Detach Video
Marlo Mortel after "Tawag Ng Tanghalan" incident: "Wala nang makakatapak sa akin nang ganun ulit."
Jun 10, 2020

"I'm tired of playing the nice guy dito sa showbiz," sabi ni Marlo Mortel sa panayam sa kanya ni PEP Live host Jimpy Anarcon.

Sa PEP Live guesting ni Marlo nung Biyernes, June 5, napag-usapan ang naging reaksyon ng aktor-singer sa pagkakaroon ng mababang score sa "Tawag Ng Tanghalan All Star Grand Resbak" segment ng It's Showtime.

Marami rin kasi ang nagulat sa naging score ni Marlo roon.

Naglabas tuloy siya ng sama ng loob sa kanyang vlog dahil doon.

Binigyan si Marlo ng score na 88.4 ng mga hurado sa nabanggit na It's Showtime segment. Na-eliminate siya sa contest dahil dito.

Sabi ni Marlo kay Jimpy, matatanggap niya raw kung sabihin na hindi siya magaling aktor, pero ang sabihan siyang hindi siya magaling na singer ay hindi niya matatanggap.

Tanggap niya naman sa mga sinalihan niyang contests na natatalo siya ng sa tingin niya ay mas magaling na singer, pero ang bigyan siya ng mababang score nang walang katanggap-tanggap na explanation ay di raw niya matanggap at nakakababa sa kanyang tiwala sa sarili bilang singer.

Kaya't matapos na ma-eliminate sa contest at maglabas ng sama ng loob sa kanyang vlog, sinabi ni Marlo na, "Wala nang makakatapak sa akin nang ganun ulit.

Panoorin ang video para sa iba pa niyang pahayag.

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results