Agot, Alessandra, Lauren, Direk Tonet, Juan Miguel call for justice for woman who died waiting for bus ride to CamSur

by Jet Hitosis
Jun 10, 2020
On Wednesday, June 10, (L-R) singer-actress Agot Isidro, filmmaker Tonet Jadaone, writer-actor Juan Miguel Severo, and actresses Alessandra de Rossi and Lauren Young join mounting calls for #JusticeForMichelleSilvertino.
PHOTO/S: @agotisidro, @tonetjadaone, @juanmiguelsevero, @lo_young on Instagram

Kaisa ang ilang celebrities sa pananawagan ng hustisya para sa single mother na namatay matapos ang ilang araw na paghihintay ng bus na masasakyan pauwi sa probinsiya.

Viral ngayon sa social media ang kuwento ni Michelle Silvertino, 33, ng Barangay Borabod, Calabanga, Camarines Sur.

Kinondena ng mga aktres na sina Agot Isidro, Alessandra de Rossi, at Lauren Young; ng direktor na si Antoinette Jadaone; at ng actor-writer na si Juan Miguel Severo ang kaawa-awang sinapit ng ginang.

Nalaman ng publiko ang sinapit ni Michelle matapos itong ibahagi ng kaibigan niyang si Nathanael Alviso sa pamamagitan ng serye ng Facebook posts.

Batay sa posts ni Nathanael, bigong makapagtrabaho sa Saudi Arabia bilang domestic helper si Michelle.

Dahil nasa Metro Manila na, namasukan si Michelle na kasambahay sa Antipolo City, Rizal.

Noong huling linggo ng Mayo, nagpaalam daw si Michelle na uuwi na lang sa probinsiya.

Gustung-gusto na raw kasi ng ginang na makapiling muli ang kanyang apat na maliliit na anak.

Continue reading below ↓

TRAVELED ON FOOT FROM CUBAO TO PASAY

Nitong May 31—huling araw ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila—inihatid si Michelle ng kanyang amo sa bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Nang malamang wala pang biyahe ang provincial buses sa Cubao, naglakad si Michelle papunta sa iba pang terminal ng bus sa Pasay City, bitbit ang mabigat niyang bagahe.

Pero bigo uli siya.

Hindi pa pinabibiyahe ang provincial buses sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) rules.

Sa loob ng halos limang araw, nagsilbing tuluyan ni Michelle ang EDSA footbridge sa Barangay 159 sa Pasay.

Doon matiyagang naghintay si Michelle sa muling pagbiyahe ng mga bus papuntang Bicol.

PROBABLE COVID-19 CASE

Sa pananatili sa footbridge, nilagnat at nahirapan sa paghinga si Michelle.

Ayon sa report ng Pasay City Police, isang concerned citizen ang nagparating sa kanila tungkol sa kalagayan ng ginang.

Dumulog daw ang concerned citizen sa Barangay 159, pero wala umanong naging aksiyon ang barangay para tulungan si Michelle.

Continue reading below ↓

Biyernes ng madaling-araw, June 5, natagpuang walang malay si Michelle.

Hindi na siya umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital.

Iniulat ng ABS-CBN News na nakalagay sa death certificate na probable COVID-19 case si Michelle.

Pero nilinaw ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na hindi nasuri sa coronavirus disease o COVID-19 si Michelle.

Wala raw kasing form ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa ganoong proseso, ayon sa alkalde.

Gayunman, mababasa sa report ng Pasay City Police na sumailalim sa swab test ang labi ng ginang.

Kinumpirma rin ni Rubiano na inilibing kaagad si Michelle sa Pasay City Cemetery, kahit pa hiling ng pamilya Silvertino na ma-cremate sana ito.

Ayon sa statement ng Pasay City Public Information Office (PIO), dinala sa Pasay City Public Cemetery and Crematorium ang labi ni Michelle nitong June 7.

Pero ang bangkay raw ay “already bloated and had a very foul smell which also released body fluids.”

Continue reading below ↓

Dahil dito, inilibing na lang daw sa sementeryo si Michelle upang maiwasan ang kontaminasyon sa crematorium at sa mga empleyado nito.

Sa huli, binigyang permiso na rin ng pamilya Silvertino ang paglilibing kay Michelle, ayon kay Rubiano.

Tiniyak naman ng city government na ang paglilibing sa ginang ay alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH) sa ligtas na pagdi-dispose sa bangkay ng mga hinihinalang may COVID-19.

HOT STORIES

CELEBS CRY #JUSTICEFORMICHELLESILVERTINO

Trending ngayong Miyerkules, June 10, ang kaawa-awang kuwento ni Michelle.

Gamit ang #JusticeForMichelleSilvertino, hiling ng netizens na mapanagot ang mga nagpabaya sa sinapit ni Michelle.

Continue reading below ↓

Sa Twitter, ibinahagi ng singer-actress na si Agot Isidro, 53, ngayong Miyerkules ang screenshot ng Facebook posts ni Nathanael at ang report ng ABS-CBN News tungkol kay Michelle.

Nanunumbat ang tweet ni Agot (published as is):

“Napakamura at napakaliit ng buhay ng mahihirap ngayon.

“Nakakatulog pa ba kayo nang maayos?

“Nakakakain pa ba kayo nang hindi ito iniisip?

“Pilipinas, hindi pa ba kayo galit?”

Continue reading below ↓

Nagtitimpi naman sa galit ang tweet ni Direk Antoinette Jadaone.

Ibinahagi rin ng 36-year-old That Thing Called Tadhana filmmaker ang screenshots na katulad ng ipinost ni Agot.

