Legendary actress Anita Linda dies at 95

by Noel Ferrer Erwin Santiago
Jun 10, 2020
Veteran actress Anita Linda passed away this Wednesday morning, June 10. She was 95.
PHOTO/S: PEP Files

Pumanaw na ang batikang aktres na si Anita Linda kaninang 6:15 ng umaga nitong Miyerkules, June 10.

Heart failure ang ikinasawi ng aktres.

Si Anita—Alice Buenaflor Lake sa tunay na buhay—ay 95 taong gulang.

Kinumpirma ng direktor na si Adolf Alix Jr. ang malungkot na balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Papunta sa bahay ni Anita ang direktor nang makausap namin siya.

Nag-post din si Direk Adolf sa Instagram upang ianunsiyo ang pagpanaw ng dakilang aktres.

Kalakip ang larawan nila ni Anita, ito ang mensahe ng direktor:

"This is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts... The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15AM. Prayers for her soul.

"My condolences to her family and her children, Francesca Legaspi and Fred Osburn."

Continue reading below ↓

Naging direktor ni Anita si Adolf sa ilang pelikula, gaya ng Daybreak, Adela, at Circa.

OLDEST ACTIVE ACTRESS

Bago ang kanyang pagpanaw, si Anita ang "oldest active actress" sa Philippine cinema.

Tumagal ang kanyang acting career sa loob ng mahigit pitong dekada.

Isinilang sa Pasay City noong November 23, 1924, si Anita ay anak ng isang Amerikanong sundalo at mining engineer at sa isang Pinay mula sa Iloilo.

Nagsimula ang kanyang acting career noong early '40s, bago sumiklab ang World War II.

Ang una niyang pelikula ay ang Tiya Juan ng LVN Pictures noong 1943.

Pagkatapos ng giyera ay naging contract star siya ng Premiere Pictures, kung saan ginawa niya ang mga pelikulang Sekretang Hong Kong (1947), Ngayon at Kailanman (1947), Perfidia: Kataksilan (1948), at Anghel Sa Lupa (1948).

Nakamit ni Anita ang kanyang unang acting award para sa pagganap niya sa title role na Sisa noong 1951. Nanalo siyang Best Actress sa Maria Clara Awards, na lumaon ay naging FAMAS Awards.

Continue reading below ↓

Nang sumunod na taon, 1952, ay ginawa naman niya ang classic na ngayong Sawa Sa Lumang Simboryo, na nagbigay sa kanya ng Best Actress nomination sa FAMAS.

Nagwagi naman siyang Best Supporting Actress sa FAMAS para sa Tatlo, Dalawa, Isa noong 1975 at para sa Babae Sa Bubungang Lata noong 1990; sa Gawad Urian para sa pelikulang Takaw Tukso noong 1986; sa Star Awards for Movies para rin sa sa Babae Sa Bubungang Lata noong 1990; at sa Golden Screen Awards para sa Sta Niña noong 2013.

Ngunit napanalunan ni Anita ang pinakamarami niyang acting awards—local at international—dahil sa pagganap niya sa mga indie films na Adela (2009) ni Adolf Alix Jr. at Lola (2010) ni Brillante Mendoza.

Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Circa, na ipinalabas noong 2019.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Anita Linda, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Anita Linda passed away this Wednesday morning, June 10. She was 95.
PHOTO/S: PEP Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results