Alessandra de Rossi, Rosanna Roces pay tribute to legendary actress Anita Linda

by Bernie V. Franco
Jun 10, 2020
alessandra de rossi anita linda
rosanna roces anita linda
Actresses Alessandra de Rossi (left photo) and Rosanna Roces (right photo) pay tribute to Anita Linda who passed away Wednesday morning, June 10.
PHOTO/S: @msderossi on Instagram / Rosanna Roces on Facebook

Nagbigay-pugay sina Alessandra de Rossi at Rosanna Roces sa yumaong veteran actress na si Anita Linda.

Pumanaw si Anita ngayong Miyerkules ng umaga, June 10.

Sa edad na 95, si Anita ang “oldest active actress” sa Philippine movie and TV industry.

Nayong umaga, nag-post si Alessandra sa Instagram ng throwback photo niya kasama sina Anita at film-TV director na si Adolf Alix Jr.

Nagkatrabaho ang tatlo sa 2009 indie film na Manila, na pinagbidahan ni Piolo Pascual.

Sa caption, bakas sa mensahe ni Alessandra kung gaano siya kalapit kay Anita.

Bungad ng 35-year-old actress, “Hirap ako magjoke lately. Sabi ko pass na muna ako. Tapos.... Anita???! Why?!

“I call her Anita, my classmate, joke ko lagi sa kanya na bff na kami nung elementary, sadyang magaling lang ang doktor ko at sya ay laging puyat."

Ibinahagi ni Alessandra kung gaano kahusay makisama si Anita sa mga katrabaho.

“No dull moments pag magkakasama, lalo na pag naglipstick sya, riot yun!

Continue reading below ↓

"Kaya pag nagkita kami, she'll say, 'naglipstick akong red, classmate, dahil alam kong lolokohin mo na naman ako!' and tama sya.”

THE LAST CONVERSATION

Nagkuwento rin si Alessandra tungkol sa huling pag-uusap nila ni Anita.

Post niya: “The last words she said to me, ‘never lose your sunshine, you never fail to make us happy just by being who you are. That is rare. Nakakapagod sa shooting, pero pag nandito ka, masaya kami. don't ever change. just be yourself. don't let anyone or anything take that away from you’- ANITA LINDA [heart emoji]”

Mensahe niya sa pumanaw na aktres: “Anita, ang hirap maging masaya ngayon sa mga panahon na ito. Madilim.

“But your laughter and your beautiful words will be my eternal sunshine.

“Tinayo mo ako today. Hindi ko pa kaya magjoke ha?”

Nagkausap raw sila ni Direk Adolf, at naging madamdamin ang pag-uusap nila sa pagpanaw ng kaibigang beteranang aktres.

Continue reading below ↓

“Sinusubukan namin ni @aalixjr pero nagkakaiyakan lang kami.

“But babangon din kami. Para sayo.”

Saludo naman si Alessandra kay Direk Adolf na naroon para kay Anita kahit sa pagpanaw ng aktres.

Aniya, “Thank you direk for being our classmate's hero. Sa lahat ng pelikula mong inalay sa kanya, nandoon ako.

“Salamat! Classmates forever from Mababang Paaralan ni Diegong Akyat!"

Mensahe pa ni Alessandra kay Anita: “Mahal na mahal kita. Hahanap ako ng liptick na pulang-pula. Try ko. [crying and heart emojis] Rest now.”

Continue reading below ↓

Nagkasama rin sina Alessandra at Anita sa 2012 indie film na Sta. Niña na pinagbidahan ni Coco Martin.

HOT STORIES

ROSANNA ROCES

Idinaan naman ni Rosanna sa pagpu-post ng throwback photos ang pag-alala niya kay Anita.

Caption ni Rosanna sa kanyang Instagram post: “Tita lalong Pinalungkot ng Pagpanaw mo ang araw na ito.

Continue reading below ↓

"Ma miss ka namin nila direk Adolfo Borinaga Alix Jr...naming lahat.

"Grabe . Dami natin pinagsamahan , [crying emojis]”

Kasunod nito ay ang pag-post ni Rosanna sa Facebook ng throwback photos nila ni Anita na kuha mula sa mga event at proyektong pinagsamahan nila.

Kuha raw ang mga larawan mula 2009 hanggang 2019.

Continue reading below ↓

rosanna roces anita linda

GINA ALAJAR, JAKE CUENCA

Nagbigay-pugay rin ang actress-director na si Gina Alajar kay Anita.

Ipinost ni Gina ang larawan nila ng pumanaw na seasoned actress sa Instagram Stories.

Caption ni Gina: “Rest in peace Mommy Alice…the movie industry Lost another great actress…"

Continue reading below ↓

Nag-iiwan din ng mga komento si Jake Cuenca sa mga post nina Alessandra at Rosanna para ipahayag ang kanyang pakikiramay.

Ni-repost ni Jake throwback photo nina Anita, Alessandra, at Adolf.

Caption ng aktor: “Rest in peace Tita Anita Linda you will be missed.”

Nakasama ni Jake si Anita sa pelikulang Nuwebe (2013).

Sa comments section ng post ni Adolf ay nag-iwan din ng mensahe ng pakikiramay sina Jason Abalos, Benjamin Alves, Katrina Halili, Wendell Ramos, Rodjun Cruz, Kakai Bautista, Teejay Marquez, Lance Raymundo, Paolo Paraiso, Luis Hontiveros, at Lotlot de Leon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Alessandra de Rossi (left photo) and Rosanna Roces (right photo) pay tribute to Anita Linda who passed away Wednesday morning, June 10.
PHOTO/S: @msderossi on Instagram / Rosanna Roces on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results