John Lloyd Cruz spotted giving food packs to Cebu City frontliners

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2020
John Lloyd Cruz personally distributed food packs to Cebu frontliners last June 8, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: Sugbo.ph / Ram Mancelita

Sineryoso ng aktor na si John Lloyd Cruz ang adhikaing makatulong sa mga Cebuano kahit sa maliit na kaparaanan.

Noong Lunes, June 8, namataang namahagi ng food packs ang 36-year-old actor sa mga frontliners sa Barangay Guadalupe, Cebu City.

Sa nasabing barangay kasalukuyang nakatira si John Lloyd.

Base sa post ng Sugbo.ph sa Facebook, dimsum, steamed rice, at mineral water daw ang ipinamigay ni John Lloyd sa maraming frontliners.

Continue reading below ↓

Nakasuot ng T-shirt, shorts, sapatos, at sombrerong pula ang aktor.

Meron din itong facemask na suot alinsunod sa health protocols ng Department of Health (DOH) upang masawata ang pagkalat ng COVID-19.

Pinayagan ng Sugbo.ph and PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na gamitin ang kanilang mga larawan sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

Bahagi ng nakalagay sa kanilang artikulo: “No one is definitely stopping John Lloyd Cruz from helping the Cebuanos.

“He is once again helping the frontliners in Guadalupe by personally giving the famous steamed rice (and water) from Dimsum Break.

“Today, June 8, Cruz has been spotted handing out these favorites to the frontliners.”

HOT STORIES

YOUTH PROGRAMS

Noong nakaraang linggo naman, nakipag-meeting si John Lloyd sa mga barangay opisyales ng San Nicolas, Cebu.

Malapit si John Lloyd sa mga kapitan ng Guadalupe at San Nicolas, sa Queen City of the South.

Sa nasabing meeting, inalam daw ni John Lloyd kung ano ang kanyang maitutulong o magagawang proyekto para sa mga kabataan doon.

Kaya naman biro ng ilang netizens, baka raw tatakbo sa isang lokal na posisyon si John Lloyd sa susunod na eleksyon.

Bago pa nito, namigay rin ng vitamins si John Lloyd sa mga residente doon.

Sa Cebu na naglalagi ang aktor dahil sa co-parenting status nila ng dating partner na si Ellen Adarna sa anak nilang si Elias Modesto.

Continue reading below ↓

Doon na rin siya inabutan ng lockdown nitong nanalasa ang peligro ng virus dala ng COVID-19 pandemic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz personally distributed food packs to Cebu frontliners last June 8, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: Sugbo.ph / Ram Mancelita
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results