Sulat ni Direk Tonet: “Bawat umaga na lang, may bagong pasabog na ipaglalaban ka bilang Pilipino, ‘no?

“Nakakapagod na magalit pero huwag mapapagod.

“#JUSTICEFORMICHELLESILVERTINO”

Continue reading below ↓

Nag-react sa tweet ng direktor ang aktres na si Alessandra de Rossi, 35, gamit ang loudly crying face, praying hands, at distressed face emojis

Ramdam ang disappointment sa maikling sagot ni Alessandra: “Ano ba to.”

Napa-retweet naman ang 31-year-old writer-actor na si Juan Miguel Severo.

All-capital letters ang caption niya: “JUSTICE FOR MICHELLE SILVERTINO”

Continue reading below ↓

HOW TO RAISE FUNDS FOR MICHELLE, OFWS

Nag-reply rin sa tweet ni Direk Tonet ang film producer na si Bianca Balbuena.

Tinanong ni Bianca ang filmmaker kung paano makapag-aabot ng tulong sa pamilyang naulila ni Michelle.

Nag-suggest si Juan Miguel na gawing “isang bagsak” ang tulong sa pamilya ni Michelle at sa iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na gusto nang umuwi sa probinsiya.

Continue reading below ↓

Tinukoy ni Juan Miguel ang maraming OFWs na kasalukuyang stranded sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Pauwi rin sana ng probinsiya ang stranded OFWs, pero wala pang mga biyahe palabas ng Metro Manila sa ngayon.

Dagdag ni Juan Miguel: “I have an idea how to raise funds pero yung contacting the families medj clueless me.”

Tinanggap naman ni Direk Tonet ang suggestion nina Bianca at Juan Miguel.

Nag-reply sa kanila ang direktor ng “Balitaan ko kayo."

Continue reading below ↓

Samantala, ang post ng ABS-CBN News deputy editor na si Tarra Quismundo tungkol kay Michelle ang ni-retweet ng aktres na si Lauren Young, 26.

PASAY: MICHELLE REFUSED TO BE BROUGHT TO THE HOSPITAL

Sa official statement ng Pasay City PIO, sinabi nitong June 1 nang nakarating sa city government ang impormasyon tungkol sa isang babae sa EDSA footbridge.

Continue reading below ↓

Ang babaeng iyon ay si Michelle.

Nirespondehan daw ng mga tauhan ng Pasay Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) si Michelle nang araw din na iyon.

Ayon sa statement, bagamat normal ang kondisyon, ang ginang daw "looked very tired" nang mga oras na iyon.

Inalok daw ng mga tauhan ng PDRRMO si Michelle na dadalhin ito sa ospital para masuri.

Pero tumanggi raw ito.

Pumirma pa nga raw ng waiver si Michelle na nagpapatunay na ayaw niyang magpadala sa ospital, ayon sa Pasay PIO.

Inihayag din ng city government na pinagproseso nila si Michelle ng travel pass para makauwi kaagad sa Camarines Sur.

Required na sumailalim sa rapid testing ang sinumang bibigyan ng travel pass.

Ini-schedule raw ng June 5 ang rapid test kay Michelle.

Ayon pa sa Pasay PIO, nakipag-ugnayan din sila sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo upang mabigyan ng masasakyan si Michelle pauwi sa Camarines Sur.

Continue reading below ↓

June 6 naman daw naka-schedule ang biyahe ni Michelle pauwi sa kanyang pamilya.

MICHELLE HAD CHRONIC LUNG PROBLEM

Sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Nathanael na September 2019 nang tulungan niyang magproseso ng mga papeles ang kaibigang si Michelle.

Gusto raw kasi ni Michelle na magtrabaho sa ibang bansa.

Solong binubuhay ng ginang ang apat niyang anak, matapos silang iwan ng ama ng mga bata.

Eleven years old lang ang panganay ni Michelle.

Pero ayon kay Nathanael, hindi natanggap sa overseas job si Michelle dahil may sakit umano ito sa baga.

“Alam kong may sakit siya sa baga, kaya nga na-pending yung process niya pagpa-abroad,” iniulat na sinabi ni Nathanael.

“Unfortunately, may tubig siya sa baga, so declared siya na not fit to work.

“Since need niya mag-provide para sa kanyang mga anak, nagtrabaho siya bilang kasambahay sa Antipolo.”

MICHELLE’S P6,000 CASH MISSING

Sa Facebook posts ni Nathanael, sinisi niya ang kapabayaan ng mga kinauukulan sa nangyari kay Michelle.

Continue reading below ↓

Binanggit din niyang may bitbit na PHP6,000 cash ang ginang nang umalis ito mula sa Antipolo.

Pero nang matagpuang walang malay si Michelle ay “Nawawala na rin po 6k na cash na iuuwi nya sana sa kanyang apat na anak.”

Iginiit ni Nathanael ang hustisya para sa kaibigang si Michelle.

Mapatunayan daw sana ng gobyerno na patas na ipinatutupad ang batas para sa lahat ng Pilipino.

Himutok pa ni Nathanael sa kanyang post: “Sa Pilipinas, pag hampas lupa ka wala ka… They will just die and fade away.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa paglalathala ng panig ng iba pang indibiduwal o grupo na nabanggit sa report na ito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Wednesday, June 10, (L-R) singer-actress Agot Isidro, filmmaker Tonet Jadaone, writer-actor Juan Miguel Severo, and actresses Alessandra de Rossi and Lauren Young join mounting calls for #JusticeForMichelleSilvertino.
PHOTO/S: @agotisidro, @tonetjadaone, @juanmiguelsevero, @lo_young on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results