, at number one ang kanta ni Kim sa local music charts.

Naantig ang damdamin ni Regine sa naranasang pag-alipusta sa Star Magic artist.

Paliwanag ni Regine, “Alam ko yun, e, pag bina-bash ka, lahat ng tao sinasabihan ka, ‘Ang bobo mo,’ ‘You’re so stupid.’

“Yung feeling mo pahiyang-pahiya ka. Ang hirap... Ako lagi akong nasasabihan ng gano’n.

“Minsan parang ang hirap-hirap nang humarap kahit kanino.

“Minsan parang kinakain ka na ng shame.”

HOT STORIES

THE KOBE BRYANT TWEET

Hindi nagdetalye si Regine kung ano ang karanasan niya.

Subalit noon lamang January, kinutya si Regine sa social media dahil nagkamali siya ng spelling ng pangalan ng NBA superstar na si Kobe Bryant.

January 27, nag-tweet si Regine bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Kobe.

Si Kobe, ang 13-anyos niyang anak na si Gianna, at pito pang kasama ay nasawi sa isang helicopter crash noong January 26 (U.S. time).

Continue reading below ↓

Nag-tweet si Regine, pero mali ang spelling ng pangalan ni Kobe.

Na-edit at naitama naman niya ito, pero may netizens na nakapansin sa orihinal na spelling.

Dahil dito ay kung anu-anong batikos ang natanggap ni Regine.

Dinibdib ito ni Regine, at nakiusap sa kanyang followers sa Twitter.

Aniya: “I always make a mistake with spelling someone name you can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again you can correct me without making me feel bad.”

Dati na ring binanggit ni Regine na madali siyang maapektuhan sa pambabatikos sa kanya sa social media.

Kaya naman sa Facebook Live, sinabi ng singer na nakaka-relate siya sa sinapit ni Kim.

“She was shamed. Talagang hiniya siya ng maraming tao.”

Nasambit din ni Regine: “People did mocked her, and judged her and said she was stupid.

“It should be a lesson to us that wala pong perfect. Kayo po ba ay hindi nagkakamali?”

Continue reading below ↓

regine velasquez make up

Pero hinangaan raw niya si Kim na bagama’t umaming naapektuhan sa pamba-bash, matapos makapagpahinga ay tinawanan na lamang ang nangyari.

Ani Regine: “Pinagtawanan na lang ang sarili. And look at what happened.

Dito na nagsimulang maiyak ni Regine.

“Natutuwa talaga ako. I really love her. I can see how kind she is.

Continue reading below ↓

“I’m drawn to her because she is very kind. Walang mean bone sa bata na ‘yon. She’s such a wonderful kind person.

“For me she didn’t deserve what she experienced before. But she has turned that negative experience into positive.

“It takes character and strength para mahanap mo ‘yan sa isang tao.

“So nakaka-proud si Kim.”

REGINE: WHATEVER HAPPENED TO KINDNESS?

Ikinalulungkot daw ni Regine ngayon kung bakit tila ang hirap ipakita ang kabaitan sa kapwa.

“Sa akin, sa panahon ngayon, ang hindi ko na nakikita, na nagtataka ako, kung bakit wala na... is kindness.

“For some reason, kindness is so expensive.

“Parang people doesn’t want to give it, when it’s free.

“And it’s sad that there are people who would rather be mean than show kindness, and understanding, and compassion. Whatever happened to that?"

Himutok pa ni Regine: “Natutuwa ako sa mga tao na mababait, ‘tapos minsan, nakakainis kung sino pa yung mabait, sila pa yung naba-bash.

Continue reading below ↓

Pero sila tumatayo pa rin, so halata mong iba ‘to. May blessing na kaakibat ito…

“Kung sino pa yung dinidikdik pababa, sila pa yung nabi-bless.”

Ito raw ang nangyari kay Kim.

Paliwanag pa ni Regine, magandang ehemplo ang ipinakita ni Kim sa mga kabataang nakakaranas ng cyberbullying sa social media.

“Pinapakita sa kabataan na we can do this. So what if they bash us?

“Pwede akong tumayo and I can make this negative thing to positive.

“Sa mga kabataan, ‘yan dapat ang tinutularan,” panawagan ng Songbird.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez (left) says, like Kim Chiu (right), she knows how it feels to be called "stupid": “Yung feeling mo pahiyang-pahiya ka. Ang hirap... Ako lagi akong nasasabihan ng gano’n."
PHOTO/S: Regine Velasquez and ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results