Lauren Young takes another swipe at DJ Loonyo: “Laziness isn’t an excuse to not be informed.”

by Bernie V. Franco
Jun 10, 2020
lauren young makeup
Lauren Young on DJ Loonyo: “It's too easy to throw shade at this point. He’s not even making it fun for me anymore.”
PHOTO/S: Lauren Young (YouTube) / DJ Loonyo (Facebook)

Responsibilidad mo ang ma-educate sa mga nangyayari.

Ito ang iginiit ni Lauren Young sa isang tweet na malinaw na patama kay DJ Loonyo.

Napa-react ang Kapuso actress matapos mag-tweet ang ilang netizens hinggil sa kakulangan umano ng effort ng China-based dancer-choreographer na itama ang mga mali nitong nasabi.

Nitong mga nakalipas na araw, trending si DJ Loonyo dahil sa mali-maling impormasyong binitawan niya tungkol sa COVID-19-related topics, gaya ng mass testing at pagsusuot ng face mask.

Kahit ang mga artista, gaya ni Lauren, ay napa-react sa mga naging pahayag ng YouTuber.

Tinawag pa ngang bobo ng aktres si DJ Loonyo.

Nitong June 7, nagpaliwanag si DJ Loonyo sa isang Facebook Live.

Humingi siya ng sorry, pero bakas ang pagiging defensive nito sa akusasyon laban sa kanya.

Hiniritan niya ang kanyang mga kritiko, kabilang na ang mga artista, na mali ang tawaging "bobo" at "tanga" ang isang tao sa social media.

Continue reading below ↓

Ito marahil ang pinanggagalingan ng isang Twitter user nito lamang Martes, June 9.

Ang konteksto ng mensahe ng netizen, mag-research muna bago magsalita sa isang paksa.

Tweet nito: “ang daming chances ni dj loonyo para bumawi sa mga pinagsasasabi niya pero bakit parang walang nangyayari

“open naman ako sa character development pero parang……regression ang nangyayari….

“then he announces pa to use his platform for love and positivity tangena hahahahahaha”

Ikinumpara naman ng isa pang netizen si DJ Loonyo sa entertainer at social media influencer na si Mocha Uson, na ilang beses nang nabatikos dahil sa pagpapalaganap ng fake news.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

LAUREN: EDUCATE YOURSELF

Dito na sumagot si Lauren.

Muling iginiit ng Kapuso actress ang tungkol sa pagpapakalat ng tamang impormasyon.

Responsibilidad daw ng tao na i-educate ang sarili, at hindi dahilan ang katamaran para hindi maging informed.

Buong tweet ni Lauren: “And instead of bashing or hating sana ineducate nalang.

“First of all its no one elses responsibility to educate you.

“Thats your own responsibility ESPECIALLY if you have the means and resources.

“Laziness isn’t an excuse to not be informed.”

Continue reading below ↓

Sinundan pa ito ni Lauren ng isang tweet: “Its too easy to throw shade at this point. He’s not even making it fun for me anymore.”

Wala siyang binanggit na pangalan, pero base sa maraming reaksiyon ng netizens, malinaw na patama ito ni Lauren kay DJ Loonyo.

May ni-reshare din si Lauren na short video clip ni DJ Loonyo na kumakalat ngayon dahil hindi malinaw ang gustong tumbukin ng dancer.

Continue reading below ↓

Maikling caption ni Lauren: “Ha”

Tinanong naman ng isang netizen ang aktres kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag niligawan siya ng kontrobersiyal na dancer-choreographer.

Sagot ni Lauren: “Yuck”

Continue reading below ↓

Magkahalo ang reaksiyon ng netizens sa reaksiyon ni Lauren.

Nilait siya ng mga kritiko, habang ikinatuwa naman ng supporters ni Lauren ang kanyang reaksiyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lauren Young on DJ Loonyo: “It's too easy to throw shade at this point. He’s not even making it fun for me anymore.”
PHOTO/S: Lauren Young (YouTube) / DJ Loonyo (Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results