Coco Martin visits Senator Lito Lapid at the Senate

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2020
Ang Probinsyano lead star Coco Martin (right) pays former co-star Senator Lito Lapid (left) a visit at the senator's office.
PHOTO/S: Courtesy: Henzberg Austria/Senate PRIB

Ilang araw bago magbabalik sa ere ang FPJ's Ang Probinsyano, bumisita si Coco Martin kay Senator Lito Lapid sa Senado kahapon, June 9.

Nagkasama ang dalawa sa ABS-CBN primetime series, kung saan si Coco ang bida at si Lito ang gumanap bilang "Ang Pinuno."

Sa larawang ibinahagi ng Senate of the Philippines Official Facebook page, sinabi ritong ito ang unang pagbisita ng aktor sa senador mula nang maupo si Lapid sa puwesto matapos manalo sa 2019 elections.

Hindi sinabi sa post kung ano ang sadya ng aktor sa senador.

Continue reading below ↓

Malaki ang naging papel ng Ang Probinsyano sa pagkapanalo ni Senator Lapid sa 2016 elections.

Nakopo ni Lapid ang pampitong puwesto sa resulta ng election kung saan nakakuha siya ng halos 16,900,000 boto.

Natigil ang pag-eere ang Ang Probinsyano nang isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Nasundan pa ito ng pagsasara ng ABS-CBN noong May 5, 2020, bunsod ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Simula sa June 13 ay muling magbabalik ang ilang programa ng ABS-CBN sa ere sa pamamagitan ng Kapamilya Channel sa cable.

Kabilang sa babalik na programa ay ang top-rating na Ang Probinsyano.

HOT STORIES

COCO DEACTIVATES IG ACCOUNT

June 5, eksaktong isang buwan mula nang magpaalam sa ere ang ABS-CBN, nag-deactivate ng kanyang Instagram account si Coco.

May lagpas 3.5 million Instagram followers ang 38-year-old actor.

Ipinagtataka ng mga tagahangang aktor ang pagsasara ng kanyang account.

Continue reading below ↓

Pero ayon sa ilang netizens, mukhang may kinalaman ito sa buwelta sa kanya ni Solicitor Jose Calida sa ABS-CBN franchise hearing, noong June 1, sa Kongreso.

Si Coco lamang ang pinangalanan ni Calida sa hearing kahit may ilan pang ABS-CBN stars ang hayagang nagsalita laban sa ilang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa ABS-CBN shutdown.

Pahayag ng abugado ng pamahalaang Duterte, "If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”

Sa Huwebes, June 11, magkakaroon muli ng pagdinig ang Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Probinsyano lead star Coco Martin (right) pays former co-star Senator Lito Lapid (left) a visit at the senator's office.
PHOTO/S: Courtesy: Henzberg Austria/Senate PRIB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results